09/07/2026
HULYO 8, 2026 - 387 taon ng mayamang kasaysayan, matatag na pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad β¨
Bilang isang lingkod-bayan, tunay nga pong isang karangalan ang maging bahagi ng pagdiriwang ng ika-387 Araw ng Pagkakatatag ng Bayan ng Naujan, mula sa Ulat sa Bayan ng ating Punongbayan, Kgg. Henry Joel Teves, at Pangalawang Punongbayan, Kgg. Candido "Dan" Melgar Jr., na sumasalamin sa ating mga tagumpay sa loob ng isang taon, hanggang sa masayang Hataw Naujan na nagbigay-buhay sa gabi ng selebrasyon.
Nawa ay patuloy po nating ipagdiwang ang ating mga pinagmulan at sama-samang isulong ang mas maliwanag na bukas para sa bawat NaujeΓ±o.
Gayundin, bilang Tagapangulo po ng Komite ng Turismo, Kultura, at Sining, hayaan ninyo po akong magbigay-pugay at taos-pusong magpasalamat sa Tanggapan ng Municipal Tourism, sa pangunguna ni Mam Jessa Christine Olmos, sa matagumpay na pangunguna sa pagdiriwang ng ika-387 Araw ng Pagkakatatag ng Bayan ng Naujan. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa pagpapakita ng mayamang kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng ating bayan.
Mabuhay! Suloy, Naujan!