DOH - RITM - AIDS Research Group

DOH - RITM - AIDS Research Group Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DOH - RITM - AIDS Research Group, Women's Health Clinic, Manila.

ARG Clinics caters HIV testing, HIV counseling (Pre/Post Test Counseling, Adherence Counseling ) Antiretroviral Initiation, Prep, PEP, HIV consultation and Admissions

In light of recent challenges faced by Dr. Jeffrey Garcia, we are coming together to launch a fundraising campaign to su...
31/10/2024

In light of recent challenges faced by Dr. Jeffrey Garcia, we are coming together to launch a fundraising campaign to support his medical needs. As a dedicated professional and cherished member of our community, Dr. Jeff has made a positive impact on many lives, and now it’s our turn to support him during this difficult time.

Colleagues, friends especially in the HIV community, at sa mga friends ko na Spartans na kilala si Doc Jeff, let us give Doc Jeff our support at this difficult time. Any amount or by just sharing this post to your friends and colleagues would already be a very big help!

Thank you and pls include Doc Jeff in your prayers. Laban Doc Jeff! πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ

We love you 😘 πŸ’—β€οΈβ€πŸ”₯❀️😘

Gcash #: 09692418087
Jeffrey Garcia

β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€” Oct 22, 2024 Health Update This past week has b

ARG patients please bear with the changes.
17/06/2023

ARG patients please bear with the changes.

Simula ika-13 ng Hunyo, ang ARG Face-to-Face Clinic ay magpapatupad ng same-day online registration at electronic queueing.

Ang ARG Clinic ay bukas mula 8 AM-5 PM, Lunes hanggang Biyernes maliban sa mga holiday. Ang pagpaparehistro naman ay mula 7 AM hanggang 2 PM.

NO ARG CLinic tomorrow. September 26, 2022.To all ARG Clinic patients. Please bear with us. No OPD clinic tomorrow and y...
25/09/2022

NO ARG CLinic tomorrow. September 26, 2022.

To all ARG Clinic patients. Please bear with us. No OPD clinic tomorrow and you need to book for reschedule of your face to face and online appointment. Please keep safe and take care. For emergency concerns kindly go directly to RITM emergency room. We will update you as soon as possible. Thank you!

25/09/2022

To all ARG Clinic patients. Please bear with us. No OPD clinic tomorrow and you need to book for reschedule of your face to face and online appointment. Please keep safe and take care. For emergency concerns kindly go directly to RITM emergency room. We will update you as soon as possible. Thank you!

For ARG clients please be guided accordingly. For any updates please visit ARG Clinic page.Thank you!
17/01/2022

For ARG clients please be guided accordingly. For any updates please visit ARG Clinic page.

Thank you!

08/07/2021

Activity: COVID-19 Vaccination Activity in Muntinlupa to be conducted by the Muntinlupa Social Hygiene Clinic
Who: 100 ARG patients who are Muntinlupa residents
Date : July 19, 2021
Requirements: Medical Clearance from RITM ARG
Host: Muntinlupa Social Hygiene Clinic

Kindly call ARG Vaccine Clearance Hotlines for inquiry and reservations.
0919-595-7264 (Smart)
0956-825-3842 (Globe)
0976-058-8356 (Globe)

Details of the activity will be sent to you by our nurses once you're cleared for the COVID-19 vaccine.

Non-Muntinlupa residents can also be accommodated just ask our nurses but Muntinlupa residents will be prioritized. We just ask our patients to be obedient, patient, and respectful to the staff of Muntinlupa SHC.

Thank you to Muntinlupa LGU and Muntinlupa Social Hygiene Clinic for accommodating RITM ARG patients. GOD BLESS πŸ’š

For our Dear Clients from DasmariΓ±as Cavite kindly register for Free Covid 19 Vaccination Good day this is from DasmariΓ±...
22/05/2021

For our Dear Clients from DasmariΓ±as Cavite kindly register for Free Covid 19 Vaccination

Good day this is from DasmariΓ±as Social Hygiene Clinic. Your name was listed for 1st dose Covid Vaccine (Astrazenica) .
Your first dose will be on May 26,2021 Wednesday 8-11am only at Salawag elementary school.

