16/06/2026
May mga CANCER PATIENT na nagsasabi na hindi maaaring kumain ng karne(chicken only) at isda(bawal daw malansa) habang dumadaan sa chemotherapy. Gayunpaman, ang totoo, ang mga ito ay MAHALAGANG PINAGKUKUHANAN NG PROTINA na kinakailangan ng ating katawan para mapanatili ang lakas, maayos na paggaling ng mga tisyu, at mas matibay na depensa laban sa impeksyon.
✅ MAARI KANG KUMAIN NG KARNE, MANOK AT ISDA HABANG SUMASAILALIM SA CHEMOTHERAPY, basta’t:
• Luto nang maayos at hindi hilaw
• Malinis ang pag-hahanda at pagluluto
• Maayos ang imbakan upang maiwasan ang kontaminasyon
⚠️ Iwasan ang:
• Hilaw o kulang sa luto na karne at isda (halimbawa: sashimi, kinilaw, rare steak)
• Hilaw na itlog at iba pang mga pagkaing may mataas na panganib ng impeksyon
Mahalagang malaman na ang mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy ay maaaring magkaroon ng mahina na immune system, na nagdadala ng mas mataas na panganib para sa mga food-borne infection.
Kung may magsabi sa iyo na “BAWAL ang karne o isda,” magtanong ka ng: “BAKIT?” Dapat ang mga rekomendasyon sa pagkain ay batay sa EBIDENSYA AT SYENTIPIKONG katotohanan at mga mungkahi ng iyong doktor o dietitian, hindi sa mga hindi tamang paniniwala o haka-haka na NARIRINIG O NAKIKITA LALO NA SA SOCIAL MEDIA.
🍽️ Ang TAMANG NUTRISYON ay isang MAHALAGANG BAHAGI NG GAMUTAN. Huwag matakot sa masustansyang pagkain—na ang layunin ay mapanatili kang malakas habang NILALABANAN MO ang kanser.