09/08/2026
๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ก๐ ๐ก๐จ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐๐ฅ๐ฉ๐๐๐๐ฆ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฉ๐๐๐จ๐๐๐ฆ ๐๐ฉบ
August 9, 2026
Bukod sa mainit na sopas at packed meals, mahalaga rin ang patuloy na pagbabantay sa kalusugan ng ating mga evacuees sa Phase 3 Gym.
Nagsagawa ng Medical Mission ang BF Health Center Team, sa pangunguna ni Dr. Annie Wong, kung saan nagbigay ng libreng medical consultation, first aid treatment, at mga kinakailangang gamot.
Kasabay nito, ipinagpatuloy din ang nutrition services sa pangunguna ni Kagawad Cielo Lazatin kabilang ang pamamahagi ng Vitamin A, MNP, Malunggay Capsules, at Ferrous Folic Acid.
Kasama rin si Kap Jeremy S. Marquez pagbisita at pag-alalay sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.
Patuloy na nakaantabay ang Barangay BF Homes sa pagkain, kalusugan, at iba pang pangunahing pangangailangan ng ating mga evacuees. ๐