25/02/2026
FYI
πππ, πππππππ πππ π
πππ ππππ πππππππ ππ ππππππβπ πππππππ πππππ ππππ ππ ππππππ ππππππππ
Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na WALANG KATOTOHANAN ang kumakalat na impormasyon o "video" sa social media tungkol sa mga umano'y "Bagong Driverβs License Rules Para Sa Senior Citizens Simula March 1, 2026." Ang mga pahayag sa nasabing video hinggil sa bagong medical requirements, mas mahigpit na renewal process, o anumang pagbabago sa validity period para sa mga senior driver simula sa petsang nabanggit ay HINDI OPISYAL at HINDI TAMA.
Sa kasalukuyan, walang inilalabas na direktiba o memorandum ang LTO na nagpapataw ng panibago o karagdagang patakaran para sa pagkuha at pag-renew ng driver's license ng mga senior citizen simula Marso 1, 2026. Ang mga umiiral na patakaran at proseso ay nananatili.
Hinihikayat ng LTO ang lahat na maging mapanuri at iwasang maniwala sa mga impormasyong walang opisyal na pinagmulan. Para sa tumpak at pinakabagong anunsyo at impormasyon tungkol sa mga patakaran at serbisyo ng LTO, mangyaring subaybayan lamang ang aming mga opisyal na social media account at website.
- LTO Official Website: https://lto.gov.ph/
- LTO Official page: https://www.facebook.com/LTOPhilippines