20/08/2026
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang laparoscopic management sa isang pasyenteng inoperahan dulot ng stab wound at mga komplikasyon nito tulad ng paglabas ng ibang parte ng tyan. Sa pangunguna ni Dr. Benedict Valencia, General Surgeon/Laparoscopic Surgery Specialist at Operating Room Head ng Pasay Gen, nasuri at nagamot ng laparoscopic surgery ang pinsala gamit ang maliliit na hiwa at mga camera. Dahil dito, mas mabilis ang paggaling at mas maiksi ang recovery period ng pasyente matapos ang operasyon.
Para sa iba't ibang karamdaman at sakit, maaaring magpa schedule ng konsultasyon sa Pasay Gen Outpatient Department Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga.