Municipal Health Office - Obando RHU

Municipal Health Office - Obando RHU Obando Municipal Health Office (Obando RHU) Official page.

Nagkamit ng karangalan ang Municipal Health Office - Obando RHU mula sa Provincial Health Office noong ika 27 ng Hulyo n...
29/07/2026

Nagkamit ng karangalan ang Municipal Health Office - Obando RHU mula sa Provincial Health Office noong ika 27 ng Hulyo na ginanap sa Balagtas Hall Hiyas ng Bulacan Malolos City bilang bayan na mayroong ESU (Epidemiology at Surveillance Unit) Functionality Assessment at FHSIS (Field Health Services Information System) Functionality Assessment na parehong nakakuha ng ๐Ÿ’ฏ porsyento. Binigyang dagdag parangal din ang Obando RHU bilang bayan na nakakapagpasa sa tamang oras na may kumpleto, wasto at tamang datos noong taong 2025 na may ๐Ÿ’ฏ%.Ito ay tinanggap nila Doc Abner Ganaban, ang Municipal Health Officer, Nurse Tin Katrina Divina na siya namang FHSIS coordinator samantalang si Nurse Erbin Alain Estrella naman ang tumatayong Disease Surveillance Officer.

Ang ESU ay tumutukoy sa pag-aaral kung paano nagsimula, kumalat at umabot sa iba't ibang tao o grupo ang mga sakit gamit ang sistemang pangongolekta, paglikom, pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga datos tungkol sa sakit.

Ang FHSIS ay ang opisyal na sistema ng pagtatala at pag-uulat ng Department of Health (DOH) na ginagamit sa mga pampublikong sentrong pangkalusugan (tulad ng Barangay Health Stations at Rural Health Unit) sa Pilipinas.

Ang mga parangal na ito ay patunay na ang bayan ng Obando mula sa mahusay na pamumuno ng ama ng bayan mayor Leonardo Ding Valeda ay hindi pahuhuli sa pagbibigay ng mga garantisado at epektibong serbiyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Obando๐Ÿ’ช๐Ÿ‘Œ

Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng National Childrens Hospital kahap...
22/07/2026

Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng National Childrens Hospital kahapon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Blood Donors month ngayon buwan ng Hulyo na ginawa sa Obando RHU.
Nagsipagdonate ng kanilang mga dugo ang ilan sa mga kawani ng ating Munisipyo bilang pakikiisa sa nasabing programa.
Layunin ng programa ang matulungan ang ating mga kababayan na mangangailangan ng dugo.

Isang taos Pusong PASASALAMAT sa lahat ng mga nagdonate ng kanilang dugo kahaponโฃ๏ธโฃ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿ™

Basic Life Support Training: Pagsasanay para sa Pagliligtas ng BuhayIsinagawa ang ikalawang batch ng Basic Life Support ...
16/07/2026

Basic Life Support Training: Pagsasanay para sa Pagliligtas ng Buhay

Isinagawa ang ikalawang batch ng Basic Life Support (BLS) training ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng Obando Municipal Disaster Risk Reduction Management Office para sa mga empleyado at BHWs ng Obando RHU, ang mga kalahok ay sumailalim sa mas mataas na antas ng kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga aksidente o insidente na nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Ang pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga indibidwal na makapagsagawa ng tamang proseso ng BLS upang mapanatili ang buhay ng isang tao habang hinihintay ang propesyonal na tulong medikal.

Sa unang bahagi ng pagsasanay, ang mga kalahok ay tinuturuan tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng CPR (Cardiopulmonary Resuscitation). Ipinakita sa kanila ang tamang paraan ng pag-compress ng dibdib at pagbigay ng rescue breaths. Ang tamang rhythm, lapat ng kamay, at lalim ng pag-compress ay mahalagang paraan upang mapanatili ang sirkulasyon ng dugo.

