Ateneo Doctors in Rosario Super Health Center

Ateneo Doctors in Rosario Super Health Center Kami ay mga docktor mula sa Ateneo School of Medicine and Public Health na handang maglingkod sa inyo sa Rosario Super Health Center, Pasig.

Sa pagdiriwang ng National Heroes Day, magsasara muna ang ating Multispecialty Clinic ngayong Agosto 31, 2026 (Lunes) at...
30/08/2026

Sa pagdiriwang ng National Heroes Day, magsasara muna ang ating Multispecialty Clinic ngayong Agosto 31, 2026 (Lunes) at babalik muli bukas Setyembre 1, 2026 (Martes).

Salamat po! πŸ™Œ

30/08/2026

🚨 DOH: β€˜WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







πŸ’‰ Kasama ang Rosario Super Health Center sa pagprotekta sa kalusugan ng mga bata! Narito ang mga litrato mula sa Bakuna ...
25/08/2026

πŸ’‰ Kasama ang Rosario Super Health Center sa pagprotekta sa kalusugan ng mga bata! Narito ang mga litrato mula sa Bakuna Day, bahagi ng patuloy nating pangangalaga sa ating komunidad πŸ“Έ

πŸ—“οΈ Susunod na Bakuna Day: Agosto 26, 2026 (Miyerkules) ng umaga
πŸ“ Rosario Super Health Center
πŸ‘Ά Libreng bakuna para sa mga residente ng Rosario

25/08/2026

πŸ‘‚ Mula sa pagpapalinis ng tenga hanggang sa mga alalahanin sa ilong at leeg, nandiyan ang ENT (Ears, Nose, Throat) Multispecialty Clinic para sa inyo!

πŸ—“ Ang susunod na ENT day ay gaganapin bukas, Agosto 26, 2026 (Miyerkules), 1PM.
πŸ“² I-message ang aming page para magpalista!
πŸ“Bukas sa mga residente ng Barangay Rosario, Pasig

πŸ₯  GENERAL SURGERY MONDAY na ulit sa Rosario Super Health Center! May luslos, pigsa, bukol sa suso, o sugat na ayaw guma...
24/08/2026

πŸ₯ GENERAL SURGERY MONDAY na ulit sa Rosario Super Health Center!

May luslos, pigsa, bukol sa suso, o sugat na ayaw gumaling? Huwag nang antayin pang lumala, magpakonsulta na sa ating espesyalista, LIBRE!

πŸ—“οΈ NGAYONG ARAW NG 1:00PM
πŸ“ Rosario Super Health Center
πŸ“² Bukas sa mga residente ng Barangay Rosario, Pasig. I-message ang aming page para magpalista.

⚠️ Paalala: Sarado ang clinic sa susunod na Lunes dahil sa holiday. Huwag palampasin ang libreng konsulta ngayong araw!

Magandang umaga, Rosario! β˜€οΈ Bagong linggo, bagong laan na araw na naman para sa inyong kalusugan! Narito ang mga espesy...
24/08/2026

Magandang umaga, Rosario! β˜€οΈ Bagong linggo, bagong laan na araw na naman para sa inyong kalusugan! Narito ang mga espesyalistang available ngayong linggo sa Rosario Super Health Center πŸ‘‡

πŸ—“οΈ Lunes (Aug 24): Surgery
πŸ—“οΈ Martes (Aug 25): Pediatrics
πŸ—“οΈ Miyerkules (Aug 26): ENT
πŸ—“οΈ Huwebes (Aug 27): OB-Gyne
πŸ—“οΈ Biyernes (Aug 28): Internal Medicine

πŸ₯ Libreng konsulta, 1:00 PM – 5:00 PM, araw-araw. Bukas sa mga residente ng Barangay Rosario, Pasig.
πŸ“² I-message ang aming page para magpalista!

Bilang pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day ngayong Agosto 21, 2026 (Biyernes), magsasara muna ang aming Multispecialty Clini...
21/08/2026

Bilang pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day ngayong Agosto 21, 2026 (Biyernes), magsasara muna ang aming Multispecialty Clinic.

