Marikina City Health Office

Directions

Marikina City Health Office MARIKINA CITY HEALTH OFFICE
(8)9422359 - Admin Office

Sa paghahatid ng  , tuloy-tuloy na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod ang iba't ibang serbisyong medikal sa ating mga...
19/10/2026

Sa paghahatid ng , tuloy-tuloy na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod ang iba't ibang serbisyong medikal sa ating mga kababayan tulad ng libreng

✓ Eye check-up/consultation for eye diseases (by appointment)
✓ Ear, nose, and throat check-up (by appointment)
✓ Minor surgeries (by appointment)
✓ Mental health consultation (by appointment)
✓ Pediatric check-up (by appointment)

Maaaring makuha ang mga serbisyong ito sa 4th floor ng Marikina City Diagnostic and Medical Arts Building ayon sa schedule na nakasaad sa ibaba:

IWAS-SAKIT SA KAMAY NA MALINISAng ating mga kamay ay nagsisilbing daluyan ng iba’t ibang dumi at mikrobyong nagmumula sa...
15/10/2026

IWAS-SAKIT SA KAMAY NA MALINIS

Ang ating mga kamay ay nagsisilbing daluyan ng iba’t ibang dumi at mikrobyong nagmumula sa mga bagay na ating nahahawakan. Maaari nating mailipat ang mga mikrobyong ito sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan at maipasa rin sa iba na posibleng maging sanhi ng sakit.

Ang regular at wastong paghuhugas ng kamay ay may malaking tulong upang maiwasan ang paglaganap ng dumi at mikrobyo.

Ugaliin natin ang paghuhugas ng kamay tuwing:

✓ bago, habang at pagkatapos maghanda at magluto ng pagkain
✓ bago at pagkatapos kumain; pagkatapos gumamit ng banyo o palikuran; pagkatapos humawak ng basura, dumi ng hayop, o dumi ng bata
✓ pagkatapos suminga, magbahing, umubo, o nag-asikaso sa isang tao na may sakit
✓ pag-uwi sa bahay o pagbalik sa lugar ng trabaho lalo na kung humawak ng mga bagay na hinahawakan ng publiko tulad ng pera, abot-kamay na mga paninda, gabay sa mga pasilidad, tatangnan ng sasakyan, pintuan, atbp.

Sa wastong paghuhugas ng kamay, sundin ang sumusunod:

1. Basain ang mga kamay ng malinis at umaagos na tubig.
2. Maglagay ng sapat na dami ng sabon sa kamay. Makatutulong kung gagamit ng germicidal soap o sabong pumupuksa sa mikrobyo.
3. Sa loob ng 20 segundo, kuskusin ang kabuuan ng kamay – mula sa palad, likod ng kamay, hanggang sa pagitan ng mga daliri.
4. Magbanlaw nang mabuti gamit ang malinis na tubig.
5. Patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya o tissue paper.

Kung walang sabon at malinis na tubig, gumamit pansamantala ng hand sanitizer o alcohol subalit tiyakin pa rin na makapaghuhugas ng kamay kalaunan.

Tandaan, ilang sandali lamang ang kailangan upang tayong lahat ay manatiling iwas-sakit bunga ng ating mga kamay na laging malinis.

SINTOMAS KILALANIN, DENGUE PUKSAINBagamat mapanganib ang dengue, ito ay isang uri ng sakit na maaaring gamutin at puksai...
14/10/2026

SINTOMAS KILALANIN, DENGUE PUKSAIN

Bagamat mapanganib ang dengue, ito ay isang uri ng sakit na maaaring gamutin at puksain kung maagang makikilala ang mga sintomas sa sandaling dapuan nito ang isang indibidwal.

Hinihikayat natin ang bawat isa na maging alerto sa sarili at kapwa at huwag ipagsawalang-bahala kung nakararanas ng mga sintomas ng dengue.

