13/06/2026
Ang dugo ay hindi nagagawa sa laboratoryo—ito ay nagmumula lamang sa mga taong handang magbahagi upang magligtas ng buhay.
Ngayong World Blood Donor Day (Hunyo 14), sama-sama nating kilalanin ang kabayanihan ng mga boluntaryong blood donor at itaguyod ang tamang kaalaman tungkol sa pagdo-donate ng dugo.
Makilahok sa aming webinar, Blood Donation Matters, sa Hunyo 25 upang matuto, magbigay-linaw sa mga karaniwang mito, at malaman kung paano ka makatutulong sa pagsagip ng buhay sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo.
Paalala:
🗓️ Thursday, June 25, 2026 8AM
🩸6th Blood Donation Matters - Register via Zoom
📚 Para sa health workers dumalo sa seminar at makakuha ng CPD units:
• PRC Medical Technologists - 2 units
• PRC Medicine - 2 units
• PRC Nursing - 2.5 units
• Philippine College of Physicians - 1 unit
• Philippine Medical Association - 2 units
Magbigay ng dugo. Magbahagi ng pag-asa. Magligtas ng buhay.
Kita kits!