07/07/2026
Alinsunod sa Executive Order No. 29, s. 2017, ang buwan ng Hulyo ay itinalaga bilang National Disaster Resilience Month (NDRM) sa Pilipinas βοΈ
Ngayong ika-38 na taon ng paggunita ng NDRM, ang pagdiriwang na ito ay iikot sa temang, "NAGHAHANDA at KUMIKILOS tungo sa PANATAG na BAGONG PILIPINAS".π·ββοΈπ·ββοΈ
Layunin ng temang ito na palawigin ang kaalaman ng mga mamamayang Pilipino tungkol sa kahalagahan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa pagharap ng mga sakuna π§
Bilang isang inisyatiba ng mga mag-aaral mula sa UP Manila College of Nursing β N110: Disaster Nursing Batch 2024β2025, layunin naming magbahagi ng makabuluhan at mapagkakatiwalaan na talaan ng impormasyon upang mapalakas ang kahandaan ng publiko sa iba't ibang uri ng kalamidad at krisis pangkalusugan βοΈ
Naniniwala kami na ang disaster resilience ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang makabangon matapos ang isang sakuna, kundi, higit sa lahat, sa kakayahang maghanda bago pa ito dumating. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, nagiging mas handa ang bawat isa na gumawa ng wastong desisyon, mapangalagaan ang sarili at ang kapwa, at mabawasan ang epekto ng mga sakuna sa ating mga komunidad β
Abangan ang aming mga susunod na adbokasiya, educational materials, at information campaigns ngayong National Disaster Resilience Month! Sama-sama nating palakasin ang kultura ng kahandaan at bumuo ng mga komunidad na handa, maalam, at maagap sa harap ng anumang sakuna π
Dahil sa panahon ng sakuna, ligtas ang taong may alam βοΈ
βοΈ

Bisitahin ang aming website: https://tinyurl.com/3k3wvspd
βοΈ