15/09/2026
https://www.facebook.com/share/19SZWM7aCB/?mibextid=wwXIfr
CORRECTION DR. FEDERICO B. SARABIA DIED ON SEPTEMBER 4, 1953
π₯ππ ππ πππ₯ππ‘π πππππ₯πππ’ π¦ππ₯ππππ
Ngayong araw ginugunita ang anibersaryo ng kamatayan ng itinuturing na kauna-unahang Filipinong optometrist at founder ng Sarabia Optical na si Dr. Federico Sarabia.
Si Federico Sarabia ay isinilang noong July 18, 1886 sa Kalibo, Aklan mula sa mag-asawang Inocenta at Benigno Sarabia. Nagtapos siya sa kursong optometry (propesyon sa pangangalagang pangkalusugan na may kinalaman sa mga mata) mula sa University of Northern Illinois sa U.S. noong 1905. Pagkaraang mag-aral ng optometry, nagkaroon siya ng pagkakataon na sanayin ang propesyon sa Eye Infirmary sa New York City. Hindi nagtagal, bumalik siya sa Pilipinas at nagtayo ng isang clinic sa Iloilo. Mula Iloilo, dinala niya ang kanyang klinika sa Escolta, Manila kung saan binuksan ang Sarabia Optical, ang isa sa mga kauna-unahang optometry clinic sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga naging kliyente ay sina dating Pangulong Manuel L. Quezon, Sergio OsmeΓ±a, Manuel Roxas, at Elpidio Quirino, at ang kapatid ni Jose Rizal na si DoΓ±a Trinidad βTriningβ Rizal. Ang salaming ginamit ni Trining ay matatagpuan sa bahagi ng koleksyon ng mga memorabilia ni Jose Rizal sa Fort Santiago, Manila.
Taong 1928 nang italaga ni Pangulong Quezon si Sarabia bilang Chairman ng Board of Examiners in Optometry. Siya rin ang kauna-unahang tagapangulo ng Philippine College of Optometry.
Pumanaw si Sarabia sa edad na 68 noong September 4, 1954. Ikinasal kay Rosalia Gonzales, sumunod sa kanyang yapak ang kanyang mga anak. Ang kanyang mga anak na sina Salvacion, Federico, Jr. at Salvador ay naging optometrist, habang ang anak na si Antonio ay isang ophthalmologists. Naging chairman din ng Board of Examiner in Optometry sina Salvacion at Federico, Jr. 21 pa sa mga apo ni Federico ang naging optometrist at ophthalmologists.
History, About Sarabia Optical, (Retrieved from https://www.sarabiaoptical.com.ph)
Philstar.com (January 16, 2006). 100 years of Sarabia Optical (Retrieved from https://www.philstar.com/business/business-as-usual/2006/01/16/316964/100-years-sarabia-optical)
Salvia, Rex (July 25, 2006). Dr. Federico B. Sarabia (Retrieved from https://www.thenewstoday.info/2006/07/24/dr.federico.b.sarabia.html)
The Kahimyang Project, Today in Philippine history, July 18, 1886, Federico B. Sarabia, the first optometrist in the country, was born in Kalibo, Aklan (Retrieved from https://kahimyang.com/kauswagan/articles/2742/today-in-philippine-history-july-18-1886-federico-b-sarabia-the-first-optometrist-in-the-country-was-born-in-kalibo-aklan)