03/09/2026
LIBRENG OCCUPATIONAL THERAPY | PARA SA MGA INDIBIDWAL NA MAY PISIKAL NA KARAMDAMAN MULA EDAD 18 PATAAS
Ikaw ba o ang iyong mahal sa buhay ay nakakaramdam ng isa sa mga kondisyong ito:
Stroke
Arthritis
Traumatic Brain Injury
Spinal Cord Injury
Parkinson’s Disease
Fracture
Amputation
Baka kailangan mo ng occupational therapy?
Ang Occupational Therapy (OT) ay tumutulong sa mga indibidwal na nahihirapang gawin ang mga pang-araw-araw na gawain dahil sa pisikal na karamdaman o pagbabago sa kakayahan . Layunin nitong matulungan kang muling magawa ang mga gawaing mahalaga sa iyo nang mag-isa at ligtas.
📅KAILAN ITO?
Ang libreng serbisyong ito ay gaganapin mula Setyembre - Oktubre 2026
👩🏻⚕️ SINO ANG MAGSASAGAWA NG SESSION?
Ang mga session ay isasagawa ng mga 3rd-year Occupational Therapy students mula sa Emilio Aguinaldo College–Manila, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng mga licensed Occupational Therapists sa bawat session.
Para sa karagdagang impormasyon at inquiries, i-scan ang QR code sa poster o sagutan ang form sa: https://tinyurl.com/Libreng-Occupational-Therapy