06/07/2026
Bangon na Nasud ko
https://www.facebook.com/share/p/1Cx2Dij5bS/
𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒 𝐖𝐄𝐄𝐊!
Ngayong araw, opisyal na nagsisimula ang isang linggong pagdiriwang ng kultural na yaman ng mga katutubong pamayanan sa buong bansa.
Alinsunod sa Proclamation No. 250, s. 1988 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino, nakatakda ang ikalawang linggo ng Hulyo bilang "Cultural Communities Week," isang taunang pagkakataon upang kilalanin, ipagdiwang, at pangalagaan ang natatanging kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng mga katutubong pamayanan.
Ang kanilang kultura ay hindi lamang pamana ng nakaraan, ito ay buhay na pundasyon ng ating pambansang pagkakakilanlan. Bawat tradisyon, wika, at kaalaman sa kanilang pangangalaga ay bahagi ng kayamanan ng bansa.
Sama-sama nating ipagdiwang ang linggong ito! Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga programa ng NCIP at magsagawa ng kanilang sariling aktibidad na nagbibigay-pugay sa makulay na kultura ng mga katutubong pamayanan.
Manatiling nakatutok sa aming page para sa mga susunod na programa at aktibidad. 🌿
“𝙈𝙖𝙨𝙖𝙜𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣𝙖𝙣: 𝙎𝙖𝙣𝙙𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙧𝙖𝙣”