07/09/2026
Pinalalakas ang Ugnayan para sa Mas Abot-Kamay na Serbisyong Pangkalusugan! ๐ฉบ๐ค
Panoorin ang mga naging kaganapan sa kamakailang pagbisita ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Isla ng Lubang, Occidental Mindoro.
Naging sentro ng pagbisita ang:
โ๏ธ Paglagda ng Supplementary Memorandum of Agreement : Karagdagan sa umiiral na MIMAROPA MOA upang mas mapagtibay ang kolaborasyon sa mga lokal na pamahalaan ng Lubang at Looc.
๐ฅ Facility Visits sa ilalim ng Healthcare Provider Network (HCPN): Pagsusuri sa mga lokal na pasilidad upang mas maunawaan ang kanilang mga pangangailangan at maisulong ang isang mas maayos, magkakaugnay, at tuloy-tuloy na sistemang medikal.
Taos-pusong pasasalamat sa ating Punong Sentrong Medikal, mga Department Chair, PHU Navigators, at sa Multimedia Committee na naglaan ng kanilang oras at dedikasyon para sa makabuluhang adhikain na ito.
Panoorin ang buong video upang masaksihan ang ating patuloy na paglalakbay tungo sa isang mas malusog na komunidad! ๐โจ