Kindly made an online registration for your confirmation . No Online registration No Vaccination Policy will be applied

LINK FOR ONLINE REGISTRATION
https://dasmacito.tech/dasmavac/
πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”πŸ”
Mag ONLINE REGISTRATION

look for :

For ARG Clients you can have your vaccination here at loveyourself kindly register and fill this forms:
17/05/2021

For ARG Clients you can have your vaccination here at loveyourself kindly register and fill this forms:

Good day! Thank you for signing up for our vaccination program. This form will help us determine actual number of vaccines needed for requisition for the assigned vaccination days allotted to us by our partner LGU Mandaluyong City. We will also gather your consent for extraction of information relat...

Ating alalahanin ang mga taong nakipaglaban sa HIV at AIDS.Hindi kailangang maging sanhi ng kamatayan ang HIV.May mga pa...
16/05/2021

Ating alalahanin ang mga taong nakipaglaban sa HIV at AIDS.

Hindi kailangang maging sanhi ng kamatayan ang HIV.

May mga paraan upang matugunan ang mga peligrong dala nito.

Bumisita sa pinakamalapit na testing center at alamin ang iyong HIV Status.

Makiisa sa pag-obserba ng International AIDS Candlelight Memorial Day na may temang, "We Remember, We Take Action, We Live Beyond HIV" sa darating na Mayo 16, 2021!

Let’s support each other to end HIV and AIDS for a πŸ’š


RITM-ARG UPDATES: MAY  2021πŸ‘‰ NEW UPDATES πŸ†•οΈ COVID-19 VACCINE CLEARANCEπŸ†•οΈ VIRAL LOAD/CD4/ANNIVERSARY LABS UPDATES(To requ...
05/05/2021

RITM-ARG UPDATES: MAY 2021

πŸ‘‰ NEW UPDATES
πŸ†•οΈ COVID-19 VACCINE CLEARANCE
πŸ†•οΈ VIRAL LOAD/CD4/ANNIVERSARY LABS UPDATES

(To request for an English version of this post, please call any of our counselors at the hotlines.)

----------------------------

Narito ang mga dapat ninyong malaman para sa buwan na ito. Maaari po sanang pakibasa ang lahat ng anunsyo.

πŸ”΄ PART 1: Pananatiling pagkasarado ng RITM ER at ARG CLINIC
πŸ”΄ PART 2: Online consultations (Teleconsultation/Telemedicine) at iba pang pamamaraan ng pagkonsulta
πŸ”΄ PART 3: Pagtanggap ng mga bagong pasyente, Referral sa RITM, Pagtransfer sa RITM, o Pagtransfer sa ibang treatment hub
πŸ”΄ PART 4: Counseling
πŸ”΄ PART 5: RITM Dermatology online consultation
πŸ”΄ PART 6: 6th month/Anniversary/at iba pang laboratory/CD4, VL, at Genotyping
πŸ”΄ PART 7: ARV Refill
πŸ”΄ PART 8: Pagkuha ng medical certificate, clinical abstract, kopya ng laboratory results, reseta, at iba pa
πŸ”΄ PART 9: COVID-19, SWAB/RT-PCR TEST APPOINTMENT SYSTEM, AT COVID-19 VACCINES CLEARANCE
πŸ”΄ PART 10: Gabay sa personal na pagpunta sa RITM
πŸ”΄ PART 11: CONTACT NUMBERS

(Basahin ang mga detalye sa baba.)

----------------------------

πŸ”΄ PART 1: NANANATILING SARADO ANG RITM ER AT ARG CLINIC

1. Ang ARG CLINIC at RITM ER ay nananatiling pansamantalang SARADO bilang parte ng pag responde namin sa pandemya. Ang RITM ay ang pangunahing referral center ng bansa para sa mga kaso ng COVID-19.

2. Sa ngayon ay hindi pa maaaring magpa konsulta ng personal sa ARG Clinic. Hindi pa rin maaaring magbakuna o magpa injection sa RITM. Maaari ninyo itong gawin sa ibang treatment hub o pribadong clinic/ospital.

