Tondo Medical Center ENT Department

Directions

Tondo Medical Center ENT Department Official page of Tondo Medical Center ENT - Head and Neck Surgery | Updates and patient information | Online Consultation

TONDO MEDICAL CENTER-ENT
Honorio Lopez Blvd, Balut, Tondo Manila

Message Tondo Medical Center Outpatient Department for more information
07/10/2026

Message Tondo Medical Center Outpatient Department for more information

Sa Lunes - September 28, 2026 - ang OPD ay magsasasa sa ganap na 1PM bilang pag gunita ng National Family Week.
21/09/2026

Sa Lunes - September 28, 2026 - ang OPD ay magsasasa sa ganap na 1PM bilang pag gunita ng National Family Week.

πŸ“’ MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA MGA PASYENTE

Sa Lunes, Setyembre 28, 2026, ang Out-Patient Department ng Tondo Medical Center ay half-day lamang at magsasara sa ganap na 1:00 ng hapon, bilang pakikiisa sa Pambansang Linggo ng Pamilya.

Dahil mas maikli ang oras ng serbisyo, lubos naming hinihikayat ang mga pasyente na kumuha muna ng iskedyul bago pumunta sa ospital. Makakatulong ito upang maiwasan ang mahabang paghihintay at masigurong may nakalaang oras para sa inyong pagpapatingin.

⚠️ Iwasang pumunta nang walang iskedyul. Limitado lamang ang maaaring matanggap na walk-in patients at maaaring mapuno nang mas maaga ang mga available na puwesto dahil sa pinaikling oras ng klinika.

Para sa iskedyul, mga katanungan, at iba pang anunsyo, magpadala ng mensahe sa .

Mangyaring planuhin nang maaga ang inyong pagpunta. Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.

17/09/2026

ℹ️ Nose bleed first aid

πŸ‘ƒ Nosebleed ang bata? Stay calm.Karamihan ng nosebleeds sa mga bata ay minor at maaaring mapahinto gamit ang tamang firs...
17/09/2026

πŸ‘ƒ Nosebleed ang bata? Stay calm.

Karamihan ng nosebleeds sa mga bata ay minor at maaaring mapahinto gamit ang tamang first aid:

βœ… Paupuin at bahagyang iyuko ang ulo
βœ… Pisilin ang malambot na bahagi ng ilong
βœ… Isara ang dalawang butas nang tuloy-tuloy sa loob ng 10 minuto
βœ… Hayaang huminga sa bibig
βœ… Huwag munang bitawan para sumilip

Kung dumudugo pa rin, ulitin ang pressure nang isa pang 10 minuto.

❌ Huwag iangat ang ulo
❌ Huwag pahigain
❌ Huwag siksikan ng tissue ang ilong
❌ Huwag pasingahin o pakutkutin pagkatapos huminto

Magpatingin agad kung hindi tumigil matapos ang 20 minutong tamang pressure, malakas ang pagdurugo, nahihirapang huminga, maputla o antukin, o nagsimula pagkatapos ng head injury.

Para makatulong maiwasan ang pag-ulit, panatilihing moist ang ilong gamit ang saline spray o gel, gupitan ang mga kuko, at iwasan ang usok.

Forward. Pinch. Ten minutes.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang .

12/09/2026

ℹ️ Bahing nang bahing, barado ang ilong?

πŸ‘ƒ Paulit-ulit ang bahing? Makati o barado ang ilong? Malinaw ang sipon at madalas maluha ang mga mata?Baka allergic rhin...
12/09/2026

πŸ‘ƒ Paulit-ulit ang bahing? Makati o barado ang ilong? Malinaw ang sipon at madalas maluha ang mga mata?

Baka allergic rhinitis ito, hindi ordinaryong sipon.

Ang allergic rhinitis ay reaksyon ng katawan sa mga trigger gaya ng alikabok sa k**a at unan, amag, pollen, at balakubak ng alagang hayop. Hindi ito nakakahawa at hindi ito ginagamot ng antibiotic.

Para mabawasan ang sintomas:

β€’ Punasan ang alikabok gamit ang basang tela
β€’ Labhan nang regular ang sapin, punda at kumot
β€’ Panatilihing tuyo at maaliwalas ang bahay
β€’ Iwasan ang usok at iba pang nakaka-irita sa ilong

May mga gamot na maaaring makatulong, pero iba-iba ang tamang gamot at tagal ng paggamit. Magtanong muna sa doktor o pharmacist, lalo na kung para sa bata, buntis, o taong may ibang sakit.

Magpakonsulta kung naaapektuhan na ang tulog, trabaho o pag-aaral, lumalala ang hika, hindi malinaw ang sanhi, o hindi gumagana ang kasalukuyang gamot. Kung may matinding hirap sa paghinga, magpunta agad sa emergency room.

Para sa ENT consultation, message us at .

Tondo Medical Center
ENT Department

07/09/2026

ℹ️ May tubig sa tenga pagkatapos lumangoy



πŸŠβ€β™‚οΈ May tubig sa tenga pagkatapos lumangoy? Huwag agad gumamit ng cotton buds.Ikiling ang ulo at iharap pababa ang basa...
06/09/2026

πŸŠβ€β™‚οΈ May tubig sa tenga pagkatapos lumangoy? Huwag agad gumamit ng cotton buds.

Ikiling ang ulo at iharap pababa ang basang tenga. Marahang hilahin ang earlobe para makatulong sa paglabas ng tubig, pagkatapos ay patuyuin ang labas gamit ang malinis na towel.

❌ Huwag magsundot ng cotton buds, daliri, susi, o ibang bagay
❌ Huwag basta magpatak ng gamot nang walang tamang payo
βœ… Panatilihing tuyo ang ear canal pagkatapos lumangoy

Kapag may sakit, matinding pangangati, discharge, pamamaga, o paghina ng pandinig, posibleng hindi na simpleng tubig lamang. Magpakonsulta sa doktor o ENT. Huwag hintaying lumala.

05/09/2026

ℹ️ Pag-Alaga ng Tenga

πŸ‘‚ Akala mo nililinis mo ang tenga mo? Baka lalo mo itong sinasaktan.Ang tutuli o earwax ay hindi simpleng dumi. Tumutulo...
05/09/2026

πŸ‘‚ Akala mo nililinis mo ang tenga mo? Baka lalo mo itong sinasaktan.

Ang tutuli o earwax ay hindi simpleng dumi. Tumutulong itong protektahan at panatilihing healthy ang ear canal. Kadalasan, kusa rin itong lumalabas.

I-tap at i-swipe ang mga larawan para malaman ang tamang pag-aalaga ng tenga.

βœ… Sa labas lang ang linis
βœ… Huwag magpasok ng cotton buds, hairpin, susi, o ibang bagay
βœ… Patuyuin ang tenga pagkatapos maligo o lumangoy
βœ… Panatilihin sa 60% o mas mababa ang headphone volume
βœ… Magpakonsulta kapag may sakit, discharge, pagbabara, o paghina ng pandinig

🚨 Kapag biglang humina ang pandinig sa loob ng ilang oras o araw, magpatingin agad. Huwag hintaying kusa itong bumalik.

I-share ito sa pamilya at mga kaibigan. Baka makatulong para makaiwas sila sa ear injury at hearing loss.

Address

Honorio Lopez Boulevard
Manila
1440

Opening Hours

Monday 9am - 3pm
Tuesday 9am - 3pm
Wednesday 9am - 3pm
Thursday 9am - 3pm
Friday 9am - 3pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tondo Medical Center ENT Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share