Agapan ang sarili at kumonsulta agad sa doktor o health center kung nakararanas ng

• lagnat ng dalawang araw o higit pa
• pagsusuka
• pagdurugo ng galagid o ilong
• panghihina
• pananakit ng katawan, kalamnan, o kasu-kasuan
• pagpapantal
• matinding pananakit ng tiyan
• pagdumi ng dugo

OCTOBER 2026 IS NATIONAL BREAST CANCER AWARENESS MONTHAng Breast Cancer ay isang karamdaman kung saan nagkakaroon ng hin...
12/10/2026

OCTOBER 2026 IS NATIONAL BREAST CANCER AWARENESS MONTH

Ang Breast Cancer ay isang karamdaman kung saan nagkakaroon ng hindi mapigilang pagtubo ng abnormal cells na lumilikha ng tumor o bukol sa suso ng isang tao. Kadalasan itong nakakaapekto sa populasyon ng mga kababaihan (99%) kaysa kalalakihan (1%).

Kung hindi magagamot, maaari itong lumaki at humawa sa kalapit o iba pang organs ng katawan sa pamamagitan ng mga daluyan ng dugo. Ito rin ang nagiging sanhi ng kamatayan ng halos nasa 700,000 katao sa buong mundo taun-taon.

Batay sa mga tala, mayroong higit na mataas na tsansang magkaroon ng Breast Cancer ang isang tao kung siya ay
- babae na nasa edad 55 taong gulang pataas
- umiinom ng alak
- naninigarilyo
- mayroong miyembro ng pamilya na nagkaroon ng Breast Cancer
- may kabigatan ang timbang
- hindi aktibo sa mga pisikal na gawain

Kung kabilang sa mga nabanggit, makabubuting maging maagap sa pagbabantay sa mga senyales ng Breast Cancer tulad ng
- bukol sa suso o sa kili-kili
- pagbabago sa sukat o hugis ng suso
- pagkakaroon ng uka, sugat, kulubot o pamumula sa suso

Upang mabantayan ang mga senyales ng Breast Cancer, makabubuting isagawa ang Breast Self-Examination (BSE) buwan-buwan sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang:

1. Obserbahan ang suso sa harap ng salamin. Tingnan kung mayroong mga senyales ng iregular o hindi pangkaraniwang hugis o anyo at iba pang sintomas ng Breast Cancer.

2. Itaas ang kamay at ilagay ito sa likod ng ulo. Obserbahan ito para sa senyales ng Breast Cancer. Maaaring gawin ito habang nakahiga o naliligo.

3. Sa pamamagitan ng tatlong daliri, kapain ang suso sa direksyon ayon sa pagkakasunod-sunod: paikot, paloob-palabas, at taas-baba.

Tandaan, ang Breast Cancer ay nagagamot. Ang maagang pagkakatuklas ang susi upang maagapan at mabigyang lunas ang Breast Cancer. Kumonsulta sa manggagamot sa sandaling magkaroon ng mga sintomas nito.

OCTOBER 10, 2026 IS WORLD MENTAL HEALTH DAYMahalaga ang bawat indibidwal at ang kanyang direktang karanasan sa mga hamon...
10/10/2026

OCTOBER 10, 2026 IS
WORLD MENTAL HEALTH DAY

Mahalaga ang bawat indibidwal at ang kanyang direktang karanasan sa mga hamon sa kalusugang pangkaisipan. Siya ay nagtataglay ng mahalagang kaalaman na mabuting pakinggan at magsilbing inspirasyon sa iba.

Ngayong World Mental Health Day, ipinaaalala na ang bawat isa ay mahalaga kaya marapat na magpatuloy sa kabila ng mga hamon ng buhay, manatiling aktibo at produktibo lalo na sa pagbabahagi ng mga aktibidad at karanasan para sa kabutihan ng sarili at kapwa.

PANGANGALAGA SA ATING MATA, SAGOT SA MALUSOG NA PANINGINAng ating paningin o eyesight ay ating kaagapay sa tuwina.Hindi ...
08/10/2026

PANGANGALAGA SA ATING MATA,
SAGOT SA MALUSOG NA PANINGIN

Ang ating paningin o eyesight ay ating kaagapay sa tuwina.
Hindi lamang ito nagbibigay-suporta upang maisakatuparan ang ating mga gawain bagkus ay nagbibigay-daan din upang ating mapalawak ang kaalaman, makita ang hinahawakan at dinadaanan, matukoy at maiwasan ang mga balakid at panganib, mamalas ang magagandang bagay sa ating paligid, at iba pang tulong sa pang-araw-araw na paggawa.