Kasunod nito, ang mga kalahok ay tinuruan din tungkol sa paggamit ng Automated External Defibrillator (AED). Ang AED ay isang portable na aparato na ginagamit upang mapanatili o maibalik ang normal rhythm ng puso sa pamamagitan ng electrical shock. Ang wastong paggamit ng AED ay mahalaga sa pagtugon sa mga kaso ng cardiac arrest.

Bilang parte ng pagsasanay na ito, kinakailangan isagawa ng bawat kalahok ang mga procedure na naituro tulad ng CPR at AED ng adult at infant.

Bukod sa mga praktikal na gawain, ang mga kalahok ay binigyan din ng kaalaman ukol sa tamang pagtawag ng tulong medikal at mga hakbang sa pagbibigay ng paunang lunas sa oras ng emergency.

Nagbigay naman ng dagdag kaalaman ang Obando BFP ukol sa tamang paggamit ng fire extinguisher.

Layunin ng programa na lahat ng empleyado ng RHU at Obando BHWs ay makapagtraining ng BLS upang mas lalong paigtingin ang serbisyong medikal sa ating bayan.

Human blood for transfusions is the only form of treatment that cannot be commercially manufactured. It is only possible...
15/07/2026

Human blood for transfusions is the only form of treatment that cannot be commercially manufactured. It is only possible if blood from kindhearted people is available.
Blood donors are considered modern Heroes who care enough to spend time to share their blood in order to save another person's life.

Municipal Health Office of Obando in partnership With National Childrens Hospital will be holding a Blood Letting Project on JULY 21, 2026 (Tuesday), from 8:00am to 2:00pm at Obando Rural Health Unit.

To be considered a blood donor, provided are the requirements for blood donation:
๐Ÿ‘‰Ages 18 years old and above. Those below 18 years old must fill out a signed parentโ€™s/guardianโ€™s consent form
๐Ÿ‘‰Weight at least 110lbs or 50kg
๐Ÿ‘‰Have not donated blood for the past 3 months
๐Ÿ‘‰No recent immunizations
๐Ÿ‘‰At least 8 hours of sleep
๐Ÿ‘‰No alcohol intake for the last 24 hours
๐Ÿ‘‰No medications taken for at least 24 hours
๐Ÿ‘‰For females, currently do not have their monthly period

Dugtong-Buhay, Dugtong-Pag-asaโฃ๏ธโฃ๏ธMatagumpay na naisagawa ang Local Blood Council Meeting na dinaluhan ng mga kapitan, k...
15/07/2026

Dugtong-Buhay, Dugtong-Pag-asaโฃ๏ธโฃ๏ธ

Matagumpay na naisagawa ang Local Blood Council Meeting na dinaluhan ng mga kapitan, kagawad on health, at mga ibang sektor na katuwang natin sa pagsasagawa ng bloodletting program. Dito tinalakay ang kasalukuyang kalagayan ng blood donation program sa bayan ng Obando at pinagplanuhan ang mga hakbang para sa mas ligtas at sapat na suplay ng dugo sa komunidad.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga partner institutions, at ibaโ€™t ibang sektor, patuloy nating pinapalakas ang adbokasiya ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo para makapagligtas ng mas maraming buhay.

Tayo na magdonate ng Dugo,
Para sa mas ligtas na Obandoโค๏ธ

Basic Life Support Training: Pagsasanay para sa Pagliligtas ng BuhayNagsagawa ng Basic Life Support (BLS) training ang M...
10/07/2026

Basic Life Support Training: Pagsasanay para sa Pagliligtas ng Buhay

Nagsagawa ng Basic Life Support (BLS) training ang Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng Obando Municipal Disaster Risk Reduction Management Office para sa mga empleyado at BHWs ng Obando RHU, ang mga kalahok ay sumailalim sa mas mataas na antas ng kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga aksidente o insidente na nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Ang pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga indibidwal na makapagsagawa ng tamang proseso ng BLS upang mapanatili ang buhay ng isang tao habang hinihintay ang propesyonal na tulong medikal.

