23/04/2026
Ang Shoulder Impingement Syndrome ay hindi lang isang lokal na problema sa tendon, kundi isang biomechanical failure ng space management sa subacromial region. Kapag ang balanse ng humeral head at acromion ay nababagabag, nagkakaroon ng repetitive compression sa rotator cuff tendons at bursa, lalo na sa supraspinatus tendon at long head ng biceps.
Ang pangunahing isyu ay ang mahinang kontrol ng humeral head. Ang rotator cuff muscles (supraspinatus, infraspinatus, teres minor, subscapularis) ay dynamic stabilizer na nagpapanatili ng humeral head sa gitna ng glenoid. Kapag mahina o delayed ang mga muscles na ito, ang humeral head ay umaangat paitaas, bumababa ang subacromial space, at nagkakaroon ng mechanical compression.
Mahalaga rin ang scapular biomechanics. Ang scapula ay dapat umuupwardly rotate, posteriorly tilt, at externally rotate para magkaroon ng sapat na clearance sa shoulder elevation. Ang scapular dyskinesis (dahil sa mahinang lower trapezius at serratus anterior o tightness ng pectoralis minor) ay nagdudulot ng compressive forces sa subacromial space.
Ang soft tissue imbalance ay isa pang factor, tulad ng tight anterior structures (pectoralis major/minor, anterior capsule) na nagpupull sa shoulder into protracted at internally rotated position, na nagpapaliit sa subacromial space.
Ang impingement ay isang timing at coordination problem, hindi lang structural. Ang shoulder ay nangangailangan ng precise rhythm sa pagitan ng glenohumeral joint at scapulothoracic motion. Kapag nabagabag ito, maging simpleng galaw ay nagiging masakit.makirot
Ang paggamot ay dapat tutukan sa pag-restore ng movement quality, tulad ng scapular control, rotator cuff activation, thoracic mobility, at postural alignment. Kung hindi ito gagawin, ang symptomatic relief ay temporary lang 😊.