Ranzo Barangay Health Center

Ranzo Barangay Health Center This PAGE was created to UPDATE our COMMUNITY about HEALTH and AVAIL different HEALTHCARE ACTIVITIES/ SERVICES in our BARANGAY HEALTH STATION.

Adopt a Child: Nourish to Flourish Program ng Barangay Ranzo 🌱🌸🌻Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malusog na kinab...
18/04/2026

Adopt a Child: Nourish to Flourish Program ng Barangay Ranzo 🌱🌸🌻

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan ang isinakatuparan ng Barangay Ranzo sa pamamagitan ng Adopt a Child: Nourish to Flourish Program, isang community-based supplemental feeding program na nagsimula noong March 9, 2026.

Sa pangunguna ng mga aktibong miyembro ng BHB at BNC, naging posible ang programang ito na may layuning matulungan ang mga batang may malnutrisyon. Higit sa lahat, tunay na kahanga-hanga ang naging papel ng komunidad—mula sa kanila nanggagaling ang araw-araw na “breakfast” para sa apat na batang benepisyaryo.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon at kooperasyon ng mga magulang na patuloy na sumusuporta at nakikiisa sa layunin ng programa.

Sa kasalukuyan, nasa ika-6 na linggo na ang implementasyon nito, at patuloy ang gabay at suporta mula kina Assigned BNS Cherelyn De Ramos, Kosehala ng Kalusugan Cecilia Sapallo, at ng masisipag na BHWs upang matiyak ang maayos na kalagayan at pag-unlad ng mga bata.

Ang programang ito ay patunay na kapag ang komunidad ay nagtutulungan, mas nagiging posible ang pagbabago—mula sa simpleng pagkain, nabubuo ang mas matibay na kinabukasan.

💚 Sama-sama para sa kalusugan ng kabataan!

“Sa mga nais pong mag sponsor ay mamari po kayong lumapit sa ating BNS Cherelyn De Ramos para ma schedule po ang inyong pag-papakain sa atingmga bata”





Kamusta mga Ka-Barangay!!Nag karoon ng 2nd Quarter Meeting noon Abril13, 2026 ang mga Miyembro ng Baranga Health Board a...
16/04/2026

Kamusta mga Ka-Barangay!!

Nag karoon ng 2nd Quarter Meeting noon Abril
13, 2026 ang mga Miyembro ng Baranga Health Board at Barangay Nutrition Council para i-discuss ang mga pangunahing actibidad na may kinalaman sa kalusuga at nutrition. Dumalo sa pagpupulong ang ating kagalang galang na Barangay Captain Hon. Arnel F. Nambio, Konsehala Cecilia F. Sapallo, ang ating assigned BNS Cherelyn De Ramos, ang assigned nurse Ardrian Carl “Sir Adi” M Valdez at ibat ibag sector ng ating Baarangay katulad ng Senior Citizens, BFARMC, SMR, SKR, 4P’s, Ranzo Elem, Ranzo NHS, SK, at Religious Group.

Maraming Salamat po sa inyong pagdalo at pag suporta sa lahat ng mga gawaaing pngkalusugan sa ating barangay!! 😊

17/10/2025

Chem 10 available na po sa ating Municipal Health Office of Pinamalayan

Address

Pinamalayan
5208

Telephone

+639666346100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ranzo Barangay Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share