31/07/2026
🦠 Rabies Awareness: Alamin, Agapan, Iwasan! 🐶
Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit, ngunit 100% itong maiiwasan kung maagapan. Kapag nakagat o nakalmot ng a*o, pusa, o anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies, hugasan agad ang sugat ng sabon at dumadaloy na tubig sa loob ng 15 minuto at magtungo kaagad sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC) para sa tamang bakuna.
Huwag balewalain ang anumang kagat o kalmot. Ang mabilis na aksyon ay makapagliligtas ng buhay.