RizalMed - Toxicology Center

Directions Website Contact the practice

RizalMed - Toxicology Center Welcome to the Rizal Med Toxicology Center!

Poison Information Service is available Monday to Friday (except on holidays, weekends, and official work suspension days), from 7:00 AM to 4:00 PM:
📞 0994-484-1292 | 8865-8400 loc 224

09/08/2026

📣 PABATID:

Usapang AlerTOX ngayong tag-ulan mga ka-RizalMed ‼️

Protektahan ang sarili. Uminom lamang ng gamot ayon sa payo ng doktor. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa gamot na Doxycycline.

💊 Ang DOXYCYCLINE ay isang antibiotic na ginagamit laban sa impeksyong dulot ng bacteria.

🚨 Ang mga sumusunod ay gabay sa tamang pag-inom ng Doxycycline:
✅ Magpakonsulta sa doktor at Inumin ang gamot ayon sa reseta.
✅ Inumin ang niresetang gamot sa tamang oras at tamang dami.
✅ Inumin kasama ng isang basong tubig o maaaring sabayan ng pagkain upang maiwasan ang pagsakit ng tiyan.
✅ Siguraduhing sundin at tapusin ang gamutan sa takdang araw na inireseta ng doktor.

🚨 Maaring magdulot ng posibleng Side Effects ang pag-inom ng gamot na ito tulad ng:
📌 Pagsusuka
📌 Pamamantal o pamumula ng balat
📌 Pagsakit ng tiyan
📌 Pagtatae

🚨 Kung sakaling magka-overdose o Emergency sa pag-inom ng gamot na Doxycycline, narito ang mga dapat gawin:
✅ Huwag mag-panic.
✅ Agad na tumawag sa pinakamalapit na ospital o Toxicology Center hotline para sa payong propesyonal at tamang impormasyon sa kalusugan.

Alamin, mag-ingat, at maging ligtas ‼️

🚨 Para sa karagdagang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
📞 RizalMed Trunkline: (02) 8865-8400
📞 ToxCen (Poison Information Service) Hotline: (02) 8865-8400 local 224 / +63 994 484 1292 (Office Hours)


PABATID📢
05/08/2026

PABATID📢

01/07/2026

🧪🚨 Wrapping up our National Poison Prevention Week 2026 with a Chemical Emergency Preparedness Practice through the setup of our Portable Decontamination Tent.

Ang pagiging handa ay mahalaga sa pagprotekta ng ating komunidad laban sa chemical emergencies at poisoning incidents. Sa pamamagitan ng regular na training at preparedness activities, mas napapalakas natin ang ating kakayahang magbigay ng mabilis, ligtas, at epektibong response kapag may emergency.





🧪🚨 Wrapping up our National Poison Prevention Week 2026 with a Chemical Emergency Preparedness Practice through the setu...
01/07/2026

🧪🚨 Wrapping up our National Poison Prevention Week 2026 with a Chemical Emergency Preparedness Practice through the setup of our Portable Decontamination Tent.

Ang pagiging handa ay mahalaga sa pagprotekta ng ating komunidad laban sa chemical emergencies at poisoning incidents. Sa pamamagitan ng regular na training at preparedness activities, mas napapalakas natin ang ating kakayahang magbigay ng mabilis, ligtas, at epektibong response kapag may emergency.





01/07/2026

⚠️𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 ⚠️

Alinsunod sa 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝟏𝟐𝟎𝟔𝟐: 𝐀𝐍 𝐀𝐂𝐓 𝐃𝐄𝐂𝐋𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐉𝐔𝐋𝐘 𝟐 𝐎𝐅 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐘𝐄𝐀𝐑 𝐀 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐍𝐎𝐍𝐖𝐎𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐘 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐓𝐎 𝐁𝐄 𝐊𝐍𝐎𝐖𝐍 𝐀𝐒 𝐓𝐇𝐄 "𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆", idineklara ang Hulyo 02 ng bawat taon bilang isang 𝐍𝐎𝐍-𝐖𝐎𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐋𝐈𝐃𝐀𝐘 sa 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘.

Kaugnay nito, 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐃𝐎 ang trabaho sa 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀 at 𝐎𝐔𝐓-𝐏𝐀𝐓𝐈𝐄𝐍𝐓 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 (𝐎𝐏𝐃) ng RizalMed sa 𝐇𝐔𝐖𝐄𝐁𝐄𝐒, 𝐢𝐤𝐚-𝟎𝟐 𝐧𝐠 𝐇𝐔𝐋𝐘𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔 bilang paggunita sa nasabing okasyon.

Isang 𝐒𝐊𝐄𝐋𝐄𝐓𝐎𝐍 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐅𝐎𝐑𝐂𝐄 ang ipapatupad para sa mga opisina/yunit na naatasang magbigay ng 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐨 𝐅𝐑𝐎𝐍𝐓𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒. Ang aming OB Emergency at Main Emergency Room (ER) ay mananatiling
𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒/𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝟐𝟒/𝟕.

Para sa kaalaman at gabay ng lahat.


🚨 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK 2026 🚨📅 Hunyo 22–28, 2026Tema: “Clicks, Trends and Consequences: Preventing Poisoning ...
26/06/2026

🚨 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK 2026 🚨
📅 Hunyo 22–28, 2026

Tema: “Clicks, Trends and Consequences: Preventing Poisoning in the Digital Age”

Sa mabilis na paglaganap ng impormasyon sa internet at social media, mahalagang maging responsable at mapanuri sa mga nakikita, binabasa, at ginagayang online. Kasabay ng pag-usbong ng digital age ay ang pangangailangang palakasin ang kamalayan sa pag-iwas sa pagkalason sa tahanan at komunidad.

⚠️ Isa sa mga pangunahing sanhi ng aksidenteng pagkalason ay ang hindi wastong pag-iimbak ng mga gamot, kemikal, panlinis, at iba pang mapanganib na produkto sa bahay.
👶 Ang mga bata ay likas na mausisa at maaaring mapagkamalan ang mga produktong ito bilang pagkain o inumin kapag naabot nila ang mga ito.

✅ Mga Mahahalagang Paalala:
🔒 Itago ang mga gamot, kemikal, at panlinis sa ligtas at nakakandadong lugar.
🏷️ Panatilihin ang tamang etiketa ng lahat ng produkto.
📚 Basahin at sundin ang mga tagubilin at babala bago gamitin.
👀 Bantayang mabuti ang mga bata at huwag iwanang nakabukas ang mga mapanganib na produkto.
📞 Tumawag agad sa Poison Control Center o pinakamalapit na health facility kung may hinihinalang pagkalason.

💡 Tandaan:
"Isara. Lagyan ng etiketa. Itago nang ligtas."

Ang simpleng pag-iingat ngayon ay makatutulong upang maiwasan ang malubhang aksidente bukas.

🛡️ Maging Impormado. Maging Alerto. Maging Ligtas.






🚨 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK 2026 🚨📅 Hunyo 22–28, 2026Tema: “Clicks, Trends and Consequences: Preventing Poisoning ...
26/06/2026

🚨 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK 2026 🚨
📅 Hunyo 22–28, 2026

Tema: “Clicks, Trends and Consequences: Preventing Poisoning in the Digital Age”

Sa panahon ng social media at online trends, mahalagang maging mapanuri at responsable sa bawat impormasyong ating nakikita at sinusunod. Ang isang maling “click,” mapanganib na trend, o hindi wastong paggamit ng kemikal at mga produkto ay maaaring magdulot ng pagkalason, malubhang pinsala, o maging banta sa buhay.

⚠️ Ngayong National Poison Prevention Week, ating pagtuunan ng pansin ang panganib ng “Aesthetic Decanting” o paglilipat ng mga kemikal at produktong pangbahay sa ibang lalagyan na walang tamang label.

❗ Ang mga produktong tulad ng:
• Hand sanitizer
• Serum at cosmetic products
• Pabango
• Skin care products
• Mga panlinis at iba pang kemikal

kapag nailipat sa hindi tamang lalagyan o nawalan ng label ay maaaring mapagkamalang pagkain o inumin at magdulot ng aksidenteng pagkalason.