Ngayong World Sight Day, ipinapaalala natin sa lahat na marapat lamang na panatilihing malusog ang ating mga mata sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang paghina o pagkawala ng ating paningin.

Mayroong mga simple ngunit mahalagang paraan upang mapangalagaan at maprotektahan ang paningin. Pangunahin na sa mga ito ang

✓ paglimita sa paggamit at pagtutok sa digital screens tulad ng gadgets, computer, telebisyon, at pagbawas sa exposure o pagkakalantad sa pinagmumulan ng iba pang blue light tulad ng sinag ng araw at liwanag ng ilaw

✓ pagsusuot ng proteksyon tulad ng protective eyeglasses o sunglasses kung matindi ang liwanag, at personal protective equipment kung malalantad sa mga panganib o hazards lalo sa lugar paggawa

✓ paggamit ng malinis na panyo sa pagkuskos sa mga mata upang hindi ito mairita o maimpeksyon

✓ pagkonsumo ng masusustansyang pagkaing nagtataglay ng Bitamina A, C, E, Lutein at Omega-3 tulad ng berdeng gulay, kalabasa, kamote, carrots, malunggay, matabang isda, itlog, citrus fruits, atbp.

✓ pagsasailalim sa regular eye check-up sa isang ophthalmologist o espesyalista sa mata kung sumapit na sa 40 taong gulang upang masuri ang kalagayan ng paningin at mabigyan ng lunas kung kinakailangan

Sa mga taga-Marikina na kailangan ng libreng check-up sa paningin, bukas ang ating Eye Clinic na nasa 4th floor ng Marikina Diagnostic and Medical Arts Building tuwing Martes at Huwebes,1:00 p.m. – 5:00 p.m. Mangyaring makipag-ugnayan sa telepono bilang 0969 3154017 o 8812 0904 upang mabigyan ng schedule.

Inaanyayahan ang lahat ng nais na magdonate ng dugo sa gaganaping 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐎𝐋𝐘𝐌𝐏𝐈𝐂𝐒 (𝐀𝐦𝐚𝐳𝐢𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐋𝐢𝐟𝐞) sa darating na ...
07/10/2026

Inaanyayahan ang lahat ng nais na magdonate ng dugo sa gaganaping 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐎𝐋𝐘𝐌𝐏𝐈𝐂𝐒 (𝐀𝐦𝐚𝐳𝐢𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐋𝐢𝐟𝐞) sa darating na 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝟖:𝟎𝟎 𝐚𝐦 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐩.𝐦. sa 𝐓𝐞𝐚𝐭𝐫𝐨 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐤𝐢𝐧𝐚.

Isang magandang pagkakataon ito upang makatulong na sumagip ng buhay ng ating kapwa habang pinananatiling malusog ang ating pangangatawan.

✓ 𝐑𝐄𝐌𝐈𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐎𝐑𝐒
Bago magdonate:
- Magkaroon ng hindi bababa sa 5-6 oras ng tulog
- Kumain nang sapat at iwasan ang mataba at mamantikang pagkain
- Uminom ng sapat na dami ng fluids tulad ng tubig at fruit juice

Matapos magdonate:
- Uminom pa rin ng sapat na dami ng fluids tulad ng tubig at fruit juice
- Iwasan ang pagyuko, magpagod, at magbuhat ng mabigat
- Kung nakararamdam ng pagkahilo o pagduwal, humiga nang nakataas nang bahagya ang paa at luwagan ang damit. Ang pagkahilo ay inaasahang mawawala rin pagkalipas ng ilang minuto.

EVERYONE’S INVITED! Kita-kits sa BLOOD OLYMPICS!

TANDAAN AT GAWIN ANG 𝟒𝐒 AT 𝟒𝐓 KONTRA DENGUE Karaniwan nang mas mataas ang bilang ng nagkakasakit ng dengue sa panahon ng...
06/10/2026

TANDAAN AT GAWIN ANG 𝟒𝐒 AT 𝟒𝐓 KONTRA DENGUE

Karaniwan nang mas mataas ang bilang ng nagkakasakit ng dengue sa panahon ng tag-ulan kung ihahambing sa ibang panahon sa buong taon.

