Tanza 1 Health Center Navotas

Tanza 1 Health Center Navotas Kung may katanungan o gusto magpaconsulta maaari po kayo magiwan ng mensahe sa page na ito. Salamat po.

28/07/2026

MAGANDANG BALITA, MGA KABABAIHAN NG NAVOTAS!

​Muli nating patunayan na mahalaga ang bawat buhay at pangarap!

Inaanyayahan po ang lahat ng babaeng kawani ng barangay sa ating

"BACK-2-BACK-2-BACK 2.0 IN WORKPLACE: BARANGAY EMPLOYEE" health event.
​Eksklusibo ito para sa inyo at may handog ding bakuna para sa inyong mga anak o kamag-anak! Narito ang mga detalye:

KAILAN: August 04, 2026 (Martes)
ORAS: 8:00 AM onwards
SAAN: 2nd Floor of Navotas City Convention Center
​SINO ANG MAAARING MAKIBAHAGI?
​Mga Babaeng Barangay Employee (30-49 taong gulang): Para sa inyong VIA (Cervical Cancer Screening).
​Mga Babaeng Kabataan (9-19 taong gulang): Bawat isang empleyado ay maaaring magsama ng 1-3 babaeng kabataan para sa kanilang libreng HPV vaccination.

​📋 ANO ANG MGA SERBISYO?
(Eksklusibo para sa mga kababaihan)
​✅ Cervical Cancer Screening (VIA)
✅ Treatment on VIA Positive
✅ HPV Vaccination (1st at 2nd dose)
✅ HIV Screening
✅ Family Planning
✅ PhilHealth YAKAP Registration

​ANO ANG DAPAT DALHIN?
​Para sa mga Barangay Employee (30-49 y.o.):
​PhilHealth ID o anumang Government-Issued ID

​Para sa mga Kabataan (9-19 y.o.) para sa HPV Vaccine:
​Kopyo ng Birth Certificate
​PhilHealth ID o anumang Government-Issued ID ng magulang o guardian

​Walang bayad ang mga serbisyong ito. Libre po para sa lahat!

​Sama-sama nating protektahan ang ating kalusugan. CERVICAL CANCER, TAPUSIN NATIN!

​Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Health Center o sa Navotas City Health Department.

Magandang gabi po. Hingi lang po sana kami ng tulong sa inyo na pusuan ang mismong picture na ito. Tayo po ay lumaban sa...
10/07/2026

Magandang gabi po.
Hingi lang po sana kami ng tulong sa inyo na pusuan ang mismong picture na ito. Tayo po ay lumaban sa pagandahan ng float sa nutrition program. Naway kami po ay inyong suportahan salamat po. 🥰🥰🥰

10/07/2026

🎉𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗡𝗮𝘃𝗼𝘁𝗲ñ𝗼𝘀!🥳

Ibahagi ang iyong paboritong masustansyang pagkain at sumali sa ating 𝙉𝙖𝙫𝙤𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙌𝙪𝙞𝙯-𝙩𝙞𝙤𝙣! 🌱

✨𝗡𝗮𝘃𝗼𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝗤𝘂𝗶𝘇-𝘁𝗶𝗼𝗻 # 𝟮:𝗠𝗮𝗹𝘂𝗻𝗴𝗴𝗮𝘆 𝗘𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻
💚 Healthy Plate, Eco Mate!

🌱 𝘼𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙗𝙤𝙧𝙞𝙩𝙤 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣 𝙣𝙖 𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙨𝙖 𝗺𝗮𝗹𝘂𝗻𝗴𝗴𝗮𝘆?

💡 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶 𝗧𝗿𝗶𝘃𝗶𝗮: Alam mo ba na ang malunggay ay mayaman sa Bitamina A at C, Calcium at Protina. Eco-friendly at zero-waste pa dahil mula sa dahon hanggang sa bunga ay pwedeng ulamin.

📌 𝗠𝗲𝗰𝗵𝗮𝗻𝗶𝗰𝘀:
1️⃣ Like & Public Share ang post na ito.
2️⃣ ​I-follow ang ating FB Page.
3️⃣ ​I-comment ang iyong sagot sa ibaba at isama ang hashtag na #𝗡𝗮𝘃𝗼𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝟮𝟬𝟮𝟲
4️⃣​ Paramihan ng likes! Target natin na ang 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝘁 ay makakuha ng 5 likes o higit pa para maging valid ang entry.

