06/02/2025
"THE DEATH STORY OF POLITICIAN"
Minsan may namatay na politiko at nagmamabilis siyang umakyat sa langit at sabi ni St Peter, Mr. politician, the Honorable Politician where are you going?
I'm going to Heaven, I'm entering Heaven.
Sabi ni St. Peter nako Mr. Politician hindi po ganyan dito, may test po muna kayong dadaanan, ano pong Test wika ni Politician?
Kailangan po muna kayong mag stay sa Impyerno ng 24 Hours at 24Hours din sa langit at mula dun bumuto po kayo, sabi nung politiko, may butuhan din po ba sa langit?
Opo Mr. Politician sabi ni St. Peter pero hindi pa po naaapprove ang automation, pending pa po kasi nagdedebati pa po ang mga anghel kasi baka magkadayaan po.
At kahit masama ang loob ng politiko, pumunta siya ng elevator pero nagrereklamo, ayukong pumunta ng Impyerno madumi dun, naririnig ko yung pinepreach yun ang baho, ang init at ang pangit.
Wala siyang magawa he has to pass through the test.
Pinindot niya ang letter I sa elevator at dahang dahang bumababa ito pa Impyerno.
Kinakabahan siya at nagulat siya nung pababa siya ng pababa, pabango ng pabango at palamig ng palamig at may naririnig siyang may nagtatawanan at nagkukwentuhan at may masayang mga tugtog.
Pagbukas ng Elevator nagulat siya yung Impyerno isang malaking Golf Course.
Sabi niya hindi naman pala totoong pangit, maganda pala dito.
Nagulat siya dahil andun lahat ng kaibigan niyang politiko, nagkukwentuhan at nagkakasiyahan at nag go-golf sila at nagkaka-kanta. Hindi niya namalayan tapos na ang 24 hours.
Napag isip isip niya, mukhang nagkamali ako ng sinabi kay St. Peter prang gusto ko na dito sa Impyerno.
Wala siyang nagawa kundi sumunod sa Test. Sumakay siya ng elevator paakyat, pinindot ang H - Heaven.
Pagdating sa langit pagbukas palang ng pinto nalungkot na siya, kasi ang mga tao lakad ng lakad. Wala siyang kakilala kahit isa ultimo kamag anak wala siyang nakita dun.
Kanta ng kanta harp ng harp tapos may naghohossana ng hossana, wala na ba kayong kanta kundi hossana, sabi niya?
At ng matapos ang 24hours, hinarap siya ni San Pedro at sabi ni San Pedro.
“Honorable politician, Nakapili na po ba kayo? Pwede na ho kayong bumoto”.
Nako St. Peter, wag nalang ho sanang makarating sa Panginoon, pero nagbago na ho ako ng decision,
Sa impyerno nalang po ako. Nagulat si San Pedro, yan na po ba ang boto niyo? Opo sabi ni Politiko.
Akin na po ang daliri niyo lalagyan ko ng indelible ink, baka maka-doble ho kayo ng boto e, mabuting maingat na, at nilagyan ito ng ink.
Tuwang tuwa yung Politiko at nagmamadaling sumakay ng elevator pababa at kumakanta kanta pa siya.
Nagulat siya nung pababa siya ng pababa ng elevator, painit ng painit parang napapaso na siya at pabaho ng pabaho.
Yung mabangong amoy dati wala na, at may naririnig na siyang nag-iiyakan.
Pagbukas ng elevator nagulat siya, kung anong ikinaganda ng unang pagpunta niya ay siya ring ikinapangit.
Ang dilim puro apoy, yung mga kaibigan niya nakatali at pinarurusahan, tawa ng tawa si Satanas.
But parang namangha po kayo sabi ni Satanas sa Politiko?
E hindi po ganito nung nagpunta ako dito. Maganda po.
Sabi ni Satanas, e kelan ka ba nagpunta?
Kahapon lang po sabi ni Politiko. 24 hours ago lang.
Ay nako Brother, CAMPAIGN PERIOD yun.
Kaya nga sa mga politician,
Kapag CAMPAIGN PERIOD puro Langit ang ipinapangako niyo.
Pero kapag naibuto na ho kayo,
IMPYERNO na ho ang buhay namin.