Paediatric Orthopaedics - Jose R. Reyes Memorial Medical Center

Paediatric Orthopaedics - Jose R. Reyes Memorial Medical Center Pedia Ortho - Tuesdays 7AM to 12NN
Clubfoot - Tuesdays 1PM to 5PM

Ang Paediatric Orthopaedics Section ng JRRMMC Ortho ay handang umasikaso ng anumang problema sa buto o kasukasuhan ng kabataan, congenital, developmental, or dahilan sa pagkaaksidente.

20/04/2026
Isang paalala mula sa Philippine Orthopaedic Society, Pediatric Orthopaedic Society of the Philippines, at ng inyong lin...
14/04/2026

Isang paalala mula sa Philippine Orthopaedic Society, Pediatric Orthopaedic Society of the Philippines, at ng inyong lingkod patungkol sa mga Hilot at Bone Setters.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, meron pong mga orthopedic surgeons na spesyalista sa mga kalagayan ng kabataan.

Kung meron po kayong kilalang mga batang nabalian, o may mga deformity mula pagkapanganak o dahil sa injury, makipag-ugnayan po sa amin. Maari po kayong mag-message dito sa aming page or pumunta sa aming clinic tuwing Martes, 7 AM.

JRRMMC Pedia Ortho Clinic and Clubfoot Clinic
Pedia Ortho - Martes - 7 AM
Clubfoot Clinic - Martes 11 AM

Jose R. Reyes Memorial Medical Center
Ortho OPD
Rizal Ave, Santa Cruz, Manila
Malapit sa LRT Tayuman Station

👣
31/12/2025

👣

28/11/2025

Sa aming Clubfoot Family!

Taos-pusong inaanyayahan po namin kayo sa ating Clubfoot Christmas Party sa December 2, 2025, 8:00AM sa JRRMMC Derma Conference Room sa may 2nd Floor ng Outpatient Department✨

Nais po naming makasama kayo sa isang umagang puno ng saya, laro, munting handaan, at mga kwentong nagbibigay-inspirasyon. Higit sa lahat, ito po ay isang pagkakataong magsama-sama tayong parang tunay na pamilya—nagpapasalamat sa biyaya ng paggaling, pagsuporta, at pag-asa na ibinabahagi natin sa isa’t isa bilang parte ng Clubfoot Family.

Sana po ay makadalo kayo at makisalo sa ating simpleng pagdiriwang. Ang inyong presensya ang pinakamagandang regalo ngayong Pasko.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat! 🎄

👶🏽👣 Piki o sakang si baby? Laging nadadapa? Magpatingin na sa aming Paedia Ortho Clinic, Martes 7 AM.
23/10/2025

👶🏽👣 Piki o sakang si baby? Laging nadadapa? Magpatingin na sa aming Paedia Ortho Clinic, Martes 7 AM.

19/10/2025

Hello Parents! 👋 May LIBRENG CONSULTATION po sa Department of Orthopaedics - Section of Pediatric Orthopaedics sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (Manila).

Kasama ang team ni Dr. Jane Marie Astorga, nagbibigay sila ng libreng consultation upang matulungan ang mga batang may cerebral palsy.

For question and inquiries, send them a message thru these fb links and mobile number provided below.

FB: https://www.facebook.com/jrrmmc.po
https://www.facebook.com/jrrmmc.clubfoot

Mobile: 0920 442 7687

Nakiisa ang ating mga Paediatric Orthopaedic Surgeons sa pagdiriwang ng World Cerebral Palsy Day sa Skydome, SM North ED...
19/10/2025

Nakiisa ang ating mga Paediatric Orthopaedic Surgeons sa pagdiriwang ng World Cerebral Palsy Day sa Skydome, SM North EDSA.

Sa gabay ng aming Section Head, Dr. Juan Alejandro Legaspi, nagbahagi si Dr. Jane Marie Astorga ng isang makabuluhang panayam tungkol sa importansya ng Paediatric Orthopaedic Surgeons sa pangangalaga ng mga batang may Cerebral Palsy.

Pagkatapos ng lecture, sinamahan siya ni Dr. Maria Pamela Ann Cayanan para sa libreng konsultasyon at assessment ng ating mga amazing CP warriors.

Maraming salamat sa Cerebral Palsy Epilepsy Family Awareness Support Group.Ph Inc. - ce-faj ph sa pag-oorganize at pag-imbita sa aming maging parte ng event na ito. 🤗

Kung meron po kayong kakilala o kamag-anak na may Cerebral Palsy at nangangailangan ng serbisyong Paediatric Orthopaedics, maaari po ninyo kaming i-message dito sa aming page o bumisita sa aming clinic tuwing Martes, 7:00 AM.

Kung meron kayong kilalang bata na may problema o hirap sa paglalakad, maari nyo po silang isama upang bisitahin ang ami...
15/10/2025

Kung meron kayong kilalang bata na may problema o hirap sa paglalakad, maari nyo po silang isama upang bisitahin ang aming Paedia Ortho Clinic tuwing Martes 7 AM 😊👶🏽

Bisitahin po ninyo kami sa aming Clubfoot Clinic tuwing Martes, 11 AM onwards para sa libreng konsulta at panggamot ng c...
10/10/2025

Bisitahin po ninyo kami sa aming Clubfoot Clinic tuwing Martes, 11 AM onwards para sa libreng konsulta at panggamot ng clubfoot at iba pang problema sa paa ng mga bata 🥰

Address

Rizal Avenue
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paediatric Orthopaedics - Jose R. Reyes Memorial Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share