11/04/2021
Para sa mga may tanong tungkol sa bakuna laban sa COVID-19...
https://www.facebook.com/203479803052977/posts/3909758732425047/
ππππππππππππππ π§π ππ‘π’π₯π’π©π©π’π§π ππ¨ππ’πππ² π¨π ππππ’πππ₯ ππ§ππ¨π₯π¨π π² (ππππ) π§π ππ§π π¦π π π©ππ¬π²ππ§πππ§π π¦ππ² ππππππ ππ² πππππππππππ π₯ππππ§ π¬π πππππ-ππ
(Basahin ang buong dokumento rito: https://psmo.org.ph/2021/04/covid-19-vaccine-and-patients-with-cancer/)
πππππ ππππππππππ πππππππππππ?
π Ayon sa mga pag-aaral, ang mga cancer patient ay may mas mataas na panganib na magkakomplikasyon at mamatay kapag sila ay nagka-COVID-19.
π Dahil dito, sila ay napakahalagang makatanggap ng DAGDAG NA PROTEKSYON sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
πππππ ππππππ?
π Ang mga cancer patient ay dapat tumanggap ng KAHIT ALIN sa mga bakunang APRUBADO NG FDA kung walang kontraindikasyon pagkatapos makipag-usap sa kanilang doktor.
ππππππ πππππππππππππ?
π Dapat mabakunahan ang lahat ng mga cancer patient, pati ang mga kasalukuyang nagpapagamot.
π Maaari nilang ikonsulta sa kanilang doktor kung kailan ang pinakamabuting timing depende sa kanilang sitwasyon.
πππ
π ππ πππ?
π Ang mga bakunang aprubado ng FDA na may emergency use authorization (EUA) ay LIGTAS.
π Walang mga naitalang report ng mas mataas na antas ng side effects sa mga nabakunahang cancer patient kumpara sa madla.
ππππππππ ππ πππ?
π Karamihan sa mga taong nabakunahan ay magkakaroon ng PROTEKSYON laban sa MALUBHANG COVID-19.
π Bagamat maaaring mas mababa ang bisa ng bakuna kapag mahina ang immune system, maaari pa ring mapababa ng pagpapabakuna ang tsansa ng pagkaospital at pagkamatay mula sa COVID-19.
πππ-πππ πππ πππ ππππππππππ ππππ ππ
π
ππππ?
π Ang mga aprubadong bakuna ay maaaring magdulot ng panandaliang mild hanggang moderate na side effects:
* Pagkirot sa bahaging tinurukan
* Pakiramdam ng pagkapagod
* Pananakit ng katawan
* Lagnat sa loob ng 24-48 oras
* Pagkaginaw
βοΈ Ang bawat cancer patient ay hinihikayat na MAKIPAG-USAP sa kanilang medical oncologist at healthcare team tungkol sa BENEPISYO ng PAGPAPABAKUNA.
(Updated as of 8 April 2021)