Anunggamot.com

Anunggamot.com Anunggamot.com can help you to solve your problems in your decease! So what are you waiting for? Visit Us At: Anunggamot.com for more info!

28/05/2025
Ang tsaang gubat ay isang maliit na halaman na may matigas na mga sanga at mga dahon na naka-kumpol kung tumubo. May bun...
13/04/2021

Ang tsaang gubat ay isang maliit na halaman na may matigas na mga sanga at mga dahon na naka-kumpol kung tumubo. May bunga na maliliit at hugis bilog at kulay p**a kung hinog. Karaniwang tumutubo sa mga lugar sa hilagang Luzon, partikular sa mga isla ng Batanes. Ang mga dahon nito ay karaniwang ginagawang inuming tsaa.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Tsaang Gubat?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tsaang gubat ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Taglay ng halaman ang alkaloids, flavonoids, glycosides, tannins, terpenoids, at saponins.
Ang dahon ay mayroon ding triterpenes, namely a-amyrin, b-amyrin, at baurenol

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

Dahon. Ang dahon ang karaniwang ginagamit na bahagi ng halaman sa panggagamot. Ito’y karaniwang nilalaga at iniinom bilang tsaa.
Ugat. Ang ugat ay maaari ding ilaga upang mainom at makagamot.
Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Tsaang Gubat?

1. Ubo. Makatutulong ang pag-inom sa tsaa ng halamang ito sa pagpapahupa ng tuloy-tuloy na pag-uubo.

2. Pagtatae. Mabisa rin para sa kondisyon ng pagtatae ang pag-inom sa tsaa ng tsaang gubat. Maaaring tadtarin ang sariwang dahon at saka ilaga sa kumukulong tubig, iniinom ito ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw upang mawala ang sintomas ng pagtatae.

3. Pagkakalason mula sa halaman. Maaaring ipainom sa taong nalason ng kinaing halaman ang pinaglagaan ng ugat ng tsaang gubat.

4. Diabetes. Dapat inumin nang regular ang pinaglagaan ng dahon at ugat ng tsaang gubat upang makontrol ang lebel ng asukal sa dugo sa taong may sakit na diabetes.

5. Pananakit sa sikmura. Mahusay din na panglunas sa kondisyon ng pananakit sa sikmura ang palagiang pag-inom sa tsaa ng tsaang gubat.

HALAMANG GAMOT: AMPALAYAKAALAMAN TUNGKOL SA AMPALAYA BILANG HALAMANG GAMOTScientific name: Mormodica balsamina Blanco; M...
06/04/2021

HALAMANG GAMOT: AMPALAYA
KAALAMAN TUNGKOL SA AMPALAYA BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Mormodica balsamina Blanco; Momordica charantia Linn

Common name: Ampalaya (Tagalog), Bitter Melon o Bitter Gourd (Ingles)

Ang ampalaya ay karaniwang gulay na nakikita sa hapag ng mga Pilipino. Ito ay kilalang-kilala dahil sa kulubot at mapait nitong bunga. Ang dahon din ay ginagamit na sangkap sa ilang mga lutuin. Tumutubo ito sa maraming lugar sa Pilipinas at sa mga bansang nasa rehiyong tropiko.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA AMPALAYA?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang ampalaya ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Kilalang taglay ng halamang ito ang ilang mga kemikal gaya ng alkaloids, glycosides, aglycone, tannin, sterol, phenol at protein.
Ang mga dahon at bunga ay may taglay na momordicin, ang kemikal na nagdadala ng mapait na lasa sa ampalaya.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon ay kadalasang kinakatasan o kaya ay nilalaga upang ipang-gamot.
Bunga. Ang katas ng berdeng bunga ng ampalaya ay karaniwang ginagamit na panggamot sa maraming uri ng karamdaman. Maaari itong durugin at gawing inumin o kaya ay kainin mismo ang bunga bilang gulay.
Ugat. Ang ugat ay kadalasang pinakukuluan at pinapainom din upang ipanggamot.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG AMPALAYA?

Ayon sa mga pag-aaral at nakagawian ng ilan, ang ilan sa mga sakit na maaaring malunasan sa pamamagitan ng paggamit sa halamang ampalaya ay ang sumusunod:

1. Pananakit sa katawan. Ang pag-inom sa katas ng dahon ampalaya ay sinasabing may epektong analgesic o nakapagpapawala ng pananakit sa katawan.

2. Pamamaga o pamamanas. May kakayahan din daw ang katas ng dahon ng ampalaya na alisin ang pamamanas o pamamaga sa katawan.

3. Diabetes. Ang katas mula sa dahon at bunga ng ampalaya ay may malaking tulong daw sa pagsasaayos ng lebel ng asukal sa katawan lalo na sa mga may sakit na diabetes. Ang bunga rin ay tumutulong sa pagpapalakas ng produksyon ng insulin sa pancreas o lapay.

4. Ulcer. Nakatutulong din daw sa mas mabilis na pagpapagaling ng ulcer sa sikmura ang pag-inom ng katas ng dahon ng ampalaya.

5. Sobrang timbang. Sinasabing ang katas mula sa bunga ng ampalaya ay makatutulong daw sa pagbabawas ng sobrang timbang at bilbil sa katawan.

6. Dengue. Ang katas ng dahon ng ampalaya ay maaaring makapagpabuti sa pakiramdam ng taong may sakit na dengue.

7. Impeksyon ng fungi. May ilang pag-aaral ang nagsasabing may epekto ang pag-inom at pagpahid ng katas ng ampalaya sa bahagi ng katawan na apektado ng impeksyon ng fungi.

8. Pagtatae o disinterya. Ang pinaglagaan ng dahon ng ampalaya ay karaniwang ginagamit bilang gamot sa pagtatae o disinterya.

9. Pagtatagihawat. Ang pinaglagaan ng ugat ng ampalaya o kaya ay pinaglagaan ng dahon ng ampalaya ay makatutulong daw sa pagbabawas ng tagihawat sa katawan.

10. Impeksyon ng bulate. Ang katas ng mismong prutas ay makatutulong upang tanggalin ang mga bulateng naninirahan sa sikmura.

http://kalusugan.ph/halamang-gamot-ampalaya/

Ang warts o kulugo ay sanhi ng human papillomavirus (HPV). Mayroong higit kumulang 60 na uri ng HPV, ang ilan ay nagdudu...
30/03/2021

Ang warts o kulugo ay sanhi ng human papillomavirus (HPV). Mayroong higit kumulang 60 na uri ng HPV, ang ilan ay nagdudulot ng kulugo sa balat.

Ang HPV ay nagdudulot ng mabilis na tubo ng cells sa outer layer ng balat. Karamihan sa mga kaso ng common warts ay makikita sa mga daliri, paligid ng kuko, o sa kamay.

May ilang uri rin ng HPV na nagdudulot ng kulugo sa may ge***al area. Bagama’t ito’y kadalasang hindi delikado at maraming options ng gamot sa kulugo, nakakahiya pa rin na magkaroon nito dahil ito’y panget, at nakakahawa.

Ano-ano ang mga uri ng kulugo?
Mayroong anim na pangunahing uri ng kulugo. Ang bawat isa ay nagkakaiba-iba depende sa itsura nito at kung saan ito matatagpuan.

a. Common Warts – Ang common warts ay madalas tumutubo sa mga kuko ng kamay at paa ngunit, maari rin matagpuan sa iba pang bahagi ng katawan. Ito ay mayroong rough at grainy na itsura at bilog ang taas. Ang mga common warts ay mas kulay gray kumpara sa balat na nakapalibot dito.

b. Plantar Warts – Ang Plantar Warts ay tumutubo sa talampakan. Kumpara sa ibang uri ng kulugo, ang Plantar warts ay tumutubo paloob ng balat, hindi palabas. Malalaman mo na ikaw ay may plantar wart kung mapapansin mo na may maliit na butas sa ilalim ng iyong paa na napapalibutan ng matigas na balat. Maaring maging uncomfortable ang iyong paglalakad kung ikaw ay may Plantar Warts.

c. Flat warts – Ang flat warts ay kadalasan tumutubo sa mukha, balakang, at mga braso. Ito ay maliliit at hindi madaling makita. Ang flat warts ay may flat rin na tuktok na tila ba parang tinuklap. Maari itong kulay pink, brownish, o kaya ay slightly yellow.

d. Filiform warts – Ang Filiform wartdbay tumutubo sa paligid ng bibig o ilong. Ito ay maliliit at may hugis na parang tiny flap o tag ng balat. Ito ay pareho sa kulay ng iyong balat.

e. Periungual warts – Ang Periungual warts ay tumutubo sa ilalim o pagitan ng kuko sa kamay at paa. Ito ay masakit at maaring makaapekto sa tubo ng iyong kuko.

f. Ge***al warts – Ang Ge***al warts ay matatagpuan sa may p***c area, ge***als, at sa loob at paligid ng a**s at va**na. Ito ay kulay pink o p**a na maihahalintulad sa maliliit na cauliflower kaya hindi madaling mapansin. Karaniwan itong makikita ng kumpol ng tatlo o apat at mabilis itong kumalat. Madalas hindi ito masakit ngunit, makati at maaring magdugo kapag kinamot. Ang HPV infection ang pinakakaraniwang sexually transmitted disease sa North America at isa sa mga uri ng virus na maaring magdulot ng cervical cancer.

Gamot sa kulugo: Ano ang mga home remedies para sa kulugo?

1. Apple Cider Vinegar – Ang Apple Cider Vinegar ay gumagana katulad ng salicylic acid. Ang Salicylic acid ay karaniwang wart treatment na nagtutuklap sa infected na bahagi ng balat. Ang Vinegar ay mayroon din natural na antimicrobial properties na maaring makatulong sa HPV.

Upang subukan ang remedy na ito, haluin ang 2 kutsarang ACV at 1 kutsarang tubig. Gumamit ng bulak at ilagay ito sa kulugo. Takpan ng bandage. Iwanan ito sa loob ng tatlo hanggang apat na oras.

Tandaan na laging ihalo ang Apple Cider Vinegar sa tubig dahil ang acidity nito ay maaring magdulot ng iritasyon at chemical burns. Huwag din ito i-apply sa mga bukas na sugat.

2. Pinya – Ang Pineapple ay may bromelain, isang mixture ng enzymes na nagdi-digest ng proteins. Pinaniniwalaan na ang bromelain at nagtatanggal ng kulugo sa pamimigitan ng pag-digest ng protina ng HPV. Bagama’t may ilang pag-aaral ang nagpapatunay sa pagiging epektibo ng bromelain sa paggamot ng ilang medical conditions, wala pang direktang nagsusuporta sa abilidad nito na magtanggal ng kulugo.

Maraming paraan upang gamitin ang pinya bilang gamot sa kulugo. Ang unang paraan ay ibabad ang kulugo sa pineapple juice araw-araw. At ang pangalawang technique ay derechong ipahid ang pinya araw-araw.

h. Patatas – Marami ang nagsasabi na ang potato juice ay nakaka-dehydrate raw ng kulugo ngunit, wala pang pag-aaral ang magpapatunay rito.

Upang subukan ang gamot sa kulugo na ito, hatiin ang maliit na patatas sa dalawa. Ipahid ito sa kulugo hanggang tuluyan itong mabalot sa potato juice. Ulitin ito ng dalawang beses sa isang araw.

3. Bawang – Upang gamutin ang kulugo gamit ang bawang, dikdikin ang isang pirasong bawang at ihalo ito sa tubig. Ilagay ito sa kulugo at balutan ng bandage. Ulitin ito araw-araw sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo. Maari mo rin subukan na lagyan ito ng garlic juice o hindi kaya ay derechong ipahid ang bawang sa kulugo.

Ano ang mabisang gamot sa kulugo?
Kung hindi pa rin gumana ang home remedies na iyong sinubukan, magandang pumunta na sa doctor upang magpakonsulta. Tandaan, regular na magpatingin sa doctor kung ikaw ay may diabetes at warts sa paa.

4. Freezing treatments – Ang mga over-the-counter treatments ay nagi-ispray ng concentrated cold air (pinaghalong dimethyl ether at propane) sa kulugo. Pinapatay nito ang balat upang makayod mo ang paligid ng kulugo. Ang ganitong uri ng treatment ay magandang option upang matanggal agad ang kulugo ngunit, hindi ito epektibong gamot sa lahat ng uri nito.

5. Salicylic acid – Isa pang over-the-counter treatment na maaring mabili sa gel, ointment, o pads. Ang salicylic acid ay nakakatulong upang malusaw ang wart tissue. Ang prosesong ito ay maaring abutin ng ilang linggo.

6. Liquid nitrogen – Maaring i-freeze ng doctor ang iyong kulugo gamit ang liquid nitrogen. Ito ay masakit ngunit, mabisang gamot sa kulugo. Nangangailangan ng higit sa isang treatment upang masiguradong tuluyang nawala ang kulugo. Ang freezing ay nagdudulot ng blister formation sa ilalim at paligid ng kulugo. Ang blister na ito ang mag-aangat ng kulugo palayo sa balat pagkalipas ng isang linggo.

