13/03/2026
Pagkakaloob ng LIBRENG implant at operasyon ay muling magbubukas simula ngayong buwan ng Marso.
Maraming karaniwang problema sa paa at bukung-bukong ang maaaring magdulot ng pananakit, pamamaga, at hirap sa paglakad. Ang mga kondisyong ito ay maaaring dulot ng aksidente, mga pwersa sa paa dala ng trabaho, injury sa paglalaro ng sports, o di kaya dala na mula kapanganakan. Iilan sa mga ito ang:
โข Mga bali o gumaling na bali sa paa
โข Sakit sa talampakan (Plantar Fascitis)
โข Sakit sa bukong bukong (Achilles Tendinitis)
โข Bukol sa hinlalaki sa paa (Bunions)
โข Mga pagbabago sa hugis ng paa at mga daliri nito
- Pagbaluktot ng mga daliri ng paa (Claw Toe)
- Panlalatang pagbaluktot ng daliri ng paa (Hammer Toe)
- Pagsalubong o pagsapaw ng mga daliri ng paa (Cross-over Toe)
โข Pagkapilipit paloob at pagtaas ng arko ng paa (Cavovarus deformity)
โข Pagbagsak ng arko ng paa (Flatfoot)
โข Bukol sa likod ng bukong bukong (Haglundโs deformity)
Kapag may problema sa paa o bukung-bukong, maaaring maranasan ang:
โข Pananakit sa sakong, paa, o bukung-bukong
โข Pamamaga o pamumula ng kasukasuan
โข Hirap sa paglakad o pagtapak
โข Pakiramdam na mahina o unstable ang ankle
โข Pagbabago sa hugis o alignment ng paa
Kung ang sintomas ay tumatagal ng ilang linggo, lumalala habang naglalakad, o hindi gumagaling kahit may pahinga at gamot, maaaring kailangan ng mainam na pagsusuri at paggamot. Sa ilang kaso, maaaring mangailangan ng operasyon upang maibalik ang normal na galaw ng paa.