----------------------------

πŸ”΄ PART 2: ONLINE CONSULTATIONS SA RITM ARG DOCTORS (TELEMEDICINE) AT IBA PANG PARAAN NG PAG-KONSULTA

A. ANG PASYENTENG NAKA-ENROLL SA ARG CLINIC ay maaaring magpa konsulta sa ating RITM ARG DOCTORS sa pamamagitan ng INTERNET O TELEPONO. Ito ay tinatawag na TELEMEDICINE o TELECONSULTATION.

HAKBANG PARA SA ONLINE CONSULTATION:

1. PAGPAPALISTA: Ginagawa isang araw bago ang konsultastyon. I-Click ang http://bit.ly/argteleconsult para sa medical consultations.

(Para sa mga pasyente na hihingi ng medical clearance para sa COVID-19 vaccine, hindi na kailangang kumuha ng slot para sa teleconsultation. Tumawag lamang sa mga numerong 09760588356 o 09568253842, Lunes-Biyernes 9am to 12nn.)

2. ORAS NG PAGPAPALISTA: Lunes hanggang Biyernes 8am-2pm o hanggang mapuno ang slots

3. VALIDATION/CONFIRMATION: Maghintay ng text o tawag mula sa aming nurses para sa confirmation hanggang 5pm. May ibibigay na link ang nurse kung kumpirmadong ikaw ay aming pasyente.

4. ARAW NG KONSULTASYON: I-click ang link 30 minuto bago ang appointment sa doctor.

5. PAGPAPADALA NG RESETA o LAB REQUEST: Ito ay isesend ng doctor sa inyong e-mail.

LIMITASYON: May limitasyon ang online consultation/telemedicine/teleconsultations. May mga pagkakataon na kayo ay maaaring imbitahan ng personal na magpunta sa RITM o i-refer sa ibang ospital para ma-examine o magamot

PAALALA:
- Hindi pinahihintulutan ang private consultation sa Facebook messenger (instagram, e-mail, text, o kung ano pang social media) sa mga doctor. Kailangang magpalista sa ARG Teleconsultation/Telemedicine para sa maayos na paraan ng pagkonsulta. Ang follow-up ay sa pamamagitan ng teleconsult din.

-Ang ibang mga ARG Doctors ay magpapatuloy ng kanilang duties sa COVID wards at ICU. Dahil dito, sila ay hindi available minsan o mabilis maapuno ang slots sa teleconsultation/telemedicine. Maaari ka muna magpa-consult sa kahit kaninong ARG doctor.

-May mga pagkakataong mabilis, mapuno ang slots ng teleconsult/telemedicine. Maaaring magpa-consult pansamantala sa ibang doctor na available sa listahan.

-May mga pagkakataong nagkakaroon ng technical error sa pagpapalista sa teleconsult/telemedicine. Kami ay humihingi ng ibayong pag-unawa.

B. Ang iba pang option ay kayo ay maaaring kumunsulta sa ibang pribadong Infectious Disease doctors sa ibang ospital.

----------------------------

πŸ”΄ PART 3: PAGTANGGAP NG MGA BAGONG PASYENTE, REFERAL SA RITM, PAG TRANSFER SA RITM O PAG TRANSFER SA IBANG TREATMENT HUB

1. Sa ngayon ay HINDI PA maaaring tumanggap ng bagong pasyente, tumanggap ng referral (konsultasyon), at maglipat ng pasyente sa ARG CLINIC. Maghintay sa anunsyo kung kalian ito pahihintulutan.

2. Para sa bagong diagnosed na pasyente at dati ng pasyente ng mga pribadong doctor na gusto magsimula o magpatuloy ng pagkuha ng gamot sa RITM, maaaring makipag ugnayan sa aming staff. Tumawag sa numerong 88072631 o 32 o 37 local 332/ARG Office. Hanapin sina Ms. Lyn o Maram.

3. Kung nais lumipat sa ibang treatment hub, kailangang magpa konsulta muna sa RITM ARG DOCTORS sa pamamagitan ng ONLINE
CONSULTATION/TELEMEDICINE/TELECONSULTATION.

