Rizal Med TeleNutrition

Directions Website Contact the practice

Rizal Med TeleNutrition Rizal Medical Center Nutrition and Dietetics Department Telenutrition Page

πŸŒΏπŸ’š Nutrition Month Outreach Program 2026 πŸ’šπŸŒΏBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na isinag...
18/07/2026

πŸŒΏπŸ’š Nutrition Month Outreach Program 2026 πŸ’šπŸŒΏ

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, matagumpay na isinagawa ng Nutrition and Dietetics Department ng Rizal Medical Center, katuwang ang Health Committee ng Barangay Baong Ilog, ang isang community outreach program na may temang:
"Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!" 🌱

Naging masigla ang programa sa pamamagitan ng Zumba, mga talakayan tungkol sa wastong nutrisyon, at mga nakakatuwang laro na nagbigay ng kaalaman at inspirasyon sa pagpapanatili ng malusog na pamumuhay at pangangalaga sa ating kalikasan.

Sama-sama nating pinagtibay ang mensahe na ang pangangalaga sa ating kalusugan ay nagsisimula sa tamang nutrisyon at responsableng pag-aalaga sa ating kapaligiran.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, lalo na sa mga residente ng Barangay Baong Ilog, sa inyong aktibong pakikilahok. Patuloy nating isabuhay ang mga simpleng hakbang tungo sa mas malusog na pamayanan at mas luntiang kinabukasan.

πŸ’š Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!

15/07/2026

πŸ“’ SA KAALAMAN NG LAHAT πŸ“£

Ang RizalMed OPD ONLINE SCHEDULE ay bukas sa pagsagot mula 7:00 ng umaga hangang 2:30 ng hapon, Lunes hangang Biyernes (maliban sa mga araw ng holidays at suspensyon ng pasok).

Para sa mga magsusumite ng consent form lampas ng 2:30 ng hapon, maaaring ipadala muli at maproseso sa susunod na araw ng operasyon.

Maraming Salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.


Maligayang Buwan ng Nutrisyon 2026! πŸŽ‰Ngayong araw ay pormal nating binuksan ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 sa R...
01/07/2026

Maligayang Buwan ng Nutrisyon 2026! πŸŽ‰

Ngayong araw ay pormal nating binuksan ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 sa Rizal Medical Center na may temang "Sa PPAN: Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat" at sub-theme na "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"

Ang temang ito ay nagpapaalala sa atin na ang sapat at wastong nutrisyon ay bunga ng sama-samang pagkilos ng bawat isa. Kasabay nito, binibigyang-diin din ng sub-theme ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan upang matiyak ang ligtas, masustansya, at sapat na pagkain para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating Opening Program. Nawa'y maging paalala ang pagdiriwang na ito sa kahalagahan ng wastong nutrisyon, malusog na pamumuhay, at pangangalaga sa ating kalikasan.

Sama-sama nating isulong ang kalusugan at nutrisyon para sa lahat!

Ikinagagalak ng Nutrition and Dietetics Department ng Rizal Medical Center na ibahagi ang matagumpay na pagdaraos ng ins...
14/05/2026

Ikinagagalak ng Nutrition and Dietetics Department ng Rizal Medical Center na ibahagi ang matagumpay na pagdaraos ng inspection visit ng Professional Regulatory Board of Nutrition and Dietetics ngayong Mayo 14, 2026.

Buong pagmamalaki naming ibinabahagi na ang Nutrition and Dietetics Department ay nairekomendang pagkalooban ng Certificate of Compliance.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon, pagtutulungan, at walang sawang pagsisikap ng buong Nutrition and Dietetics Department sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangnutrisyon at mahusay na pangangalagang nakasentro sa pasyente.

Taos-pusong pasasalamat sa Professional Regulation Commission – Board of Nutrition and Dietetics sa pangunguna ni Honorable Ma. Socorro E. Ignacio, Chairperson katuwang sina Honorable Rhoda Joy R. Buenviaje, Member at Mr. Ronald Allan B. Denoso, Supervising Professional Regulations Officer and PRC Commission Representative sa kanilang matiyaga at masusing pagsusuri, gayundin sa kanilang gabay at mga rekomendasyon para sa patuloy na pagpapabuti ng aming serbisyo.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa buong pamunuan ng Rizal Medical Center, sa pangunguna ni Dr. Maria Rica M. Lumague, para sa patuloy na suporta at gabay sa aming departamento.

Mabuhay at pagbati sa buong Rizal Medical Center Nutrition and Dietetics Department! πŸŽ‰



25/03/2026
26/11/2025
07/10/2025

Lolo at Lola, pangalagaan ang kalusugan, ehersiyo at wastong pagkain dapat tutukan upang labis na katabaan ay maiwasan‼️


01/08/2025

πŸŽ‰ Nutrition Month 2025 Recap πŸŽ‰
Ang Rizal Medical Center Nutrition and Dietetics Department ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagdiriwang ng Nutrition Month 2025 na may temang:
"Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat!"

Mula sa makabuluhang opening ceremony, Nutrivia Game at OPD lecture, at masiglang pakikilahok ng bawat isaβ€”ito ay naging tunay na selebrasyon ng malasakit at pagkakaisa para sa kalusugan ng bawat Pilipino.πŸ’š

Panoorin natin ang recap video na ito bilang pagbabalik-tanaw sa mga makukulay at makabuluhang kaganapan ngayong buwan ng nutrisyon!

Maraming salamat, ka-RizalMed! Hanggang sa muli! πŸ₯—πŸŽπŸ πŸ₯šπŸšπŸ₯¦

Send a message to learn more

04/07/2025

Ang Rizal Medical Center Nutrition and Dietetics Department ay nagbukas ng pagdiriwang para sa Nutrition Month 2025 na may temang:

"Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat!"

Bilang panimula, narito ang isang maikling video ng aming opening ceremony na ginanap noong Hulyo 3, 2025.
Tara na’t makiisa sa layunin ng mas malusog na Pilipinas!

HAPPY NUTRITION MONTH ka-RizalMed! πŸ₯¦πŸšπŸŽπŸ₯•πŸ₯—πŸ πŸ—

Send a message to learn more

Address

Rizal Medical Center
Pasig

Opening Hours

Monday 8am - 3pm
Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3pm
Friday 8am - 3pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal Med TeleNutrition posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Rizal Med TeleNutrition:

Shortcuts

Share

Category