13/10/2025
October 7, 2025 - Sa pagdiriwang ng National Myopa Consciousness Week, ang PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) Pasig ay nagbigay kaalaman tungkol sa PhilHealth Yaman ng Kalusugan Program o PhilHealth YAKAP at ang PhilHealth Benefit Package for Optometric Services for Children (PhilHealth Circular 2025-0002) na may edad 0 hanggang 15. Ito ay isinagawa sa Rosario Elementary School, Pasig City sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Integrated Philippine Association of Optometrists (IPAO) at Pasig City Health Department.
Ang National Myopia Consciousness Week ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre, ayon sa pagdeklara ng Presidential Proclamation No. 643, na naglalayong itaas ang kamalayan tungkol sa myopia, o pagkaduling na nangangailangan ng salamin.
Sa pagtutulungan ng ocular optometric association, tulad ng IPAO kasama ang Nasyonal at Lokal na Pamahalaan ay isinusulong ang pag-alam, pag-iwas, at pamamahala sa karamdamang ito, lalo na sa mga bata sa Lungsod ng Pasig.