08/10/2026
😷 MAG-FACE MASK, LALO NA KAPAG MAGPAPACHECK-UP!
Bakit mahalaga ang pagsusuot ng face mask?
🦠 Nababawasan ang pagkalat ng mikrobyo
Nakakatulong ang mask na mabawasan ang pagkalat ng respiratory droplets na maaaring magdala ng virus at bacteria.
👩⚕️ Proteksyon para sa pasyente at health workers
Pinoprotektahan nito hindi lamang ang iyong sarili kundi pati ang ibang pasyente, kasama ang ating mga healthcare workers.
🤧 Lalo na kung may ubo o sipon
Kung ikaw ay may ubo, sipon, sore throat o iba pang sintomas ng respiratory infection, mas mahalagang magsuot ng mask.
🏥 Para sa mas ligtas na health facility
Ang pagsusuot ng mask habang naghihintay at nagpapacheck-up ay nakakatulong upang mapanatiling mas ligtas ang ating RHU para sa lahat.
💚 PAALALA:
Kung ikaw ay magpapacheck-up, magsuot ng face mask.
Ingatan ang sarili. Protektahan ang kapwa.