4. Ang RITM ay maaaring tumanggap ng referral na HIV Viral Load test at HIV Drug Resistance Genotyping laboratory mula sa sa ibang clinic o treatment hub. Makipag-ugnayan lamang sa inyong treatment hub doctor/nurse, humingi ng referral, at makipag-ugnayan kay Nurse Roldan ng RITM ARG (tel. no. 88072631 local 248, Mon-Fri, 8am-5pm)
----------------------------

πŸ”΄ PART 4: COUNSELING

Kung may concerns sa pag-inom ng gamot o katanungan sa proseso sa ospital, maaaring tawagan ang aming mga counselors sa mga numero na ito, Lunes-Biyernes (maliban ang holidays) 8am to 12nn, 1pm to 5pm:

09617488594
09497098730
09560357580
09617488594
09665373794
09266172279

Kahit sinong counselor ay maaaring kausapin. Tawag lang po at hindi text at huwag mag-send ng private messages sa Facebook sa aming counselors.
-----------------------------

πŸ”΄ PART 5: RITM DERMATOLOGY ONLINE CONSULTATION

Para sa libreng konsultasyon sa RITM Dermatology Doctors, I-like at follow ang page na: RITM TELEDERMATOLOGY.

Schedule: Lunes-Huwebes 8am hanggang 12noon. Biyernes 1pm-5pm.
Para sa katanungan: Viber text 09276794107 o e-mail: ritmtelederm .com

----------------------------

πŸ”΄ PART 6: 6TH MONTH/ANNIVERSARY, AT IBA PANG LABORATORY/CD4, VL, at GENOTYPING

1. Ang Viral Load, CD4, at iba pang anniversary laboratories ay maaari na uli gawin sa RITM.

πŸ€” Sino ang maaaring magpa-Viral Load?

βœ… mga pasyenteng wala pang Viral Load kahit isang beses at 6 months ng umiinom ng ARV's
βœ… mga pasyenteng nasa ika-anim na buwan at isang taon ng pag-take ng ARV
βœ… mga pasyenteng posibleng may drug resistance na sinabi ng doctor
βœ… mga maaaring magpa-Viral Load ngayong May: mga pasyenteng may anniversary ng May. Ang ibang pasyente na ibang buwan ang anniv ay gagawin sa itinakda nyong buwan ang inyong VL. (Example: kung ang anniversary mo ay September, gagawin ito sa September 2021)

πŸ€” Paano magpa-schedule ng Viral Load/CD4/Anniversary laboratory?

βœ… Tumawag sa mga numerong 09176456199 (Globe) o 09471417895 (Smart), Lunes-Biyernes, maliban ang holidays, 8am to 5pm.

πŸ™PAUNAWA:

βœ… Bilang pagsunod ng RITM sa health protocols, limitadong bilang ng pasyente lamang ang maaaring makunan ng dugo.

βœ… Para sa mga naka-Efavirenz at Lopinavir/ritonavir: may 10 to 12 hours fasting at kayo ay mas mainam kunan ng dugo sa umaga. Para sa mga naka-Nevirapine, Rilpivirine, at Dolutegravir, hindi kailangan ng fasting at kayo ay mainam na makunan ng dugo sa hapon.

βœ… Kailangang naka-faceshield, facemask, at may dalang alcohol pagpunta sa RITM. Sagutan ang health declaration form sa employees' entrance guard. Pumunta lamang sa waiting area sa animal bite follow-up sa labas ng ER at maghintay tawagin.

❌ Hindi maaaring magpa-viral load ang mga pasyenteng tumigil o hindi regular ang pag-inom ng ARV. Ito ay ipagbigay alam agad sa kahit kaninong counselors. Kailangan muna ng teleconsultation sa ARG Doctor.

❌ Hindi maaaring kunan ng dugo kung ikaw ay kasalukuyang COVID-positive/cofirmed, suspect, o exposed. Hindi maaaring kunan ng dugo kung ikaw ay may lagnat, sipon, ubo, hirap huminga, naduduwal/nagsusuka, masakit ang ulo o katawan, nanghihina, nagtatae, at nawawalan ng pang-amoy o panlasa.

