03/10/2026
TAGULABAY AFTER NG LAGNAT?
Minsan, pagkatapos gumaling sa lagnat, biglang nagkakaroon ng mapupula, nakaumbok at makating pantal. Ito ay maaaring urticaria o tagulabay.
BAKIT NANGYAYARI?
Karaniwan itong reaksyon ng katawan sa viral infection. Puwede itong lumabas habang may sakit o ilang araw pagkatapos ng lagnat.
PAANO MALALAMAN?
• Makati at nakaumbok ang pantal
• Palipat-lipat ang pantal
• Kadalasan, nawawala ang bawat pantal sa loob ng 24 oras
ANO ANG PUWEDENG GAWIN?
• Cold compress para sa kati
• Panatilihing hydrated ang bata
• Maaaring magbigay ng antihistamine kung kinakailangan
MAGPATINGIN AGAD KUNG:
🚩 Bumalik o tuloy-tuloy ang mataas na lagnat
🚩 Namamaga ang labi, mukha o dila
🚩 Nahihirapang huminga
🚩 Masakit ang pantal o hindi nawawala sa loob ng 24 oras
🚩 May kasamang matinding pananakit ng tiyan o kasu-kasuan
Kadalasan, kusang nawawala ang viral-induced urticaria.
Hindi lahat ng tagulabay ay allergy.