09/12/2025
PAGSUSURI AT PAGPAPALAKAS NG NUTRISYON PROGRAM
Program Implementation Review • December 2–3, 2025
Widus Hotel, Clark, Pampanga
Matagumpay na naisagawa ang Program Implementation Review (PIR) para sa Nutrition Program noong Disyembre 2–3, 2025 sa Widus Hotel, Clark, Pampanga. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee, mga Punong Barangay, Kagawad on Health, Barangay Treasurers, pati na rin ng mga Rural Health Physicians, Rural Health Midwives, Barangay Nutrition Scholars, at iba pang support staff mula sa Mariveles Municipal Health Office.
Nagpaabot ng buong suporta sa gawain ang Punong Lingkod Bayan Atty. Ace Jello C. Concepcion, Ikalawang Punong Lingkod Bayan Dr. Jesse I. Concepcion, at SB on Health and Sanitation – Chairman Hon. Jester Ivan Ricafrente.
Sentro ng talakayan ang presentasyon ng accomplishments ng bawat barangay at ang malinaw na pagtalakay sa mga hamon na kanilang kinahaharap sa pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon. Layunin ng aktibidad na higit pang paigtingin ang koordinasyon, pagpaplano, at interbensyon upang mapabuti ang kalusugang pang-nutrisyon ng buong bayan.
Naging organisado at maayos ang buong proseso sa pangunguna ng ating mga Municipal Nutritionists, sa patnubay ni Dr. Joanne Panangui, Medical Coordinator on Nutrition Program. Ang aktibong pakikilahok at sama-samang pagsisikap ng bawat dumalo ang nagpatunay sa tagumpay ng nasabing PIR.