13/12/2025
๐ธOPISYAL NA MEKANIKS NG "PHOTO CONTEST"
Pangil, Laguna โ Bandana Festival 2025
A. Pagiging Kwalipikado
1. Bukas sa lahat ng kabataan at mamamayan ng Pangil.
2. Isang (1) photo entry lamang ang maaaring isumite ng bawat kalahok.
3. Ang larawan ay dapat orihinal at sariling kuha ng kalahokโhindi maaaring galing
sa ibang photographer at mahigpit na ipinagbabawal ang AI-generated images.
B. Tema ng Kumpetisyon
Maaaring kumuha ng larawan mula sa mga aktibidad ng Bandana Festival 2025 mula
December 14 hanggang December 18, 2025, gamit ang temang:
โข โKulay at Diwa ng Bandana Festivalโ
C. Paraan ng Pagsumite at Pagpili
1. Ang Pamahalaang Bayan ng Pangil ay maglalabas ng opisyal na Facebook post dito sa
Mayor Gerald Aritao Official page (https://www.facebook.com/mayorgeraldaritao2025/)
kung saan dapat i-upload ng kalahok ang kanyang photo entry.
2. Mula sa lahat ng entries, pipili ang screening committee ng tatlumpung (30) Best
Shots na itatampok sa Photo Exhibit.
3. Mula sa Top 30 exhibit photos, pipiliin ang tatlong (3) pinakamahusay na larawan
na tatanghaling mga nagwagi.
D. Teknikal na Alituntunin
โข I-comment ang iyong photo entry dito sa Poster ng Photo Contest, kasama ang buong pangalan at Barangay.
โข Para sa mapipiling 30 Best Shots, magsumite ng:
โข Soft copy (JPEG o PNG, high-resolution) screening committee
โข Editing:
Pinapayagan: Crop, brightness, contrast, color correction
Hindi pinapayagan: Heavy manipulation, composite images, o pagbabago ng tunay na nilalaman
E. Title at Caption
Ang bawat entry ay dapat may title at caption (maximum 50 words) na nagpapaliwanag ng
konsepto, kuwento, o inspirasyon ng larawan.
F. Photo Exhibit
Ang lahat ng mapipiling Top 30 entries ay magiging bahagi ng official photo exhibit na gaganapin matapos ianunsyo ang panalo at matapos ang pagdiriwang ng Pangil Bandana Festival 2025, kung saan makikita ang talento ng mga kalahok, Ito ay ididisplay sa
Munizipal Azotea ikalawang palapag ng gusali ng Pamahalaang Bayan.
G. Pangkalahatang Alituntunin
1. Ang Top 30 entries na mapipili ay dapat rehistrado gamit ang official entry form na
ibibigay ng organizing committee.
2. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring kuwestiyunin.
3. Ang lahat ng entries ay mananatiling pagmamay-ari ng kalahok, ngunit ang LGU
Pangil at Tourism Office ay may karapatang gamitin ang mga ito para sa anumang
promotional materials ng kultura at turismo, na may wastong pagkilala sa may
akda.
4. Ang mga entries ay isasailalim sa public exhibit bilang bahagi ng selebrasyon ng
Bandana Festival 2025.
5. Lahat ng kalahok ay makatatanggap ng Certificate of Participation, at ang mga
mananalo ay tatanggap ng cash prizes, at certificate.
H. Mga Premyo
โข 1st Prize โ โฑ1,500 + Certificate
โข 2nd Prize โ โฑ1,000 + Certificate
โข 3rd Prize โ โฑ500 + Certificate
I. Pamantayan sa Pagpili ng Top 30 Entries (Exhibit)
Mula sa lahat ng photo entries na naka-upload sa post, pipili ang screening
committee ng 30 Best Shots base sa sumusunod na criteria:
โข Creativity & Originality โ 30%
โข Relevance to Theme โ 30%
โข Composition & Technical Quality โ 30%
โข Overall Impact โ 10%
Ang napiling 30 na larawan ay ilalagay sa Photo Exhibit.
J. Pagpili ng Mananalo
Mula sa Top 30 photos, pipiliin ang Top 3 Best Shots base sa parehong criteria.
K. Pag-aanunsyo ng Mananalo
Ang mga mananalo ay iaanunsyo sa Gabi ng Barangayan: Musika, Aliw, at
Papremyo sa December 18, 2025, ganap na ika-7:00 PM, sa Festival Ground.
Iaanunsyo rin ang mga resulta dito sa aking official page.