7. Laser treatment– Sinusunog ng pulsed-dye laser treatment and maliliit na blood vessels, dahilan upang ang infected tissue ay kalaunang mamatay at mahulog ang mga kulugo. Ang paraan nito ay masakit at maaring magpeklat.

8. Operasyon para tanggalin ang kulugo – Ang pagsasailalim sa operasyon ang pinakahuling option na maaring gawin kung hindi pa rin tumutugon ang iyong balat sa iba pang naunang treatments. Hihiwain ng iyong doctor ang kulugo gamit ang surgical knife o hindi kaya ay susunugin ito gamit ang kuryente. Ikaw ay tuturukan muna ng anaesthesia ngunit, masakit din ang mismong turok na ito. Ang operasyon ay maari rin mag-iwan ng peklat.

Ang makabuhay ay isang gumagapang na halaman na maaaring may taas na 4 hanggang 10 metro. Ang mga sanga ay kilala sa pag...
25/03/2021

Ang makabuhay ay isang gumagapang na halaman na maaaring may taas na 4 hanggang 10 metro. Ang mga sanga ay kilala sa pagkakaroon ng umbok-umbok, at may dahon ito na hugis puso. May bulaklak din ito na kulay berde at ang mga bunga ay tumutubo nang kumpol-kumpol. Karaniwan naman itong nakikitang tumutubo sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan ng Pilipinas.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MAKABUHAY?


Ang iba’t ibang bahagi ng halamang makabuhay ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

May taglay na colombine, kaunting alkaloid at glucoside ang halaman ng makabuhay.
Mayroon ding picroretine at bakas ng berberine sa halaman lalo na sa dahon.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

Dahon. Kadalasang inilalaga ang mga dahon upang mainom sa panggagamot.
Sanga. Ang sanga naman ay madalas na inilalaga din upang mainom o kaya ay dinidikdik upang makuha ang katas. Maaari din itong haluan ng langis ng niyog.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MAKABUHAY?
1. Lagnat. Ang pag-inom pinaglagaan ng mga dahon at mga sanga ng makabuhay ay makatutulong na pababain ang mataas na lagnat.


2. Galis. Dinidikdik naman ang sariwang sanga ng makabuhay ay inilalagay ang katas sa mga sugat na dulot ng mga galis sa balat.

3. Malaria. Sintomas ng sakit na malaria ang pabalikbalik na mataas na lagnat. Ang kondisyong ito ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng mga sanga at dahon ng makabuhay.

4. Sugat. Ang malalalang sugat na mahirap maghilom ay maaari namang matulungan ng paghuhugas gamit ang pinaglagaan ng mga sanga. Maaari din gamitin na pampahid ang langis na pinagbabaran ng mga dinikdik na sanga ng makabuhay.

5. Rayuma. Mabisa din ang langis ng niyog na pinagbabaran ng dinikdik na sanga ng makabuhay. Ipinapahid lamang ito sa mga apektadong bahagi ng katawan.

6. Ulcer sa sikmura. Ang pagsusugat naman ng mga gilid ng sikmura ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng pag-inom sa tubig na pinagbabaran ng dinikdik na mga sanga ng makabuhay.

7. Kabag. Para naman sa pananakit ng sikmura dahil sa kabag, pinapahiran ng langis na pinagbabaran ng dinikdik na sanga ng makabuhay ang sikmura.

8. Alipunga. Maaari ding gamitin ang langis na pinagbabaran ng makabuhay para sa kondisyon ng alipunga sa paa.

Gamot sa Sore EyesAng Sore Eyes ay isang sakit sa mata na kung saan ang mata ay nakararanas ng pamumula, pangangati na t...
29/01/2019

Gamot sa Sore Eyes

Ang Sore Eyes ay isang sakit sa mata na kung saan ang mata ay nakararanas ng pamumula, pangangati na tila may buhangin sa loob nito at namamaga. Dahil ito sa bactirea na nangagaling sa paligid maaaring sa kamay mo sa, sa ginagamit mong panyo o towel sa hangin. nakukuha ito dahil sa kapabayaan sa mata. Ang pagtutok sa gadget, computer, matagal na pagkababad sa pagbabasa at pagkusot sa mata ng sobra ay sanhi sa pag kakaroon ng sore eyes.Halinat ating talakayin ang mga sintomas at senyales, mgsa dahilan ng pagkakaroon ng sore eyes, mga praktikal na pamamaraan sa paggamot sa sore eyes, at mga gamot na mabi bili sa botika para sa sore eyes.

