01/05/2026
Nalalapit na ang 1st Filipino Lupus Patients' Summit, sa May 9, 8AM - 12NN (ONLINE). Libre po ang Summit na ito para sa lahat: mga pasyente, kapamilya o caregivers, kaibigan o may kakilalang mga pasyente, doktor, medical students, at allied health professional, o sinuman ang nais matuto tungkol sa Lupus.
Ano ang maaaring matutunan nyo sa 1st Filipino Patients' Summit?
*Plenary Speakers:
- Dr. Julie Yu (Burden of Steroid Dependence in Lupus): Steroids, tulad ng Prednisone, ang pangunahing gamot para sa Lupus, lalo na kung nagfe-flare. Ngunit alam nyo ba na madaming side effects ito?
- Dr. Leonid Zamora (Emerging Therapies and Steroid-Sparing Strategies): Sa nakalipas na mga dekada, madami nang mga gamot na "hinihiram" para sa gamutan ng Lupus, at madami din tayong mga nababalitaan na mga bagong gamot para sa Lupus.
- Dr. Juan Javier Lichauco (Treat-to-Target and Long-Term Disease Control): Ang Lupus ay panghabambuhay na sakit, at kailangan ng pagtutulungan ng doktor, ng pasyente at ng pamilya upang maabot ang remission o low disease activity.
- Dr. Sandra Navarra (the Future of Lupus Care): Sa panahon ngayon na nakikilala na ang pangangailangan para sa Lupus Care, nagtutulong-tulong ang iba't ibang sektor upang lalong maging sapat ang coverage at management para sa Lupus.
*Panel Discussion 1 (Multidisciplinary and Holistic Lupus Care): Naapektuhan ng Lupus ang iba't ibang parte ng katawan, katulad ng Kidneys. Kadalasan mga babaeng may edad 20-40 ang nagkakaroon nito, ngunit maaari ding magkaroon ng Lupus ang mga bata, mga lalake at mga matatanda. Dahil ito ay panghabambuhay na sakit, hindi maiiwasan na magkaroon ng depression at anxiety, hindi lang ang pasyente, kundi pati ang mga kapamilya.
*Panel Discussion 2 (Access, Policy & System-Level Challenges): Nakapasa na sa 3rd Reading ng Senado ang Comprehensive Lupus Prevention Act. Maliban diyan, dapat may Bill din na nakahain at makapasa sa House of Representatives upang ito ay mapirmahan ng Presidente at maging ganap na batas. Kailangan ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor (government, mga doctor, pharmaceutical industry, at patient-advocate groups) upang masakatuparan ang mas maayos na pangangalaga sa Lupus.
Ipo-post namin sa mga darating na araw ang Zoom link upang direktang makilahok gamit ang Zoom. Maaari din itong mapaood ng Live sa page ng www.Facebook.com/LupusInspiredAdvocacy