24/10/2026
PAGPUPUGAY SA ATING MGA NARS!
Sa pagdiriwang ng Nurses’ Week, kinikilala ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mahalagang papel at malaking ambag ng mga nars sa mga pampubliko at pribadong ospital. Kinikilala ang kanilang dedikasyon, sakripisyo, at malasakit sa pangangalaga sa kalusugan ng bawat pasyente.
Patuloy na nagbibigay-pugay ang lungsod sa lahat ng mga nars na buong pusong naglilingkod sa mga Manileño. Ang kanilang pagsisikap at paglilingkod ay mahalagang bahagi ng paghahatid ng maayos at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.