10/09/2026
Para sa Bawa’t Pilipinong May Kanser: Abot Kamay na Serbisyong Medikal
Ngayong World Radiotherapy Awareness Week, ating bigyang-pansin ang layo pa ng kailangang lakbayin para sa gamutan sa buong bansa.
Sa kabila ng pagkakaroon ng mahigit 7,600 isla at 18 rehiyon sa Pilipinas, nananatiling hamon ang pantay na pag-abot sa lunas:
Sentralisadong Pasilidad: 21 sa 55 pampubliko at pampribadong RT facilities sa bansa ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR).
Kakulangan sa Espesyalista: Patuloy ang kakulangan sa mga Radiation Oncologist, Medical Physicist, at Radiation Therapist sa mga lalawigan.
Sa tulong ng mga inisyatibo ng pamahalaan at pakikipagtulungan ng mga samahang medikal, patuloy tayong nagsusulong ng mas abot-kamay, mabilis, at makatarungang serbisyong onkolohiya para sa bawat pamilyang Pilipino—saanmang sulok ng bansa! 🇵🇭✨