2. Para sa mga pasyente ng ibang treatment hub na nangangailangan ng Viral load o Geotyping, maaaring makipag-ugnayan muna sa inyong treatment hub coordinator/nurse/doctor. Humingi ng referral at makipag-ugnayan kay Nurse Roldan sa numerong 09770278114 o 88072631 local 248.

----------------------------

πŸ”΄ PART 7: ARV REFILL

Narito ang mga active at karagdagang pansamantalang mga numero na maaaring tawagan para sa inyong pagkuha ng ARV. Ang mga numero na ito ay bukas lamang ng Lunes-Biernes maliban sa holidays, 8am to 5pm. TAWAG LANG PO AT HINDI TEXT.

ARV REFILL HOTLINES

09617488594
09560357580
09665373794
09266172279
09497098730
09154128364
09617473082

βœ… Ang lahat ng numero ay active. Kung walang sumasagot o busy ang linya, maaaring tumawag uli. Ito ay sa kadahilanang ang aming kakaunting staff ay kumakausap sa maraming pasyente, nag aayos ng mga papeles para sa huling kinausap na pasyente, at nagbibigay ng counseling sa mga pasyente. Kami ay humihiling ng kaunting pang-unawa para dito.

❌ HINDI muna pinahihintulutan o papayagan ang mga Walk-in refill (yung pupunta ka na lang ng ospital ng hindi nakatawag sa hotline)/. Dapat ay tumawag muna sa ARV refill hotlines bago kunin ang ARV.

☝ Ginagawa namin ang lahat para mabawasan ang inyong exposure sa COVID-19. Narito ang ibat ibang paraan kung paano kumuha ng inyong ARV:

1. Tumawag sa ARV Refill hotline. Ipadeliver sa pamamagitan ng Lalamove o LBC. Ang pagkuha ng ARV ay maaari lang gawin pagkatapos ng pagtawag sa ARV Refill hotlines. Ang pagkuha ng ARV ay Lunes-Biernes, maliban sa holidays, 8am -5pm. Huwag magpapa-book sa Lalamove ng hindi pa nakakatawag sa hotlines. Ito ay para maiayos muna ng aming staff ang inyong mga papel at mapaghandaan ng aming pharmacy ang inyong gamot.

2. Tumawag sa ARV Refill Hotline. Kung gusto pa rin ninyong personal na kunin ang ARV, kayo ay kailangang magsulat ng HEALTH DECLARATION FORM sa Employees' entrance guard (tapat ng flagpole). Kapag kayo ay pinahintulutang pumasok, dumiretso lamang sa labas ng RITM CIDTRAM Office.
Ang pagkuha ng ARV ay tuwing Lunes-Biyernes, 8am-5pm, maliban sa holidays. Kung ikaw ay kukuha ng ARV para sa ibang pasyente, magdala ng authorization letter, photocopy/printed copy ng orange card, at valid ID ng pasyente at authorized person.

☝ PAALALA 1: Kailangan ay saulohin mo ang kumpletong pangalan ng iyong ARV. (Example: Lamivudine, Tenofovir, Efavirenz at huwag sabihin ang 3 in 1 o LTE). Kapag magrerefill ng gamot ay kailangang bigkasin ang kumpletong pangalan ng gamot para makaiwas sa pagkakamali ng pagbibigay ng inyong gamot. Ito ay parte ng medication safety program ng World Health Organization. Kung nahihirapang saulohin ay maaari itong basahin at magpaturo sa aming counselors, nurses, o doctor.

☝PAALALA 2: Kung ikaw ay nakatira sa lugar na may localized lockdown, hindi pinapayagan makapasok ang courier service/delivery, wala pang public transportation, o kasalukuyang naka-quarantine, makipag-ugnayan agad sa aming counselors/staff para matulungan ka na makapag-refill ng gamot.

☝PAALALA 3: Kung ikaw ay may mga kaibigang pasyente na magkakalapit lamang ang tirahan, pinapayagan ang group refill para makatipid sa pagpapadala ng inyong ARV.

☝PAALALA 4: Huwag hayaan na maubusan ka ng ARV. Ugaliing mag refill 2 linggo bago ka maubusan ng mga tableta. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, kailangang tumawag sa hotlines 1-2 months bago maubusan ng ARV.