Babalik kami sa Lunes para muli kayong paglingkuran! πŸ’›

Ingat lagi, Rosario! πŸ™Œ

Paano ba talaga natutulungan ang mga bata at maunawaan ang kanilang mga emosyon?Alamin natin ito sa IPLA Episode: β€œDoc, ...
18/08/2026

Paano ba talaga natutulungan ang mga bata at maunawaan ang kanilang mga emosyon?

Alamin natin ito sa IPLA Episode: β€œDoc, okay ba ’to? Usapang Development ng mga Bata” habang pinag-uusapan natin ang co-regulation at emotional development ng mga bata at kung paano naging anchor ang calm energy ng magulang para sa kanilang anak.

πŸ“… August 22, 2026 (Sabado)
⏰ 9:00 AM

πŸ‘‰ Libreng magpa-register: πŸ”— https://bit.ly/usapangdevelopment

Sali po tayo! πŸ’›

Doc, normal ba 'to? Bakit tuwing gutom o pagod siya, nagwawala agad? πŸ˜€πŸ§˜β€β™€οΈπŸ’¬

Nahihirapan ka bang i-handle ang tantrums ng anak mo kapag hindi nasusunod ang gusto nila?🀯

Pakiramdam mo ba ay nauubusan ka na rin ng pasensya at nakikipagsabayan ka na sa galit nila? 🌊🫣

Paano tutulungan ang bata na kumalma gamit ang sarili mong composure? πŸ’†πŸ»β€β™‚οΈβœ¨

Before children can learn to regulate their own emotions, they need us to help them navigate those overwhelming feelings. This is what we call co-regulation!

Join us for this IPLA Episode β€œDoc, okay ba β€˜to? Usapang Development ng mga Bata” as we explore why some kids have big emotions when tired or over overstimulated, and how your calm energy acts as an anchor for your child’s emotional growth.

πŸ“… SAVE THE DATE: August 22, 2026 (Saturday)
⏰ TIME: 9:00 AM

πŸ‘‰ REGISTER NOW FOR FREE TO SECURE YOUR SLOT:
πŸ”—https://bit.ly/usapangdevelopment

18/08/2026

πŸ’‰ Bakuna, laban sa sakit! Tuwing Miyerkules, bukas ang Rosario Super Health Center para sa bakuna ng mga bata πŸ‘Ά

Patuloy nating protektahan ang ating mga anak dahil ang bakuna ay isa sa pinakamabisang paraan para maiwasan ang malalang sakit.

πŸ—“οΈ Bukas ito tuwing Miyerkules nang umaga, para sa mga residente ng Barangay Rosario, Pasig
πŸ“ Rosario Super Health Center, Dr. Sixto Antonio Avenue, Rosario, Pasig

Magandang araw, Rosario! 🌟 Narito ang mga espesyalistang available ngayong linggo sa Rosario Super Health Center πŸ‘‡πŸ—“οΈ Lun...
17/08/2026

Magandang araw, Rosario! 🌟 Narito ang mga espesyalistang available ngayong linggo sa Rosario Super Health Center πŸ‘‡

πŸ—“οΈ Lunes (Aug 17): Surgery
πŸ—“οΈ Martes (Aug 18): Pediatrics
πŸ—“οΈ Miyerkules (Aug 19): Ophthalmology
πŸ—“οΈ Huwebes (Aug 20): OB-Gyne

πŸ₯ Libreng konsulta, 1:00 PM – 5:00 PM. Bukas sa mga residente ng Barangay Rosario, Pasig.

πŸ“² I-message ang aming page para magpalista ng schedule

Address

Rosario Super Health Center (TB DOTS), 101 Dr Sixto Antonio Avenue Pasig Metro Manila
Pasig
1609

Opening Hours

Monday 1pm - 5pm
Tuesday 1pm - 5pm
Wednesday 1pm - 5pm
Thursday 1pm - 5pm
Friday 1pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ateneo Doctors in Rosario Super Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share