Balayong Child Development Center

Directions

Balayong Child Development Center Welcome to the official page of Balayong CDC, Puerto Princesa City—capturing moments, sharing milestones.

Nagtatayo na lang siguro kami ng laundry business! 😂🧺Pero ang totoo, bahagi ito ng aming learning activity!SUB-THEME: I ...
05/08/2026

Nagtatayo na lang siguro kami ng laundry business! 😂🧺

Pero ang totoo, bahagi ito ng aming learning activity!

SUB-THEME: I Can Do Many Things With Others
ACTIVITY 3: Water Wash 💦

Sa simpleng paglalaba, natututuhan ng mga bata ang pagtutulungan, pagsunod sa mga panuto, koordinasyon ng kamay at mata, at pagpapaunlad ng kanilang fine motor skills. Higit sa lahat, natututo silang maging responsable at masiyahan sa paggawa ng mga simpleng gawain kasama ang kanilang mga kaklase.





Nakikiisa rin ang Balayong Child Development Center sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa! 🇵🇭
02/08/2026

Nakikiisa rin ang Balayong Child Development Center sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa! 🇵🇭

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮!

Nakikiisa ang ECCD Council sa Komisyon sa Wikang Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang, “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa pagdiriwang na ito, binibigyang-pugay natin ang wikang Filipino bilang mahalagang daluyan ng komunikasyon, pagkatuto, at pagbabahagi ng kaalaman sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya.

02/08/2026
Our PRE-K1 children and their parents! 🍓🥕🥬🥑🍎🥦🌽🍌More photos are available in the article linked in the comment section. 😍...
30/07/2026

Our PRE-K1 children and their parents!
🍓🥕🥬🥑🍎🥦🌽🍌

More photos are available in the article linked in the comment section. 😍⬇️

|| 𝐌𝐀𝐊𝐔𝐋𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐌𝐀𝐒𝐈𝐆𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍: 𝐌𝐆𝐀 𝐂𝐇𝐈𝐊𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐑𝐄 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑, 𝐍𝐀𝐆𝐃𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇

Para sa buong detalye at impormasyon, i-click ang link na nasa comment section sa ibaba. ⬇
Huwag kalimutang mag-react, mag-comment at i-share ang balitang ito.


🍎🥕 Malusog na katawan at malinis na kapaligiran! 🌿💚Nakiisa ang Balayong Child Development Center sa pagdiriwang ng NATIO...
30/07/2026

🍎🥕 Malusog na katawan at malinis na kapaligiran! 🌿💚

Nakiisa ang Balayong Child Development Center sa pagdiriwang ng NATIONAL NUTRITION MONTH 2026 na may temang "Nutrition at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"

Nagsimula ang programa sa pagpapakilala ng bawat bata, kung saan buong kumpiyansa nilang ipinakilala ang kanilang sarili at ang prutas o gulay na kanilang kinakatawan.

Sinundan ito ng isang makulay at masayang parada sa City Hall, kung saan buong pagmamalaking ipinamalas ng mga bata ang kanilang mga natatangi at malikhaing kasuotang prutas at gulay.

Matapos ang parada, nagsalo-salo ang lahat sa pagkain ng sariwa at masustansiyang mga prutas, bilang paalala sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pagpili ng masustansiyang pagkain.

Bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok at pagsuporta sa selebrasyon, iginawad sa bawat bata ang Certificate of Appreciation.

Maraming salamat sa mga magulang at sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang ating pagdiriwang. Sama-sama nating itaguyod ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa mas malusog na kinabukasan! 🌱💚





Featuring our very own Kuya Caleb! ✨
30/07/2026

Featuring our very own Kuya Caleb! ✨

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔!

“Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”

Ngayong Nutrition Month, sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa mas malusog na pamilya at mas luntiang kinabukasan.

🌾 Piliin ang masustansiya at lokal na pagkain
🥗 Isabuhay ang wastong nutrisyon
♻️ Bawasan ang food waste at pangalagaan ang kapaligiran
🌱 Suportahan ang sustainable at responsableng produksyon ng pagkain

Dahil ang malusog na katawan ay nagsisimula sa malusog na pagkain—at ang malusog na kinabukasan ay nakasalalay sa pangangalaga natin sa kalikasan.

Nutrisyon at Kalikasan—Sabay Nating Pangalagaan! 💙

HAPPY NUTRITION MONTH 2026! 🦚

28/07/2026

It was a fun-filled day—FULL OF BUBBLES! 🫧✨

Through this exciting bubble-blowing activity, our little learners developed their fine motor skills, oral-motor control, breathing coordination, observation skills, and language development while having lots of fun.

Learning truly becomes more meaningful when children are engaged through play! 💙

✅ Orientation to Barangay Officials, Parents, and Child Development Workers/Teachers✅ Parent Effectiveness Seminar✅ Indu...
23/07/2026

✅ Orientation to Barangay Officials, Parents, and Child Development Workers/Teachers
✅ Parent Effectiveness Seminar
✅ Induction of Parents Group Committee

Nakiisa ang Balayong Child Development Center, kasama ang pito (7) pang CDCs ng Barangay Sta. Monica, sa isang makabuluhang programa na pinangunahan ng Day Care Service Program, City Social Welfare and Development Office (CSWD), City Health Office (CHO), at ng Pamunuan ng Barangay Sta. Monica.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang na naglaan ng oras upang makiisa sa aktibidad na ito. Nawa'y naging makabuluhan ang inyong mga natutuhan at nabusog din ang lahat! 😁

Patuloy tayong magtulungan para sa mas ligtas, mas masaya, at mas maunlad na kinabukasan ng mga bata. 🩷






FRIDAY IS P.E. DAY at PPC Sports Complex! Teacher: Kids, are you tired? Them: NO! Ayon, after tumakbo,  pumunta pa kami ...
17/07/2026

FRIDAY IS P.E. DAY at PPC Sports Complex!

Teacher: Kids, are you tired?
Them: NO!

Ayon, after tumakbo, pumunta pa kami sa playground. 🤷🏻‍♀️

Nakiisa ang Balayong CDC sa pagdiriwan ng NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH sa New Green City Hall na may temang: "Nagh...
16/07/2026

Nakiisa ang Balayong CDC sa pagdiriwan ng NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH sa New Green City Hall na may temang: "Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas."

Nagkaroon ng pagkakataon ang Balayong CDC children for an interactive learning experience sa pamamagitan ng hands-on exploration ng mga display equipment at rescue tools ng iba't ibang ahensya. ⛑️🚣🏻‍♀️🚣‍♂️

Naging masaya at makabuluhan ang aming maikling adventure ngayong araw. Maraming salamat po sa pamunuan ng PUERTO PRINCESA CITY DRRMC! 🥰


Address

Old City Hall, Bgy. Sta. Monica
Puerto Princesa

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balayong Child Development Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share