Cpr-Rimt Mauban

Cpr-Rimt Mauban Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cpr-Rimt Mauban, Safety & first aid service, Polo Mauban, Mauban.

July 23, 2026Nagsagawa ng emergency meeting kasama sina National President Sir Uno Gonzalez, Sir Toto Salcedo, Sampaloc ...
24/06/2026

July 23, 2026

Nagsagawa ng emergency meeting kasama sina National President Sir Uno Gonzalez, Sir Toto Salcedo, Sampaloc Division Head, at Sir Leo Jugueta, Mauban Chapter Head, kasama ang officers at miyembro ng RAPID Mauban Rescue Rider, upang talakayin ang mga mahahalagang usapin para sa pagpapatibay ng samahan.

Napag-usapan ang mga hakbang upang higit na mapalakas ang pagkakaisa, disiplina, koordinasyon, at aktibong partisipasyon ng bawat miyembro upang mas mapabuti ang pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng organisasyon. Naging daan din ang pagpupulong upang mapag-isa ang mga layunin at mapatatag ang pundasyon ng samahan para sa patuloy na paglilingkod sa komunidad.

Taos-puso pong nagpapasalamat ang RAPID Mauban sa 15th Special Forces Company sa pangunguna sa Conqueror's Jollibee Kidd...
19/06/2026

Taos-puso pong nagpapasalamat ang RAPID Mauban sa 15th Special Forces Company sa pangunguna sa Conqueror's Jollibee Kiddie Treat at sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong maging bahagi ng makabuluhang programang ito.

Lubos din po ang aming pasasalamat kina Cpt. Jerryl S. Subol, Hon. Rosennette M. Lapiña, at sa lahat ng sponsors at volunteers na nagkaisa upang mapasaya ang 68 batang Sadsaranin.

Isang karangalan para sa amin na makapagbigay ng munting suporta para sa kanilang kasiyahan. Nawa'y mas marami pang ganitong programa ang maisagawa upang makapagbigay ng pag-asa, inspirasyon, at masasayang alaala sa ating mga kabataan. 🫡❤️

‎Rapid Rescue Volunteer Buwanang Pagpupulong‎Ginaganap tuwing huling Linggo ng buwan‎ ‎Petsa: Mayo 31, 2026‎Oras: ika-5:...
01/06/2026

‎Rapid Rescue Volunteer Buwanang Pagpupulong
‎Ginaganap tuwing huling Linggo ng buwan

‎Petsa: Mayo 31, 2026
‎Oras: ika-5:00 ng hapon
‎Lugar: Tahanan ni Ma'am Jona Visco, Pilaway

‎Sa pangunguna ng ating Chapter Head na si Sir Leo G. Jugueta, kasama ang Division Head ng Lalawigan ng Quezon, si Sir. Romulo 'Toto' Salcedo.

‎Ang mga tinalakay sa pagpupulong ay ang mga sumusunod.

‎Pangunahing tungkulin at responsibilidad ng bawat kasapi, Paghirang ng mga opisyal ng grupo, Indibidwal na gamit pang-medikal (medkit), Kaligtasan ng mga tumutugon sa sakuna, Lagayan o kabinet para sa mga gamit pang-medikal, vest, at helmet

‎Napag-usapan din ang mga paraan upang mapaganda at mapaunlad pa ang aming samahan. Nagbahagi ng mahahalagang payo si G. Romulo 'Toto' Salcedo kung paano palalawakin ang grupo ng Rapid Rescue Volunteer sa Bayan ng Mauban. Layunin naming maging huwarang organisasyon at maging tapat at responsableng mamamayan ng Mauban.

‎“Ang pagliligtas ay hindi lamang gawain, kundi isang tawag ng pagmamahal at paglilingkod — dahil bawat buhay ay mahalaga, at bawat pagtulong ay nagbibigay ng pag-asa.” Volunteer 💙⛑️!!'

Address

Polo Mauban
Mauban
4330

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cpr-Rimt Mauban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share