07/05/2026
π©Ί PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG KALUSUGAN! π
Nakikiisa ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, sa pangunguna ng Health Employeeβs Welfare, DJFMH Union, at ng Public Health Unit, sa pagdiriwang ng National Health Workersβ Day ngayong araw, May 7, 2026. Sa ilalim ng temang βKapakanan, Karapatan, at Kalinga para sa Health Workers: Haligi ng Serbisyong Pangkalusugan para sa Lahat,β ating binibigyang-diin na sa bawat oras ng pag-aalaga, sakripisyo, at serbisyong ibinibigay ng ating mga Health Workers, maraming buhay ang nabibigyan ng pag-asa at paghilom. Mula sa mga doktor, nars, at midwives, hanggang sa ating mga admin at support staffβang inyong dedikasyon ay nagsisilbing liwanag para sa maraming pamilyang Pilipino. Kayo ang tunay na sandigan ng ating komunidad at ang matibay na haligi ng ating sistemang pangkalusugan.
Isang malugod na pasasalamat ang aming ipinaabot sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng pagdiriwang na ito sa Duque Hall. Taos-pusong pasasalamat sa ating Medical Center Chief II, Dr. Salvador B. Evardone, MPH, MHA, CESE, gayundin kina Ms. Lourdes C. Mendoza (Chief Administrative Officer), Ms. Nancy C. Guia (Nurse VII), Dr. Ann-Margaret T. Rodriguez (DJFMH-COOP), Ms. Maria Ursulita R. Umali (Midwifery School Principal II), Dr. Monina Taladua (Medical Specialist IV), Dr. Milabelle Pamitan-Estabillio (Medical Specialist IV), Dr. Mylette G. Delmas (Medical Specialist I), at Dr. Alferos - Saldua (Medical Specialist). Kinikilala rin namin ang mahalagang kontribusyon ng Employeeβs Welfare Committee, Nutrition and Dietetics Dept., at ng DJFMH Medical Service Organizing Committee para sa inyong walang sawang pagsuporta.
Layunin nating ipadama ang kalinga na nararapat para sa ating mga kawani sa pamamagitan ng mga inihandang serbisyo tulad ng "Finding Peace" mental wellness corner, libreng bone scanning, free haircut, massage, at pamamahagi ng libreng gamot. Pagkatapos ng masayang salu-salo para sa lahat, naging highlight at huling bahagi ng ating programa ang isang masiglang pa-Zumba na nagpuno ng saya at enerhiya sa bawat isa. Sa lahat ng ating Fabella Health Workers, maraming salamat sa inyong serbisyong may puso. Karapat-dapat lamang na kayo ay kalingain, pahalagahan, at protektahan dahil kayo ang aming mga tunay na bayani. Mabuhay ang mga Health Workers!
photo credits to Djfmh-Public Health Unit