☝PAALALA 5: Kung ikaw ay tumigil sa pag-inom o hindi regular/nahihirapan uminom ng ARV, sabihin ito agad sa aming counselors sa ARV refill hotlines. Ito ay para matulungan naming kayo sa pagsisimula muli at mabigyan ng abiso kung paano namin babantayan ang inyong kalusugan at Viral Load.

☝PAALALA 6: Alagaan ang inyong mga ARV. Huwag ito hayaang masira, mabasa, o mawala.

☝PAALALA 7: Huwag itapon agad ang mga ARV. Tingnan ang expiration date. Kung sa tingin ninyo na expired ang inyong mga ARV, tumawag muna sa RITM Pharmacist sa 88072631 o 32 o 37 local 803

☝PAALALA 8: Hindi maaaring ibigay/ipahiram sa ibang pasyente ang maraming tablet o mga bote ng ARV. Ugaliin na maging responsable sa pag rerefill ng ARV. Kung ikaw ay nagre-refill sa ibang hub, ito ay ipagbigay alam sa aming mga counselors.

☝PAALALA 9: Libre ang ARV at hindi ito maaaring ibenta.

----------------------------

πŸ”΄ PART 8: PAGKUHA NG MEDICAL CERTIFICATE, CLINICAL ABSTRACT, COVID-19 VACCINE CLEARANCE, AT IBA PANG DOKUMENTO PATI ANG RESETA

☝Para sa pagkuha ng Medical Certificate, Clinical abstract, kopya ng laboratory result, pagpirma ng doctor para sa mga papeles, kailangan muna magpa konsulta sa mga RITM ARG DOCTORS sa pamamagitan ng ONLINE CONSULTATION o TELEMEDICINE/TELECONSULTATION. Pagkatapos ng konsulta ay i-click ang link na http://bit.ly/ritmonlinedocumentrequest at sundin ang mga hakbang. May kaakibat na bayad ang pagpapadala ng ibang dokumento.

☝COVID-19 VACCINE CLEARANCE
Para sa mga pasyente ng RITM-ARG na nangangailangan ng Medical Clearance para sa kanilang COVID-19 vaccine, tumawag lamang sa alinmang mga numero na ito:

πŸ“² 09760588356
πŸ“² 09568253842
(Lunes-Biyernes, 9am-12nn)

Kailangang impormasyon:
-Full Name
-Age
-Birthdate
-Hospital Number
-RITM Code
-Contact Number
-E-mail address

-Ipapadala ang medical clearance sa inyong e-mail.

-Hindi na kailangang kumuha ng teleconsultation slot kung medical clearance lamang ang pakay.

-Para sa mga pasyente na hindi umiinom ng ARV o kasalukuyang may mga sintomas na lagnat, ubo, sipon, masakit ang ulo, masakit at nanghihina ang katawan, naduduwal/nagsusuka, nagtatae, nawalan ng panglasa o pang-amoy, kayo ay inaabisuhan na kumunsulta muna sa pamamagitan ng ARG Teleconsultation.

☝ Para sa paghingi ng reseta, kailangan din muna ang CONSULTATION o TELEMEDICINE/TELECONSULTATION. Ang reseta ay ipapadala ng doctor sa inyong e-mail.

☝ Maaari lamang humingi ng mga reseta o laboratory request na prescribed o talagang pinapagawa ng mga doctor. Hindi maaaring humingi ng mga fake na reseta/laboratory request dahil ito ay labag sa batas.

----------------------------

πŸ”΄ PART 9: COVID-19, SWAB TEST/RT-PCR TEST APPOINTMENT SYSTEM, at COVID-19 VACCINES

1. Dahil ang NCR+ ay napapasailalim sa Modified Enchaned Community Quarantine o MECQ, ang mga may mga iba pang karamdaman tulad ng high blood pressure, diabetes, asthma, cancer, kidney disease, at mga immunocompromised/mababa ang immune system/edad 18 pababa at 65 pataas ay hindi pa maaaring lumabas ng kanilang tahanan. Ang mga pasyente na napapabilang dito ay inaabisuhan na ipa-deliver o ipakuha na lamang sa iba ang kanila mga ARV.

