17/08/2026
📢 PUBLIC ADVISORY
Dahil sa pinsala at pagbaha na dulot ng patuloy na malakas na pag-ulan bunsod ng Habagat ngayong araw sa ilang bahagi ng Tondo Medical Center, ipinapaalam sa publiko na ang OUT-PATIENT DEPARTMENT (OPD) AT MGA OPISINA ng TONDO MEDICAL CENTER ay SARADO BUKAS, AGOSTO 18, 2026 (MARTES).
Ang oras na ito ay ilalaan sa paglilinis, pag-aayos, at pagdidisimpekta ng mga lugar na naapektuhan ng pagbaha upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga pasyente, empleyado, at iba pang kliyente ng ospital.
Para sa mga kasong nangangailangan ng agarang atensyong medikal, ang Emergency Room ay mananatiling bukas at operational 24/7, gayundin ang iba pang mahahalagang serbisyong pangkalusugan ng ospital.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling ligtas sa gitna ng masamang panahon.
Maraming salamat po