Continue Reading: http://anunggamot.com/gamot-sa-sore-eyes/
Anunggamot.com

Kilala ang kalamansi o Citrus microcarpa sa seyantipiko nitong pangalan bilang isang sangkap na pampalasa sa mga pagkain...
29/01/2019

Kilala ang kalamansi o Citrus microcarpa sa seyantipiko nitong pangalan bilang isang sangkap na pampalasa sa mga pagkain ng marami ring mga lutuin. Pero ano nga ba ang mga sustansyang makukuha natin dito?. Ano ano ba ang mga sakit na nagagamot nito.
Anunggamot.com
http://anunggamot.com/gamit-ng-kalamansi-sa-kalusugan/

Positibong Epekto ng pagkain ng Saging na SabaAng saging na saba ay nagtataglay ng kakaonting calories at siksik sa bita...
24/01/2019

Positibong Epekto ng pagkain ng Saging na Saba

Ang saging na saba ay nagtataglay ng kakaonting calories at siksik sa bitamina at mineral gaya ng Vitamin A, B, C, thiamine, calcium, phosphorus, potassium, protein, at iba pa… Nagbibigay rin ito ng Enerhiya sa atin. Narito at alamin ninyo ang iba pang magagandang benepisyong naidudulot ng Saba sa ating katawan.

Dahil ang saging na saba ay nagtataglay ng kakaonting calories at siksik sa bitamina at mineral gaya ng Vitamin A, B, C, thiamine, calcium, phosphorus, potassium, protein, at iba pa. Narito at alamin ninyo ang iba pang magagandang benepisyong naidudulot nito sa ating katawan!🧐👇👇👇

http://anunggamot.com/positibong-epekto-ng-pagkain-ng-saging-na-saba/

Lemon Water para sa ating Immune SystemAng lemon water ay simpleng kombinasyon ng lemon at maligamgam na tubig. Kaya pal...
24/01/2019

Lemon Water para sa ating Immune System

Ang lemon water ay simpleng kombinasyon ng lemon at maligamgam na tubig. Kaya pala lemon water, lemon + tubig lang pala. Pero may option ka, kung gusto mong may konting tamis. Maaari mong patakan ng natural honey ang mixture. Ang pagdadagdag ng isang slice ng luya para medyo maanghang sa panlasa ay maaring gawin rin…

Read more info:
http://anunggamot.com/lemon-water-para-sa-ating-immune-system/
Anunggamot.com

Ang lemon water ay simpleng kombinasyon ng lemon at maligamgam na tubig. Kaya pala lemon water, lemon + tubig lang pala. Pero may option ka, kung gusto mong may konting tamis. Maaari mong patakan ng natural honey ang mixture. Ang pagdadagdag ng isang slice ng luya para medyo maanghang sa panlasa ay....

Ang luya ay isang bungang-ugat na kilalang pampabango o pampalasa sa mga pagkain. Ito ay isang halaman na may katamtaman...
23/01/2019

Ang luya ay isang bungang-ugat na kilalang pampabango o pampalasa sa mga pagkain. Ito ay isang halaman na may katamtamang taas, may patulis na mga dahon, at bilugan na bulaklak. Ito ay karaniwang pananamim sa maraming taniman sa buong kapuluan ng Pilipinas.

You can visit us at: anunggamot.com

Ang luya ay isang bungang-ugat na kilalang pampabango o pampalasa sa mga pagkain. Ito ay isang halaman na may katamtamang taas, may patulis na mga dahon, at bilugan na bulaklak. Ito ay karaniwang pananamim sa maraming taniman sa buong kapuluan ng Pilipinas.

Mindoro Travel Guide: Featuring Mindoro ThoughtsFirst Travel Ninyo Ngayong 2019?Me: 😂 👇👇👇Ikaw: 🤔🤔🤔
10/01/2019

Mindoro Travel Guide: Featuring Mindoro Thoughts

First Travel Ninyo Ngayong 2019?

Me: 😂 👇👇👇
Ikaw: 🤔🤔🤔

Address

Pinamalayan
5208

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anunggamot.com posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share