Sa unang bahagi ng pagsasanay, ang mga kalahok ay tinuturuan tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng CPR (Cardiopulmonary Resuscitation). Ipinakita sa kanila ang tamang paraan ng pag-compress ng dibdib at pagbigay ng rescue breaths. Ang tamang rhythm, lapat ng kamay, at lalim ng pag-compress ay mahalagang paraan upang mapanatili ang sirkulasyon ng dugo.

Kasunod nito, ang mga kalahok ay tinuruan din tungkol sa paggamit ng Automated External Defibrillator (AED). Ang AED ay isang portable na aparato na ginagamit upang mapanatili o maibalik ang normal rhythm ng puso sa pamamagitan ng electrical shock. Ang wastong paggamit ng AED ay mahalaga sa pagtugon sa mga kaso ng cardiac arrest.

Bilang parte ng pagsasanay na ito, kinakailangan isagawa ng bawat kalahok ang mga procedure na naituro tulad ng CPR at AED ng adult at infant.

Bukod sa mga praktikal na gawain, ang mga kalahok ay binigyan din ng kaalaman ukol sa tamang pagtawag ng tulong medikal at mga hakbang sa pagbibigay ng paunang lunas sa oras ng emergency.

Nagbigay naman ng dagdag kaalaman ang Obando BFP ukol sa tamang paggamit ng fire extinguisher.

Dumalo sa nasabing programa ang ama ng bayan Mayor Leonardo Ding Valeda upang magbigay ng mensaheng pagbati at pasasalamat sa lahat ng Obando RHU staff at BHWs dahil sa kanilang ginagawang paglilingkod para sa bayan ng Obando.

Layunin ng programa na lahat ng empleyado ng RHU at Obando BHWs ay makapagtraining ng BLS upang mas lalong paigtingin ang serbisyong medikal sa ating bayan.

Ito ang unang batch na nagsagawa ng training. Nakaiskedyul sa susunod na Lingo ang ikalawa at ikatlong batch.

TINGNAN๐Ÿ‘€Nagsagawa ng BloodLetting Activity ang Barangay Pacoโฃ๏ธโฃ๏ธ๐ŸซถSila ay nakapagkolekta ng 27 successful blood donors na...
08/07/2026

TINGNAN๐Ÿ‘€
Nagsagawa ng BloodLetting Activity ang Barangay Pacoโฃ๏ธโฃ๏ธ๐Ÿซถ
Sila ay nakapagkolekta ng 27 successful blood donors na isinagawa kanina sa Health Center at daycare center ng barangay Paco sa pakikipagtulungan ng Bulacan Blood Center.

Ang taos puso po namin PASASALAMAT sa lahat ng nakiisa lalo sa nagdonate ng kanilang Dugoโฃ๏ธ
PASASALAMAT po sa mga bumubuo Ng Sangguniang Barangay ng Paco, mga kagawad at staffs sa pagsasagawa Ng Blood Donation Drive. Hanggang sa mga susunod po nating programang pangkalusugan๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช

Human blood for transfusions is the only form of treatment that cannot be commercially manufactured. It is only possible...
29/06/2026

Human blood for transfusions is the only form of treatment that cannot be commercially manufactured. It is only possible if blood from kindhearted people is available.
Blood donors are considered modern Heroes who care enough to spend time to share their blood in order to save another person's life.

Municipal Health Office of Obando in partnership With Bulacan Blood Center will be holding a Blood Letting Project on JULY 8, 2026 (Wednesday), from 8:00am to 2:00pm at Paco Health Center.

