24/04/2026
Ika 24ng Abril 2026 | Medical Outreach
Sa pangunguna ng ating Rural Health Physicians, Dr. Danny Velasco at
Dr. Franchezca Amanda Pronto, katuwang ang ating Public Health Nurse, Sangguni Yraola, Rural Health Midwife Marilen Diwa, RHU1 staff at mga BHW ng Brgy. Malaya, sa pakikiisa ng ating Public Health Nurse 1V, Ma’am Josefina Madahan, maayos na naisagawa ang medical outreach sa Sitio Baclain.
Layunin ng programang ito na ilapit ang pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na kulang sa access sa loob ng sakop ng RHU 1.
Atin din pinasasalamatan ang partisipasyon ng Brgy. Captain, Henry Garcia at kawani ng Barangay Malaya sa suporta sa naturang aktibidad.