​🎁 Para sa mga makakakumpleto ng mechanics, may pagkakataon kayong mapili sa ating electronic raffle at manalo ng grocery items! 🛒✨

​I-comment na ang inyong mga paboritong malunggay recipes sa ibaba! 👇

🦷 DENTAL CLINIC SCHEDULEKung ikaw ay nangangailangan ng dental consultation o tooth extraction (bunot), tingnan ang iske...
09/07/2026

🦷 DENTAL CLINIC SCHEDULE

Kung ikaw ay nangangailangan ng dental consultation o tooth extraction (bunot), tingnan ang iskedyul sa ibaba at bumisita sa itinakdang araw.

⭐️ para sa mga tiga Tanza 2, ang dental po ninyo ay gagawin sa Tanza pabahay Health Center.

Paalala:
✅ Magdala ng valid ID o Philhealth ID/MDR
✅ First come, first served.
✅ sa iba pang katanungan mag iwan nalang po ng private message.

✨ Ang malusog na ngipin ay susi sa malusog na pangangatawan. Magpatingin at alagaan ang inyong ngiti!

01/07/2026

🌸 Babae ka, mahalaga ka. Huwag magtiis—magpakonsulta na! 💜

Ang paulit-ulit na matinding regla, matagal na pagdurugo, bukol sa matres o obaryo, pananakit sa puson, o iba pang nararanasang sintomas ay hindi dapat binabalewala. Ang maagang pagpapatingin ay mahalaga upang maagapan ang anumang kondisyon at mabigyan ng tamang lunas. Ang regular na gynecologic consultation ay nakatutulong sa maagang pagtukoy at paggamot ng mga problema sa reproductive health.

Sa Navotas City Hospital, handa kaming samahan ka sa bawat hakbang ng iyong paggaling. Mayroon kaming:
✨ Libreng konsultasyon*
✨ Abot-kayang gamutan
✨ Ligtas na operasyon
✨ Maaasahan at malasakit na serbisyong medikal

💖 Huwag hintaying lumala ang nararamdaman. Ang kalusugan mo ay mahalaga—para sa'yo, sa iyong pamilya, at sa iyong kinabukasan.

📍 Magtungo sa inyong pinakamalapit na Barangay Health Center o makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Worker upang ma-refer sa Navotas City Hospital.

ANUNSYO!Mayroon na po tayong Oral Polio Vaccine sa Health Center,Maaari na pong dalhin ang ating mga anak bukas Wednesda...
23/06/2026

ANUNSYO!

Mayroon na po tayong Oral Polio Vaccine sa Health Center,
Maaari na pong dalhin ang ating mga anak bukas
Wednesday -June 24, 2026 (8am - 12nn)
ito po ay para sa mga batang nasa idad 2mos - 1 yrs of age na hndi natapos ang 3 bakuna laban polio.

Ugaliing dalhin po ang Birth certificate ng inyong mga anak tuwing babakunahan.

16/06/2026
Tuloy tuloy parin po ang pagbabakuna natin kontra tigdas..kung may bata pa po sa inyo na nasa idad 6mos - 59mos at hndi ...
15/06/2026

Tuloy tuloy parin po ang pagbabakuna natin kontra tigdas..
kung may bata pa po sa inyo na nasa idad 6mos - 59mos at hndi pa nababakunahan maaaring i comment ang inyong address upang kayo ay aming mapuntahan.

halinat sabay sabay nating iligtas ang mga kabataan sa tigdas.
kasama ninyo ang Tanza health Center sa Laban na ito.

15/06/2026

📚🎒 𝙄𝙣𝙨𝙩𝙖𝙣𝙩 𝙣𝙤𝙤𝙙𝙡𝙚𝙨 + 𝙚𝙣𝙚𝙧𝙜𝙮 𝙙𝙧𝙞𝙣𝙠 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙥𝙪𝙢𝙖𝙨𝙤𝙠?