Ang mga pangunahing sanhi ng pagtaas ng bilang ng dengue ay ang mga naipong tubig mula sa ulan at ang pangingitlog ng lamok sa anyo ng kiti-kiti na naninirahan sa mga naipong tubig na ito.

Ang mga kiti-kiti ay nagiging lamok at maaaring nagtataglay ng dengue virus na siyang nagdudulot ng sakit.

Upang makaiwas sa dengue lalo ngayong tag-ulan, makabubuting regular na gawin ang 4S at 4T.

05/10/2026

DOH: ALAS KWATRO NA! TAYO NA MAG-TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP!

Alas kwatro na! Tayo na at sabay-sabay nating gawin ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, Takip!

🎶 “Alas kwatro na, tayo na mag-Taob, Taktak, Tuyo, Takip!” 🎶

Gawin nating habit ang 4Ts araw-araw upang maiwasan ang pamumugad at pagdami ng lamok na maaaring magdala ng dengue.

Sabay-sabay nating linisin ang paligid at alisin ang mga naipong tubig. 💪






NEWBORN SCREENING: SUSI SA MALUSOG AT LIGTAS NA SUPLINGBilang mga magulang, kasama sa ating responsibilidad ang tiyaking...
01/10/2026

NEWBORN SCREENING:
SUSI SA MALUSOG AT LIGTAS NA SUPLING

Bilang mga magulang, kasama sa ating responsibilidad ang tiyaking magiging malusog at malayo sa sakit ang ating mga anak sa kanilang paglaki.

Ngayong National Newborn Screening Week, nais nating isulong ang kahalagahan ng Newborn Screening sa mga bagong silang na sanggol upang maagang malaman ang sakit na maaari niyang taglayin tulad ng congenital disorder o sakit na maaaring magdulot ng kapansanan sa pag-iisip o maagang pagkamatay, at mabigyan ito ng maagap na lunas.

Ang Newborn Screening ay ginagawa makalipas ang 24 oras mula sa pagsilang sa sanggol. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng ilang patak ng dugo mula sa kanyang sakong (heel) at ilalagay ito sa isang espesyal na filter card upang suriin sa laboratoryo.

May higit sa 28 na sakit na maaaring matukoy sa pamamagitan ng Newborn Screening. Kabilang sa karamdamang maaaring matuklasan nang maaga sa pamamagitan ng Newborn Screening ang mga sumusunod:

· Congenital Hypothyroidism (CH)
kakulangan sa thyroid hormone na nagiging sanhi ng mabagal na paglaki at malubhang mental retardation

· Phenylketonuria (PKU)
kawalan ng kakayahan ng katawan na iproseso ang protina na humahantong sa pinsala sa utak o mental retardation

· Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase (G6PD) Deficiency
kakulangan sa enzyme na nagiging sanhi ng mabilis na pagkasira ng red blood cells at humahantong sa malubhang anemia at kernicterus

· Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH)
isang genetic disorder na nakaaapekto sa adrenal glands at nagdudulot ng matinding pagkawala ng asin sa katawan at hormonal imbalance na maaaring humantong sa kamatayan

· Galactosemia (GAL)
kawalan ng kakayahan ng katawan na iproseso ang galactose, isang uri ng asukal na matatagpuan sa gatas, na maaaring magbunga ng malubhang pinsala sa atay, bato, at mata

· Maple Syrup Urine Disease (MSUD)
ilang malubhang metabolic disorder na nagiging sanhi ng pagdami ng ilang amino acids na humahantong sa pagkasira ng utak at maaaring magdulot ng maagang pagkamatay

Kung natuklasan ang karamdaman sa Newborn Screening, agad na kumonsulta sa manggagamot o pediatrician, o magsadya sa ospital upang maisagawa ang confirmatory test. Makabubuti ring huwag ipagpaliban ang pagkilos at sundin ang ipapayo ng manggagamot upang magabayan sa tamang gamutan ang sanggol.

Address

Shoe Avenue, Barangay Sto. Niño
Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marikina City Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share