28/07/2026
📢 PAGHAHANDA PARA SA MR SIA 2026 💉🛡️
Noong Hulyo 15–18, 2026, nagsagawa ang PuroKalusugan Team ng Information, Education, and Communication (IEC) sa iba’t ibang Sitio sa Barangay Mananao bilang paghahanda sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) na gaganapin ngayong Agosto 10, 2026.
Sa isinagawang Health Promotion ng team, ipinaliwanag ang:
✅ Kahalagahan ng pagbabakuna laban sa tigdas at rubella.
✅ Mga benepisyo ng bakuna sa kalusugan ng ating mga anak.
✅ Mga panganib at komplikasyong maaaring idulot ng tigdas kung hindi mababakunahan ang bata.
✅ Ang kahalagahan ng pakikiisa ng bawat magulang upang maprotektahan ang kanilang mga anak at ang buong komunidad.
Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang malubhang sakit at maprotektahan ang kinabukasan ng ating mga anak.
📣 Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa darating na MR SIA sa Agosto 10, 2026. Sama-sama nating tiyakin na ang bawat batang karapat-dapat mabakunahan ay mabibigyan ng proteksiyon laban sa tigdas at rubella.
💙 Magpabakuna. Magprotekta. Magkaisa para sa isang ligtas at malusog na komunidad!