Min𝗇𝗌𝖺𝗇 𝗀𝖺𝗇𝗒𝖺𝗇 𝗍𝖺𝗅𝖺𝗀𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝗎𝗁𝖺𝗒. 😅
𝖯𝖾𝗋𝗈 𝗇𝗀𝖺𝗒𝗈𝗇𝗀 𝖲𝖼𝗁𝗈𝗈𝗅 𝖸𝖾𝖺𝗋 𝟤𝟢𝟤𝟨, 𝗌𝗎𝖻𝗎𝗄𝖺𝗇 𝗇𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗀-𝗅𝖾𝗏𝖾𝗅 𝗎𝗉! 💪
✨ 𝖫𝖾𝗍'𝗌 𝗇𝗈𝗋𝗆𝖺𝗅𝗂𝗓𝖾:
🍳 𝖬𝖺𝗌𝗎𝗌𝗍𝖺𝗇𝗌𝗒𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗅𝗆𝗎𝗌𝖺𝗅
🍎 𝖯𝗋𝗎𝗍𝖺𝗌 𝗌𝖺 𝖻𝗋𝖾𝖺𝗄𝗍𝗂𝗆𝖾
😴 𝖲𝖺𝗉𝖺𝗍 𝗇𝖺 𝗍𝗎𝗅𝗈𝗀

💚 𝖧𝖾𝖺𝗅𝗍𝗁𝗒 𝗁𝖺𝖻𝗂𝗍𝗌 = 𝗆𝖺𝗌 𝗁𝖺𝗇𝖽𝖺 𝗌𝖺 𝗄𝗅𝖺𝗌𝖾!

👇 𝖰𝗎𝗂𝖼𝗄 𝗊𝗎𝖾𝗌𝗍𝗂𝗈𝗇: 𝖠𝗇𝗈 ang madalas mong 𝖺𝗅𝗆𝗎𝗌𝖺𝗅?
🍳 𝖪𝖺𝗇𝗂𝗇 𝖺𝗍 𝗂𝗍𝗅𝗈𝗀
🍞 𝖯𝖺𝗇𝖽𝖾𝗌𝖺𝗅
🍎 𝖯𝗋𝗎𝗍𝖺𝗌
😅 𝖶𝖺𝗅𝖺 𝗉𝖺 𝗇𝗀𝖺 𝖾𝗁...

🏆 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛𝗬 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗙𝗔𝗦𝗧 𝗖𝗛𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡𝗚𝗘:
𝖲𝖺 𝗌𝗎𝗌𝗎𝗇𝗈𝖽 𝗇𝖺 𝗉𝖺𝗌𝗈𝗄, 𝗆𝖺𝗀𝖻𝖺𝗈𝗇 𝗇𝗀 𝗉𝗋𝗎𝗍𝖺𝗌 𝗈 𝗄𝗎𝗆𝖺𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗌𝗎𝗌𝗍𝖺𝗇𝗌𝗒𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗅𝗆𝗎𝗌𝖺𝗅 — 𝗂-𝖼𝗈𝗆𝗆𝖾𝗇𝗍 𝖺𝗇𝗀 𝗂𝗒𝗈𝗇𝗀 𝖻𝗋𝖾𝖺𝗄𝖿𝖺𝗌𝗍 𝖺𝗍 𝗂-𝗂𝗇𝗌𝗉𝗂𝗋𝖾 𝖺𝗇𝗀 𝗂𝖻𝖺! 𝖯𝗂𝗇𝖺𝗄𝖺-𝖼𝗋𝖾𝖺𝗍𝗂𝗏𝖾 𝗇𝖺 𝖾𝗇𝗍𝗋𝗒 = 𝗂-𝖿𝖾𝖺𝗍𝗎𝗋𝖾 𝗇𝖺𝗆𝗂𝗇! 📸

#𝖡𝖺𝖼𝗄𝖳𝗈𝖲𝖼𝗁𝗈𝗈𝗅𝟤𝟢𝟤𝟨 #𝖭𝖺𝗏𝗈𝗍𝖺𝗌𝖭𝗎𝗍𝗋𝗂𝗍𝗂𝗈𝗇 #𝖭𝖺𝗏𝗈𝖭𝗎𝗍𝗋𝗂 #𝖧𝖾𝖺𝗅𝗍𝗁𝗒𝖪𝖺𝖡𝖾𝗌𝗁

Ang vaccination team po natin ay nasa📍E. rodriguez📍Tanza Elementary school📍dmcisa mga nasa malapit na gusto magpabakuna ...
09/06/2026

Ang vaccination team po natin ay nasa
📍E. rodriguez
📍Tanza Elementary school
📍dmci

sa mga nasa malapit na gusto magpabakuna punta nalang po.

Address

Tanza, Navotas
Navotas

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639310345882

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanza 1 Health Center Navotas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share