To be considered a blood donor, provided are the requirements for blood donation:
๐Ÿ‘‰Ages 18 years old and above. Those below 18 years old must fill out a signed parentโ€™s/guardianโ€™s consent form
๐Ÿ‘‰Weight at least 110lbs or 50kg
๐Ÿ‘‰Have not donated blood for the past 3 months
๐Ÿ‘‰No recent immunizations
๐Ÿ‘‰At least 8 hours of sleep
๐Ÿ‘‰No alcohol intake for the last 24 hours
๐Ÿ‘‰No medications taken for at least 24 hours
๐Ÿ‘‰For females, currently do not have their monthly period

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—šLubos na kalungkutan at mabigat na puso ang aming nararamdaman sa pag-aanunsyo ng pagpanaw ni ๐——๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ผ...
18/06/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š

Lubos na kalungkutan at mabigat na puso ang aming nararamdaman sa pag-aanunsyo ng pagpanaw ni ๐——๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐—•. ๐— ๐˜‚๐—ฎ๐—ป, ang aming minamahal na ๐™‹๐™ช๐™—๐™ก๐™ž๐™˜ ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ ๐˜ฟ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™จ๐™ฉ, iginagalang na kasamahan, at tapat na lingkod-bayan.

Sa buong panahon ng kanyang paglilingkod, buong puso niyang inialay ang kanyang sarili sa pagpapabuti ng Oral Health at pangkalahatang kalusugan ng ating komunidad.
Naglingkod siya nang may malasakit, propesyonalismo, at hindi matatawarang dedikasyon, na nag-iwan ng positibong marka sa buhay ng napakaraming pasyente, kasamahan, at pamilya. Ang kanyang pagmamalasakit sa kalusugan ng mamamayan ng Obando at taos-pusong pag-aalaga sa mga taong kanyang pinagsilbihan ay mananatiling alaala ng pasasalamat at paghanga.

Sa ngalan ng Municipal Health Office, ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at sa lahat ng mga taong pinagpala ng kanyang kabutihan at paglilingkod.

Habang kami ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw, pinasasalamatan at pinararangalan din namin ang kanyang buhay at mga naiambag sa ating komunidad. Ang kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko, malasakit sa kapwa, at pagmamahal sa kanyang propesyon ay magsisilbing inspirasyon sa amin at sa mga susunod pang henerasyon ng mga lingkod-publiko.

Nawa'y mapayapa siyang mamahinga sa piling ng Poong Maykapal. ๐Ÿ•Š

๐——๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐—•. ๐— ๐˜‚๐—ฎ๐—ป
Ang iyong paglilingkod, kabutihan, at dedikasyon ay hindi kailanman malilimutan.

โ€” Municipal Health Office โ€“ Obando Rural Health Unit

PABATID๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃSa darating na Huwebes, June 11, 2026 ang Obando Rural Health Unit ay magsasagawa ng LIBRENG CHEST XRAY ๐Ÿฉป para...
05/06/2026

PABATID๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ

Sa darating na Huwebes, June 11, 2026 ang Obando Rural Health Unit ay magsasagawa ng LIBRENG CHEST XRAY ๐Ÿฉป para sa mga sumusunod:

๐Ÿ“Œ TB household and Close Contacts
๐Ÿ“Œ 4Ps members and Household members
๐Ÿ“Œ Diabetic Patients
๐Ÿ“Œ Smokers
๐Ÿ“Œ With TB Signs and Symptoms (2 weeks cough, afternoon fever, loss of appetite, sudden weight loss)
๐Ÿ“Œ Person with co-morbidities
๐Ÿ“Œ Senior Citizen
๐Ÿ“Œ Frontliner
๐Ÿ“Œ TODA Drivers

Maaaring magpunta sa Obando RHU - likod ng Municipal Bldg. mula 8 ng umaga hanggang 3 ng hapon. Ito po ay first come, first serve basis para sa unang 250 katao edad 15 na taon gulang pataas. Magsuot lamang ng plain na tshirt na walang butones o print at walang kuwelyo.

Halina't makibahagi. TB ay kayang tuldukan, sa tama at kumpletong gamutan.

Address

J. P. Rizal Street Brgy. Paliwas
Obando
3021

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

3322744

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Obando RHU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share