14/08/2026
"MGA DU'Ā PARA SA MAGULANG"
📍Mula sa Qur'an:
▫️ "Rabbir Hamhuma
Kamaa Rabbayanee Sagheera"
"O Allah [Ang Kataas-taasan na
Tagapaglikha], kaawaan Mo po
sila (aking mga magulang),
kung paanong inalagaan nila
ako noong ako ay bata pa."
(Surah Al-Isra 17:24)
▫️"Rabbana-ghfir Lee Wa Liwalidayya Wa Lil-mu'mineena Yawma Yaqoomu Al-Hisab"
"O Allah [Ang Kataas-taasan na
Tagapaglikha], patawarin Mo po
ako, ang aking mga magulang, at
ang mga mananampalataya sa
Araw ng Paghuhukom."
(Surah Ibrahim 14:41)
▫️"Wa Qadha Rabbuka Alla
Ta’budu Illa Iyyahu Wa Bilwalidayni Ihsana."
"Ang Allah [Ang Kataas-taasan na Tagapaglikha] ay nagtakda na walang dapat sambahin maliban sa Kanya, at magpakita ng kabutihan sa mga magulang."
(Surah Al-Isra 17:23)
📍Mula sa Hadith:
👉🏻 Dua o panalangin para sa Pagtatanggal ng Kasalanan ng Magulang:
👉🏻"Kapag ang isang tao ay nanalangin para sa kapatawaran ng kanyang magulang, ang mga ito ay magkakaroon ng gantimpala ng anak na mabuti sa kanila." (Musnad Ahmad)
👉🏻 Ang Paraan ng Taas ng Antas sa Paraiso:
Sinabi ng Propeta Muhammad [saw]:
▫️"Ang mga anak ay maaaring magdasal sa Allah [Ang Kataas-taasan na Tagapaglikha] para itaas ang antas ng kanilang mga magulang sa Paraiso."
(Ibn Majah)
📍Ito ang Du'a o panalangin para sa Magulang na namayapa:
👉🏻Allahumma Aghfir Li Walidayya, Warfa' Darajatahum Fil-Jannah, Waj'al Qabrahuma Rawdhatan Min Riyad Al-Jannah, Waj'alni Barran Bi Ma Fi Hayatihima Wa Ba'd Mautihima."
👉🏻"Oh Allah [Ang Kataas-taasan na Tagapaglikha], patawarin Mo po ang aking mga magulang, itaas Mo po ang kanilang antas sa Paraiso, gawing hardin ng paraiso o Jannah ang kanilang libingan, at gawin Mo po akong mabuting anak sa kanilang buhay at pagkamatay."
📌Bilang anak, ang pinakamalaking maisusukli mo sa iyong magulang ay ang palagi sila ibilang sa iyong du'ā.