17/12/2025
https://www.facebook.com/share/p/1Dj3CRJnFq/
Regarding Med Certs——
Marami po nagtatanong kung bakit may bayad ang Medical Certificate. Madalas ko po naririnig na “papel lang naman yan.” Please naman po, wag tayo maging ignorante. Ang medical certificate ay hindi papel lang. Dala dala po niyan ang license ng doctor at iniingatan po namin yan na hindi makarating sa maling kamay o maling tao. Ang free o mura na med cert ay kadalasan na ginagamit ng mga tao sa pag-aabsent sa hindi valid na dahilan sapagkat napaka dali nitong makuha. Kami pong mga doctor ay nagaral at nagpaka “dusa” ng mahigit 9-12years hindi po para sabihin ninyo na papel lang naman yan. Galing po yan sa utak namin at ginamitan ng expertise. Ngayon ay madalas na may mga reports ng fake med certs or tampered med certs at maaaring madamay pa kami sa kalokohan ninyo. Kung papel lang pala ang med cert… kayo na lang po ang gumawa.
DOH has warned the public and now we have another news on GMA. Tumatawag na po ang mga offices sa amin to verify the authenticity of med documents. At maaari din po kami ipatawag sa korte kapag may clarifications.
Ang med cert ay isang legal document na may kaakibat na responsibilidad sa aming mga balikat.
If you are not willing to pay for the med cert, feel free to consult a quack doctor.
We will stand our ground. Thank you.