28/02/2026
MABULA BA ANG IHI MO?
🚨Ang ihi ay normally may mga bula lalo na pag ang tama ng ihi sa toilet bowl ay malakas o kung dehydrated ang ihi at mataas ang concentration ng UREA at BILE SALTS sa ihi
🚨Ang bula mula sa mga kadahilanang ito ay kusang nawawala after a few minutes.
🚨Ang FOAM sa ihi (na parang nakikita sa ICED TEA o BEER) na makapal, hindi naglalaho agad at kailangan ng ilang flush bago maglaho ay maaaring senyales na MARAMING PROTEIN SA IHI
🚨Ang PROTEIN SA IHI ay isang maagang sign ng kidney disease na lumilitaw bago pa man tumaas ang CREATININE. Makikita sa UACR test kung mataas ang protein sa ihi.
🚨Kung NORMAL ang UACR test pero mabula o mafoam ang ihi, maaaring iba ang dahilan nito gaya ng:
- presence ng toilet cleaning agents (e.g. sabon)
- presence ng semen o vaginal discharge sa ihi
- pagkakaroon ng gas sa ihi (pneumaturia)