28/03/2026
Sa oras ng lindol, ang kahandaan ay maaaring magligtas ng buhay. π‘
Siguraduhing may nakahandang Emergency Go Bag na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng gamot π, pagkain π, tubig π°, mahahalagang dokumento π, at mga gamit para sa kaligtasan at komunikasyon βοΈ.
Mainam na ihanda ito nang maaga at ilagay sa lugar na madaling makuha sakaling magkaroon ng biglaang paglikas. Tandaan na sa oras ng sakuna, mahalaga ang bawat segundo. Ang pagiging handa ay makakatulong upang mapanatili ang kaligtasan ng buong pamilya.
Huwag hintayin ang pagdating ng sakuna bago kumilos.
Maging alerto, maging handa, at maging ligtas!