✅ Mga Dapat Tandaan:
🔍 Suriin ang produkto bago gamitin.
🔒 Itago ang mga kemikal at gamot sa ligtas na lugar.
🏷️ Basahin at panatilihin ang tamang label.
📞 Humingi agad ng tulong medikal o tumawag sa Poison Control Center kung may pinaghihinalaang pagkalason.

💡 Tandaan:
"Peke ang itsura. Maling label. Totoong delikado. Totoong buhay ang naliligtas kapag tayo ay maingat."

🛡️ Maging mapanuri. Maging alerto. Maging ligtas.






Isang matagumpay na Wellness Wednesday Session ang naganap nung June 24, 2026 sa pagtutulungan ng Toxicology Center at F...
25/06/2026

Isang matagumpay na Wellness Wednesday Session ang naganap nung June 24, 2026 sa pagtutulungan ng Toxicology Center at Family and Community Medicine.

Ang Wellness Wednesday session na nagsimula sa isang energizing 15-minute dance exercise, na sinundan ng informative talk on "Substance Abuse in the Workplace mula sa Toxicology Center.

Ang activity ay nagbigay ng awareness tungkol sa epekto ng substance abuse sa kalusugan, kaligtasan, at productivity sa workplace, habang hinihikayat ang lahat na magkaroon ng healthy lifestyle at positive work environment.

Let's continue promoting a healthier, safer, and drug-free workplace for everyone! 💪✨







🚨 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK 2026📅 Hunyo 22–28, 2026Tema: "Clicks, Trends and Consequences: Preventing Poisoning in...
25/06/2026

🚨 NATIONAL POISON PREVENTION WEEK 2026
📅 Hunyo 22–28, 2026

Tema: "Clicks, Trends and Consequences: Preventing Poisoning in the Digital Age"

Sa pag-usbong ng online shopping at digital marketplaces, mas madali nang makabili ng iba't ibang health products, supplements, at mga produktong pangkalusugan.
Ngunit kasabay nito ang panganib ng pagbili ng hindi rehistrado, peke, kontaminado, o mapanganib na mga produkto na maaaring magdulot ng malubhang epekto sa kalusugan.

⚠️ Hindi lahat ng ibinebenta online ay ligtas, aprubado, o epektibo.

Maraming produkto ang gumagamit ng mga salitang:
❌ “Miracle Cure”
❌ “100% Natural”
❌ “Instant Detox”
❌ “Mabilis ang Resulta”

upang makahikayat ng mamimili kahit walang sapat na siyentipikong ebidensya o awtorisasyon mula sa mga kinauukulang ahensya.

💊 Ang paggamit ng mga hindi reguladong supplements at health products ay maaaring magdulot ng:
⚠️ Pagkalason o adverse reactions
⚠️ Paglala ng kasalukuyang karamdaman
⚠️ Pakikipag-ugnayan sa ibang iniinom na gamot (drug interactions)
⚠️ Pagkakaroon ng pekeng, expired, o kontaminadong produkto

✅ Mga Paalala sa Ligtas na Online Shopping:
🔍 Magsaliksik at beripikahin ang produkto bago bumili.
🏢 Bumili lamang mula sa lehitimo at mapagkakatiwalaang nagbebenta.
🏷️ Basahin ang label, sangkap, at mga babala ng produkto.
👶 Itago ang mga gamot at supplements sa hindi maaabot ng mga bata.
👩‍⚕️ Kumonsulta sa healthcare professional bago uminom ng anumang supplement o health product.
📞 Tumawag agad sa Poison Control Center kung may hinihinalang pagkalason.

💡 Tandaan:
"Hindi aprubado. Hindi ligtas. Hindi sulit ang pera."

Sa digital age, hindi sapat na popular o viral ang isang produkto. Ang kaligtasan ay nagsisimula sa tamang impormasyon at responsableng pagpili.

🛡️ Maging mapanuri. Maging alerto. Maging ligtas.






Address

Pasig Boulevard
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RizalMed - Toxicology Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RizalMed - Toxicology Center:

Shortcuts

Share