Doc Yani Pediatric Clinic

Directions

Doc Yani Pediatric Clinic Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Doc Yani Pediatric Clinic, Medical and health, Guevarra Street San Vicente, Camarines Sur, Pili.

28/09/2026
Good day! 🥰
27/09/2026

Good day! 🥰

Thank you to the Local Government of Pili and  Pili Rural Health Unit for inviting me to be your Guest Speaker for the c...
17/09/2026

Thank you to the Local Government of Pili and Pili Rural Health Unit for inviting me to be your Guest Speaker for the celebration of the Breastfeeding Congress. 🤱🏻

It was truly an honor and privilege to share my knowledge and passion about breastfeeding, maternal health, and the importance of giving every child the best start in life.

I sincerely hope that my message and lecture were able to inspire, educate, and make a meaningful impact in our community—especially among our mothers, fathers, families, and healthcare workers who play an important role in supporting breastfeeding.

Thank you for allowing me to be part of this meaningful celebration.

Together, let us continue to protect, promote, and support breastfeeding for healthier mothers, healthier children, and a healthier community. 🤱🏻💗

Please take time to read.. 📣🦟
11/09/2026

Please take time to read.. 📣🦟

📣📣Full capacity na po ang Pedia BMC due to Dengue Cases.
11/09/2026

📣📣

Full capacity na po ang Pedia BMC due to Dengue Cases.

UMUUNLAD BA ANG DEVELOPMENT NG IYONG BABY?Bawat ngiti, tunog, galaw, at pakikipag-interact ay mahalagang bahagi ng pagla...
03/09/2026

UMUUNLAD BA ANG DEVELOPMENT NG IYONG BABY?

Bawat ngiti, tunog, galaw, at pakikipag-interact ay mahalagang bahagi ng paglaki ng iyong anak.

Mula sa pag-roll, pag-upo, pag-crawl, pagba-babble, pagturo, hanggang sa unang hakbang—bawat milestone ay dapat bantayan at ipagdiwang!

📌 I-save at i-share ang guide na ito para may simpleng reference sina Mommy at Daddy. 💗

Tandaan: Iba-iba ang bilis ng bawat bata, pero bawat milestone ay mahalaga. 🌈👶

“Hindi kailangang mag-away dahil sa bakuna. ❤️Bilang pediatrician, naiintindihan ko ang pag-aalala ng bawat magulang. An...
26/08/2026

“Hindi kailangang mag-away dahil sa bakuna. ❤️

Bilang pediatrician, naiintindihan ko ang pag-aalala ng bawat magulang. Ang pagtatanong ay hindi pagiging ‘anti-vaccine’—ito ay pagiging isang magulang na gustong makasiguro.

Makinig tayo sa concerns ng isa’t isa. Magtanong. Alamin ang tamang impormasyon. Kumonsulta sa pediatrician, RHU doctor, or other healthcare professionals.

Sa measles, rubella, at iba pang vaccine-preventable diseases, prevention is always better than cure.

Hindi natin kailangang matakot sa pagtatanong.
Mas dapat tayong matakot sa impormasyong hindi nasusuri.

Ang goal natin ay hindi ang manalo sa argumento.

Ang goal natin ay maprotektahan ang ating mga anak. ❤️

Your Pediatrician,
Doc Yani ❤️

Para sa lahat ng mga Nanay, Tatay, at Guardians sa Bula, Camarines Sur nandito po ako sa centro ng Bula Rural Health Uni...
26/08/2026

Para sa lahat ng mga Nanay, Tatay, at Guardians sa Bula, Camarines Sur nandito po ako sa centro ng Bula Rural Health Unit para maki isa sa programa ng DOH.

Nandito po ako sa bula hanggang 11am, kaya punta na po kayo para sa libre check up bago magpa bakuna. 🥰

Mga mahal naming magulang, hinihikayat po namin ang lahat na ipabakuna ang inyong mga anak laban sa tigdas at rubella (MR) bilang bahagi ng MR Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Ang tigdas ay isang lubhang nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, lalo na sa mga bata. Ang bakuna ang isa sa pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang ating mga anak at makatulong na maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ating komunidad.

💉 Bakit mahalaga ang MR vaccine?
❤️ Pinoprotektahan ang inyong anak laban sa tigdas at rubella
❤️ Nakakatulong na maiwasan ang malubhang komplikasyon ng tigdas
❤️ Nakakatulong na maprotektahan ang mga sanggol at ibang batang hindi pa maaaring mabakunahan
❤️ Kapag mas maraming bata ang protektado, mas ligtas ang buong komunidad

Huwag po tayong matakot magpabakuna. Normal lamang ang ilang banayad na reaksyon pagkatapos ng bakuna, tulad ng pananakit sa lugar ng turok o bahagyang lagnat, at karaniwan itong panandalian.

🙏 At higit sa lahat, huwag basta maniwala sa mga nakikita o nababasa sa social media. Maraming impormasyon online ang hindi galing sa doktor, eksperto, o mapagkakatiwalaang health authorities.

Kung may mga tanong o agam-agam tungkol sa bakuna, magtanong po tayo sa inyong pediatrician, doktor, nurse, o health center. Mas mabuting magkaroon ng tamang impormasyon kaysa matakot dahil sa maling impormasyon.

Para sa kaligtasan ng ating mga anak at buong komunidad ng Bula, makiisa tayo sa MR SIA. ❤️

Magpabakuna. Magtanong. Maging protektado.

Address

Guevarra Street San Vicente, Camarines Sur
Pili
4418

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Yani Pediatric Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share