22/05/2026
Persons with Disabilities PWDs), may kapansanan, araw-araw na lumalaban.
Hindi lamang sa limitasyon ng katawan, kundi pati sa diskriminasyon, kakulangan ng oportunidad, at kawalan ng MALASAKIT.
Hindi kahinaan ang pagkakaroon ng kapansanan. Ang “tunay na kahinaan” ay ang isang lipunang marunong tumingin ngunit pinipiling hindi makita ang pangangailangan ng mga may kapansanan. Maraming PWD ang may kakayahan, talento, at pangarap, ngunit nananatiling nakasarado ang ilang pinto mga AHENSIYA, DEPARTAMENTO at KUMPANYA dahil may mga taong mas inuuna ang paghusga kaysa pag-unawa.
Ang suporta sa mga PWDs ay hindi simpleng pagtulong lamang. Ito ay pagkilala sa kanilang dignidad, karapatan, at halaga bilang kapantay na mamamayan. Hindi nila kailangan ng awa; kailangan nila ng pagkakataon, respeto, at isang komunidad na handang magsabing: “Kasama kayo, mahalaga kayo, at hindi kayo maiiwan.”
Kapag ang isang bayan ay natutong yakapin ang mga may kapansanan nang may MALASAKIT at pagkakapantay-pantay, doon tunay na nagiging makatao ang pamahalaan at makabuluhan ang serbisyo publiko.