21/05/2026
PAALALA | PANSAMANTALANG PAGSASARA NG EMERGENCY ROOM
Ipinaaalam po sa lahat na pansamantalang isasara ang Emergency Room ng Ospital ng Maynila Medical Center simula Linggo, May 24, 2026 hanggang Lunes, June 1, 2026 para sa gagawing pagsasaayos at pagpapabuti ng ating Emergency Room upang higit pang mapahusay ang serbisyong medikal para sa mamamayan.
Sa panahong ito, ang ating mga pasyente ay pansamantalang dadalhin sa ibang LGU Hospitals para sa agarang atensyong medikal.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikipagtulungan habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagsasaayos para sa mas maayos, ligtas, at episyenteng serbisyo.
Maraming salamat po.