29/06/2026
DAPAT BANG PAYAGAN ANG MGA BATA NA GUMAMIT NG SOCIAL MEDIA?
Paalala ng PHILIPPINE PEDIATRIC SOCIETY: HINDI muna nirerekomenda ang paggamit ng social media para sa mga batang 16 YEARS OLD PABABA. Kung papayagan man, hindi dapat sila hinahayaan mag-isa. Kailangan kasama ang magulang o tagapag-alaga sa pag-manage ng account, may malinaw na oras, rules, at bantay.
Bakit? Dahil ang utak ng bata at teenager ay patuloy pang nade-develop. Mas mahirap pa sa kanila ang magpigil, magdesisyon nang tama, huminto kapag sobra na, at intindihin agad ang panganib. Dahil dito, mas madali silang maapektuhan ng masasamang content, pambubully online, panloloko ng ibang tao, puyat, sobrang paggamit, at problema sa emosyon o mental health.
Hindi ibig sabihin nito na bawal na silang matuto o makisali sa online world. Ang ibig sabihin: kailangan ng gabay. Sama-sama ang responsibilidad ng magulang, school, doktor, gobyerno, at social media companies na gawing mas ligtas ang online space para sa mga bata.