Sayuntis

Sayuntis Sayuntis, a portmanteau of 2 Filipino words, “sayaw” and “buntis”, meaning "dance" and "pregnant"

18/07/2025

Mommy, gusto mo bang magexercise pero maulan? Bakit hindi subukan ang Sayuntis sa loob ng bahay?

Every mother deserves to feel seen heard and supported. Let’s break the silence around maternal mental health and stand ...
23/05/2025

Every mother deserves to feel seen heard and supported. Let’s break the silence around maternal mental health and stand together for care compassion and change.

As we celebrate World Mental Health Day, we would like to remind everyone that mental health is real and valid. Whatever you experience is valid. Mommies to be and new mommies are more prone to mental health issues as there are big changes in their lives. So remember these tips from Dr. Maria Stephanie Fay Cagayan, M.D, PhD, FPOGS, and illustration by Asian Chan

Today is a reminder that pregnancy should be safe and never risk the mother or the baby's life. Let us continue raising ...
22/05/2025

Today is a reminder that pregnancy should be safe and never risk the mother or the baby's life. Let us continue raising awareness and supporting research on pre-eclampsia.

Ikaw ba ay at least 20 weeks pregnant?
May mga nararanasan ka bang isa o higit pa sa mga nakalista na sintomas?
Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, huwag nang magdalawang-isip at kaagad na magpacheck up sa inyong doktor.




Exercise is an essential part of every woman's life. It strengthens our bodies, boosts our mood, and helps us live longe...
29/01/2024

Exercise is an essential part of every woman's life. It strengthens our bodies, boosts our mood, and helps us live longer, healthier lives. Physical therapy is not just for injuries anymore. It's a powerful tool to help women of all ages and fitness levels achieve their goals safely and effectively. Whether you're a seasoned athlete, a busy mom, or someone recovering from an injury or chronic condition, physical therapy can create a personalized exercise plan that's right for you.

Octarine is a clinic in the heart of Quezon City at 37, 1103 Scout Borromeo St, Diliman, Quezon City. They believe in holistic care through proper assessment, manual therapy, and corrective exercise. Contact them through What's App: 0915 717 6519 or through Instagram: https://www.instagram.com/octarinemanila/ for your physical assessment and treatment today!

Sa iyong huling tatlong buwan ng pagbubuntis maaari kang makaranas ng hirap sa pagtulog at pagkakaroon ng heartburn o ka...
17/07/2023

Sa iyong huling tatlong buwan ng pagbubuntis maaari kang makaranas ng hirap sa pagtulog at pagkakaroon ng heartburn o kabag. Paano ito maiiwasan?

1. Para sa kabag - magtanong sa inyong health care worker kung anong mga pagkain ang dapat iwasan at kung anong alternatives para rito. Maaari rin kayong resetahan ng antacid.

2. Para sa pagtulog - gumamit ng unan para suportahan ang ilang bahagi ng iyong katawan.

Tandaan na mahalaga na laging magpacheck-up sa inyong doktor o midwife para sa kalusugan ninyo ni baby.

Take care of your baby's mental health, mommies 😊
09/06/2023

Take care of your baby's mental health, mommies 😊

To all the moms, the moms who have carried a child in their heart, those who became moms to children born by another, an...
14/05/2023

To all the moms, the moms who have carried a child in their heart, those who became moms to children born by another, and to all moms-to-be: Happy Mother's Day!

Mommy! Nasa second trimester (4-6 na buwan ng pagbubuntis) ka na ba? Kung oo, siguradong napapansin mo na ang iyong baby...
13/05/2023

Mommy! Nasa second trimester (4-6 na buwan ng pagbubuntis) ka na ba? Kung oo, siguradong napapansin mo na ang iyong baby bump.

Alam mo ba na maraming mommies ang nababawasan na ang discomfort pagdating ng second trimester? Kung iba ang experience mo, okay lang yan dahil iba-iba naman ang katawan nating mga babae.

Although no two pregnancies are the same, may mga sintomas na madalas na na-eexperience ng mga buntis sa kanilang second trimester katulad ng:

-Pananakit ng likod
-Panghihina o pamamanhid ng kamay
-Pangingitim ng utong
-Pangingitim ng linea nigra o iyong linya sa ating tiyan na nagsisimula sa pusod
-Pangingitim ng balat sa mukha
-Pagkakaroon ng stretch marks sa suso, tiyan, hita at puwit

SELF CARE PARA MAIBSAN ANG MGA SINTOMAS:

Para sa pananakit ng likod:
Ugaliing mag-exercise. Tandaan lang na huwag magpakapagod at gawin ito sa oras na di kainitan. Maaaring i-search sa Sayutis page ang ilang Sayuntis choreography na pwedeng sundan bilang exercise.
Maaari ring gumamit ng support belts. Nakakatulong din para sa iba ang acupuncture.

Para sa panghihina o pamamanhid ng kamay:
Ipahinga ang kamay, lagyan ito ng cold compress at i-elevate and mga kamay pati na ang pulso.

Para sa stretch marks:
Kung gagamit ng cream, gel, o lotion ay siguraduhin na gamitin ito habang nasa early stages pa lang ng pagbubuntis at i-apply ito nang araw-araw. Mas mabuti rin kung imamasahe sa balat ang produktong iyong ginagamit para ma-absorb ng balat.

Tandaan: Ang pagkain ng healthy foods at regular na pag-eexercise ay susi sa malusog na pagbubuntis. Regular din na magpa-check up sa inyong health care provider para ma-monitor ang kalusugan ninyo ni baby.



Nagbubuntis ka ba? Alamin ang mga pagkaing good for you and baby pati na rin kung ano ang mga dapat iwasan.
13/05/2023

Nagbubuntis ka ba?

Alamin ang mga pagkaing good for you and baby pati na rin kung ano ang mga dapat iwasan.

Mommy, nasa first trimester ka ba ngayon? Uncomfortable para sa karamihan ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis kaya ma...
14/04/2023

Mommy, nasa first trimester ka ba ngayon?
Uncomfortable para sa karamihan ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis kaya mahalagang alagaan ang sarili sa stage na ito.

Kasama sa mga sintomas na pwede nararanasan mo ngayon ang:
Pananakit ng mga suso
Mood swings o pabago-bago na emosyon
Pagkahilo at pagsusuka lalo na sa umaga (morning sickness)
Madalas na pag-ihi
Pagdagdag o pagbawas ng timbang
Mabilis na pagkapagod
Sakit ng ulo
Heartburn
Pananakit at paninigas ng binti o leg cramps
Pelvic at lower back pain
Constipation o hirap sa pagdumi
Cravings
Pag-ayaw sa mga pagkaing dati namang kinakain

Mga tips para maibsan ang ilang mga sintomas:
1. Para sa pagkahilo o pagsusuka, pwedeng kumain ng luya o uminom ng chamomile tea. Maaari ring kumain ng pagkaing mayaman sa vitamin B6 katulad ng berdeng gulay, manok, papaya. Nakatutulong din ang acupuncture.
2. Para sa leg cramps, kumain ng mayaman sa magnesium at calcium. Makakakuha ng magnesium mula sa pagkain ng abokado, saging, o butong pakwan. Makakatulong naman ang pag-inom ng gatas para makakuha ng calcium.
3. Para sa constipation, kumain ng mayaman sa fiber katulad ng mga berdeng gulay.

Huwag ding kalimutang bumisita sa inyong doktor o midwife para sa pre-natal check up. Makakatulong sila para mabantayan ang kalusugan ninyo ni baby.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sayuntis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share