2. Panatilihing ligtas laban sa COVID-19: gumamit ng face mask at face shield. Laging maghugas ng kamay. Gawin ang social distancing. Iwasan ang mga hindi importanteng lakad o mga parties.

3. Kung ikaw ay pasyente ng ARG na may lagnat, ubo, sipon, masakit o makati ang lalamunan, masakit ang ulo at katawan, nababawasan ng pang amoy at panlasa o COVID-19 suspect, maaaring ipaalam ito sa inyong BHERT (Barangay Health Emerency Response Team), Brgy. Health workers, city health office, pinakamalapit na ospital, o konsultasyon sa mga RITM ARG Doctors sa pamamagitan ng Telemedicine, o tumawag sa RITM COVID-19 TRIAGE DOCTORS sa numerong 88072631/32/37 local 206.

4. Kung ikaw ay isang COVID-19 suspect at nais magpatingin/magpa swab test o RT-PCR test sa RITM, kailangan munang magpa-appointment sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: apps.ritm.gov.ph/appointment/

5. Para sa mga katanungan tungkol sa COVID-19 vaccines, kailangan ng counseling sa mga ARG Doctors sa pamamamagitan ng Telemedicine. Maaari ring basahin ang mga infographics na naka-post sa timeline ng page na ito o tingnan ang album na "COVID-19 VACCINES INFORMATION".

πŸ’‰ MEDICAL CLEARANCE PARA SA COVID-19 VACCINE

Para sa mga pasyente ng RITM-ARG na nangangailangan ng Medical Clearance para sa kanilang COVID-19 vaccine, tumawag lamang sa alinmang mga numero na ito:

πŸ“² 09760588356
πŸ“² 09568253842
(Lunes-Biyernes, 9am-12nn)

☝ Kailangang impormasyon:
-Full Name
-Age
-Birthdate
-Hospital Number
-RITM Code
-Contact Number
-E-mail address

☝ Ipapadala ang medical clearance sa inyong e-mail.

☝Hindi na kailangang kumuha ng teleconsultation slot kung medical clearance lamang ang pakay.

☝Para sa mga pasyente na hindi umiinom ng ARV o kasalukuyang may mga sintomas na lagnat, ubo, sipon, masakit ang ulo, masakit at nanghihina ang katawan, naduduwal/nagsusuka, nagtatae, nawalan ng panglasa o pang-amoy, kayo ay inaabisuhan na kumunsulta muna sa pamamagitan ng ARG Teleconsultation.

----------------------------

πŸ”΄ PART 10: GABAY SA PERSONAL NA PAGPUNTA SA RITM

1. Sa ngayon ay hindi pa maaaring magpunta ng personal sa RITM para magpakonsulta sa ER at ARG Clinic.

2. Maaari lamang pumunta kung ikaw ay magpipick up ng ARV (kung ito ay naitawag mo muna sa ARV Refill hotlines), kung kukuha ng dokumento sa HIMD/Medical Records, personal na pinapunta ng aming mga doctor, o kung may appointment para sa Viral Load.

3. Lahat ng pasyente o bisita na papasok sa RITM ay kailangang magsulat ng HEALTH DECLARATION FORM sa EMPLOYEES ENTRANCE GUARD na tapat ng flag pole. Kung ikaw ay isang COVID SUSPECT, huwag ng magsulat ng health declaration form, dumiretso na agad sa COVID Triage.

----------------------------

πŸ”΄ PART 11: CONTACT NUMBERS

Para sa mga katanungan o concerns, maaaring makipag ugnayan sa mga numerong ito, Lunes-Biyernes, 8am to 5pm:

88072631/32/37 local 248: TELEMEDICINE HOTLINE
88072631/32/37 local 206: COVID-19 SCREENING AND TRIAGE

MAAARI NINYONG IBAHAGI SA IBANG PASYENTE ANG POST NA ITO.

-KATAPUSAN NG ANUNSYO PARA SA MAY 2021-

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH - RITM - AIDS Research Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to DOH - RITM - AIDS Research Group:

Share